Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ibinahagi ang details ng kanilang civil wedding

Congratulations Jennylyn at Dennis!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makalipas ang ilang taon ng pagmamahalan, aktress na si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay nagpakasal na!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga detalye sa civil wedding ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo
  • Alamin ang kanilang wedding vows

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ibinahagi ang details ng kanilang wedding

Nitong nagdaang November 15, Lunes, ay ikinasal na ang magkasintahang si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. Ang kanilang civil wedding ay ginanap sa TGIS Studio, na pagmamay-ari ni Kathryn Bernardo.

Talaga namang napaka-elegante at unique ng celebrity couple suot ang kanilang matching white suit. Suot ni Jennylyn ang tux dress na dinesenyo ni Vania Romoff, at ang white suit naman ni Dennis ay likha ni Edwin Tan.

Larawan mula sa Instagram account ni Dennis Trillo

Sa isang vlog ni Jennylyn, ay ibinahagi ng dalawa ang mga detalye ng kanilang kasal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Kasal na kami!" Bungad ni Dennis Trillo sa mga manunood. "Ang daming nangyari." wika ni Jennylyn.

Sinang-ayunan naman ito ni Dennis, "Oo, medyo stressed kami noong araw na 'yon."

Ayon sa dalawa, mahabang preparasyon ang ginawa nila para sa kanilang civil wedding. Tumulong umano ang bestfriend ni Jennylyn na si Nice sa pag-aayos ng kaniyang kasal.

Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mismong araw bago pa man tuluyang ikasal ang dalawa ay kaliwa't kanang pagsubok muna ang kinaharap nila.

"Actually 'yong wedding, noong morning pa lang, ang sakit na ng ulo ko. So hanggang Sunday morning, sabi ko, 'Baby, parang iba pa rin 'yong pakiramdam ko." wika ni Jennylyn.

Pahayag ng aktres na si Jennylyn ay umaga pa lang masama na ang pakiramdam nito.

"Papunta na kami doon sa venue, bigla naman umulan."  wika ni Dennis.

Dahil sa malakas na ulan na-late umano sila ng isang oras sa kanilang wedding venue.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Kaya sorry Justice Jhosep at sa lahat ng mga bisita na nag-antay doon, pasensiya na kayo aligaga kaming lahat." sabi ng aktor.

Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

BASAHIN:

Jennylyn Mercado, may schedule na ng surrogacy implant bago malaman na buntis

LOOK! Jennylyn Mercado at Dennis Trillo kasal na!

LOOK: Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, engaged na—at magkaka-baby na rin!

Dagdag pa riyan isa pa sa mga pagsubok na kanilang hinarap ay nang hingin na ni Justice ang wedding ring para maihanda na. Napansin ni Jennylyn na mali ang wedding box na nadala nila.

"Hiningi ni Justice, nasaan 'yong ring para i-ready na, bago mag-start 'yong ceremony. Tapos sabi ko ito 'yong ring. Tas binigay nila 'yong box ng engagement ring. sabi ko nay hindi 'yan. Tap0s nakita ko 'yong mukha ni Dennis, parang ' Oh my God mali 'yong nalagay ko." kwento ni Jennylyn. "Ang dami ko ring iniisip noong araw na iyon, so iba pala 'yong nadampot ko na box. Nadampot ko na box iyong walang laman." pahayag naman ni Dennis.

Gayunpaman sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan nila, taos-puso pa rin ang pasasalamat nila Jen at Dennis sa lahat ng taong nakiisa at tumulong upang maging posible ang kanilang kasal.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nagpalitan ng matatamis na wedding vows

Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi din ng dalawa ang kanilang wedding video, na likha ng NicePrint. Makikita sa wedding video na ito ang mga detalye sa kanilang kasal, simple ngunit tunay nga namang espesyal.

Damang dama rin ang pagmamahal ni Dennis Trillo sa kaniyang asawa habang sinasambit ang kaniyang wedding vow.

"I Dennis take you Jennylyn Mercado, to be my wife to have and to hold, from this day forth. To love, honor and cherish. To comfort and respect , in sorrow or in Joy, in hardship or in plenty. so long as we both shall live. " "Dennis I offer this ring as a symbol of my love and devotion. That it always be a reminder of my vows to you." sambit naman ni Jennylyn sa kaniyang wedding vow.

October 29, nang ianunsiyo nng dalawa ang kanilang engagement at pagbubuntis ni Jennylyn.

Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang ipinagbubuntis ni Jennylyn ay ang unang anak ng dalawa. Pareho silang may anak sa kanilang mga nakaraang relasyon.

Naging magkasintahan ang dalawa noong taong 2010 at naghiwalay naman noong 2011. Nagkabalikan naman sila noong 2014 at ipinagdiwang ang kanilang ika-pitong anibersaryo bilang couple noong January 2021.

Congratulations Jennylyn and Dennis!

Source:

PEP.ph, Rappler, ABS-CBN

Sinulat ni

Joyce Ann Vitug