LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo finally shows the face of Baby Dylan!

Si Dennis Trillo ang nagputol ng umbilical cord na nagdugtong kina Jennylyn at kanilang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo pinasilip ang mga naging pangyayari para sa pagsilang ng kanilang baby. Makikita rin sa kanilang vlog ang mukha at malalaman na rin pati ang name ng kanilang anak!

Mababasa ang sumusunod sa artikulong ito:

  • Name at face reveal ng baby nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo
  • Panganganak ni Jennylyn Mercado
  • Dennis at Jennylyn balak sana ang surrogacy

Name at face reveal ng baby nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Sa wakas ay pinakita na ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang mukha ng kanilang baby.

Lampas isang buwan na rin ang nakalilipas buhat nang manganak si Jennylyn via Caesarean section delivery. Nitong June 20 ay ibinahagi na nila sa kanilang vlog ang istorya sa panganganak ng aktres. Sa dulo ng video ay masisilip na ang cute na mukha ng kanilang baby na pinangalanan nilang 'Dylan'.

Nakasakay na sa stroller si Baby Dylan habang naghahanda na sila Jennylyn at Dennis na dalhin ang kanilang bagong silang na anak sa kanilang tahanan.

Makikitang mahimbing na natutulog si Dylan sa kaniyang stroller. Maaninag din na tila nakangiti ito habang kinukuhanan ng video ng kaniyang daddy.

"Ready na kaming lahat for discharge. At uuwi na kami! Excited na kami na makita ni Dylan 'yong kwarto niya."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa screenshot ng YouTube channel ni Jennylyn Mercado

Panganganak ni Jennylyn Mercado

Noong April 25 ay nagtungo sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo para lang sana sa check-up para sa kanilang baby na noon ay nasa sinapupunan pa lang ng aktres.

Ang tumitingin kay Jennylyn ay si Dr. Judy Ann Uy-De Luna. Matagal na siyang OBGYN ng aktres buhat pa noong ipanganak niya ang kaniyang panganay na si Jazz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kwento ng Dr. Judy Ann, noong check-up ni Jennylyn Mercado ay nakita nilang ready na pala itong manganak. Kaya naman isinalang na nila ito para sa delivery ng kanilang baby ni Dennis Trillo.

"Supposedly it was Jen's last prenatal check-up. But when I check her, her cervix was open. So we cannot wait for that May 5 date anymore but has to proceed with April 25 date."

Habang nakahiga sa hospital bed si Jennylyn Mercado, sinabi niya na hindi pa sila ready ni Dennis Trillo para sa kaniyang panganganak.

"Ready ka na ba? Ako hindi pa ata... Nako hindi na kayang i-hold 'to. Gusto nang kumawala nito."

Sambit ni Dennis Trillo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bandang 5 PM dinala si Jennylyn Mercado sa operating room para sa kaniyang Caesarean section delivery. Bago 'yon ay pinakalma muna ni Dennis ang kaniyang misis na sinabing masakit daw ang panganganak.

"Kayang kaya mo 'yan. Nagawa mo na 'yan dati kaya kayang kaya mo na 'yan."

Larawan mula sa screenshot ng YouTube channel ni Jennylyn Mercado

Si Dennis Trillo mismo ang nagputol ng umbilical cord na nagdugtong kay Jennylyn Mercado at sa kanilang baby. Ayon kay Dennis, ninerbyos siya sa pagputol nito pero nagawa naman niya ito nang maayos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa nasabi ring YouTube vlog, nagpasalamat ang celebrity couple sa kanilang mga fans at sa lahat ng nagdasal para sa kanilang pregnancy journey.

"Maraming salamat po ulit sa inyong lahat na sumama at nagdasal sa aming journey kasama ang bago naming anghel na si Baby D. Stay safe and Ingat po kayo palagi."

BASAHIN:

Jennylyn Mercado appreciates Dennis Trillo on his birthday: "Salamat sa iyong napakatamis na pag-aalaga."

Bettinna Carlos nabuntis ilang buwan matapos makunan: "Si God talaga 'yong may hawak ng time."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Viy Cortez ipinasilip ang laman ng hospital bag para sa kaniyang panganganak

Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

Dennis at Jennylyn balak sana ang surrogacy

Matatandaan na dating naikuwento ng celebrity couple na taong 2018 ay nagpa-freeze na si Jennylyn Mercado ng kaniyang egg cells. Ngunit hindi ito nagtagumpay.

Noon namang magkaroon ng pandemic ay tiningnan nila ang posibilidad ng surrogacy. Ito ang procedure kung saan iba ang magdadala ng sanggol ng couple sa kanilang sinapupunan.

Nagtungo sa USA sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado para simulan ang proseso sa surrogacy. Doon tiningnan ang eggs ni Jennylyn pati na rin ang sperm ni Dennis.

Nakakita na rin sila ng pumayag na maging surrogate mother at naka-schedule na rin para sa surrogacy implant. Kaya naman maituturing na miracle na biglaang nagbuntis si Jennylyn Mercado bago maituloy ang surrogacy.

“Gumawa na ng schedule para sa contract signing pati sa implant. Dapat yung naka-schedule ng October. Dapat yun last week ng October mangyayari.”

Ngayon ay very happy na ang couple na mayroon na silang baby together. Sa latest Instagram post ni Jennylyn ay makikita si Dennis na nakangiti habang hawak si Baby Dylan.

Bumabalik na rin sa ilang activities si Jennylyn. Kabilang rito ang Pilates para sa kaniyang postpartum fitness.