DJ Jellie Aw sa fiancé na si Jam Ignacio: “Sobrang seloso po kasi, parang maliit na bagay po pinagseselosan niya”

lead image

Si Jellie handing magpatawad pero hindi makakalimot sa ginawa ng kasintahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

DJ Jellie Aw sinampahan na ng kaso ang fiancé niyang si Jam Ignacio.

DJ Jellie Aw binugbog umano ng fiancé niyang si Jam Ignacio

jellie aw jam ignacio

Usap-usapan ngayon sa social media ang pambugbog diumano ni Jam Ignacio sa kilalang disc jockey na si Jellie Aw. Si Jam ay ex at long-term boyfriend ng aktres na si Karla Estrada. Sila ay nagbreak Hulyo ng nakaraang taon at na-engage sa kay DJ Jellie Aw nitong Nobyembre 2024.

Maliban sa nakakaintrigang love triangle, viral ngayon ang mga larawan ni Jellie na bugbog at duguan ang mukha. Base sa pahayag ni Jellie, ito daw ay gawa ng fiancé niyang si Jam.

Pagkukuwento ni Jellie, nangyari ang pambubugbog sa loob ng sasakyan habang bumabyahe sila. Sinabutan daw siya ni Jam at hinampas ang mukha sa salamin ng kotse. Maliban dito ay pinagsasapak siya nito, dahilan para magdugo ang kaniyang mata at magkabasag-basag ang kaniyang ngipin. Mabuti nalang daw at nakahingi siya ng tulong ng huminto sa tollgate ang kanilang sasakyan at nagkaproblema ang RFID nito.

Kwento ni Jellie, nag-ugat daw ang pambugbog ni Jam sa selos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sobrang seloso po kasi, parang maliit na bagay po pinagseselosan niya. Kahit po sa work ko kapag may kumakaway sakin, sa gig, nagagalit siya.”

Ito ang pagkukuwento ni Jellie sa isang panayam.

Dahil sa sinapit sa kamay ng lalaking na sana ay papakasalan niya na, si Jellie daw ay natrauma. Kaya naman sa ngayon ay sinampahan niya na ito ng kaso. Ito ay para hindi na magawa pa ng kasintahan ang hirap at sakit na dinanas niya.

“Kaya ko po siyang patawarin pero gusto ko po pagbayaran niya ‘yung ginawa sa akin para hindi na niya magawa sa mga ibang babae pa.”

Ito ang sabi pa ni Jellie sa isang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saan puwedeng makahingi ng tulong kung ikaw ay biktima ng domestic violence?

Kung ikaw ay biktima ng karahasan sa tahanan sa Pilipinas, maaari kang humingi ng tulong sa mga sumusunod na organisasyon at awtoridad:

Mga Emergency at Government Hotlines

PNP Women and Children Protection Center (WCPC)

Hotline: (02) 8532-6690 / 0919-777-7377
Email: wcpcdo.pnp@gmail.com
Facebook: PNP WCPC Official
Sila ay tumutulong sa pagsasampa ng reklamo at nagbibigay ng proteksyon sa mga biktima.

DSWD Violence Against Women (VAW) Desk

Hotline: 8888 (Citizens’ Complaint Hotline)
Email: inquiry@dswd.gov.ph
Website: www.dswd.gov.ph
Nagbibigay ng tirahan, legal na tulong, at mga serbisyong panlipunan para sa mga biktima.

Barangay VAW Desk

Ang bawat barangay ay may Violence Against Women (VAW) Desk kung saan maaari kang mag-ulat ng pang-aabuso at humingi ng agarang tulong.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Violence Against Women and Children Division

Hotline: (02) 8523-8231 hanggang 38
Nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga kaso ng karahasan sa tahanan at tumutulong sa mga legal na aksyon.

Mga Non-Government Organizations (NGOs)

Philippine Commission on Women (PCW)

Hotline: (02) 8736-5249
Email: edo.pcw@gmail.com
Website: www.pcw.gov.ph
➡️ Nagbibigay ng legal at sikolohikal na suporta.

Women’s Crisis Center (WCC)

Hotline: (02) 8525-4673
Nag-aalok ng counseling, legal na tulong, at pansamantalang tirahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Child Protection Network Foundation (Para sa mga inabusong kababaihan at bata)

Hotline: (02) 8525-1972
Website: www.childprotectionnetwork.org

Legal Aid mula sa Public Attorney’s Office (PAO)

Hotline: (02) 8426-2075 / (02) 8426-2801
Website: www.pao.gov.ph
Nagbibigay ng libreng legal na tulong.

Manatiling ligtas, at huwag mag-atubiling humingi ng tulong.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement