Jennylyn Mercado nagsisimula na sa kaniyang postpartum workout! Ito ay ginawa niya isang buwan matapos niyang isilang ang baby nila ni Dennis Trillo.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Jennylyn Mercado sinimulan na ang postpartum workout niya.
- Safe na paraan ng pagpapayat matapos manganak.
Jennylyn Mercado sinimulan na ang kaniyang postpartum workout
Nitong Abril 25 ay isinilang ng aktres na si Jennylyn Mercado ang anak nila ng kaniyang husband na si Dennis Trillo. Ang magandang balita ay unang ibinahagi ng dalawa sa kanilang YouTube vlog na ayon sa kanila ay biglaan.
Dahil si Jennylyn, noong araw na iyon ay dapat magpapa-check-up lang pero sa hindi nila inaasahan na si Jen ay sinabihan na ng kaniyang doktor na manganganak na.
Makalipas ang ilang araw ay naglabas si Jennylyn at Dennis ng joint statement tungkol sa pagsilang ni Baby D. Nagbigay rin siya ng ilang detalye tungkol sa kanilang baby na naipanganak daw ni Jen sa pamamagitan ng caesarean delivery.
“We would like to announce that Jennylyn and I gave birth to a healthy baby girl last April 25, 2022, at about 5PM. Baby ‘D’ weighs 5.7 lbs and was delivered through caesarean procedure.”
“Everything went smoothly inside the operating room and both Jennylyn and baby ‘D’ are doing very well now.”
Dagdag pa ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, tulad ng inaasahan ay puyatan ang mga unang gabi nila kasama si Baby D. Pero magkaganoon man, blessed sila dahil ito ay naipanganak at lumalaking healthy ang kanilang anak.
“Despite having sleepless nights these past days, Jen and I are very much enjoying our time as parents and we are very thankful that we are blessed with a healthy baby girl.”
“Thank you to everyone who sent their well wishes for our family.”
Ito ang sabi pa ni Dennis at Jen sa kanilang joint statement na inilabas sa isang news program ng TV network.
Ngayon, matapos ang higit isang buwan ng makanganak, nagsisimula na sa kaniyang balik-alindog program si Jennylyn. Pero paglalarawan ni Jennylyn Mercado sa pagsasagawa ng kaniyang postpartum workout ay hindi ito ganoon kadali. Ang aktres, pilates ang isinasagawang postpartum exercise.
“Postpartum fitness isn’t easy but we’ll make it through! #1monthpostpartum #postpartumpilates #1stday”
Ito ang sabi ni Jennylyn sa kaniyang Instagram account.
Ang iba pang mommy at celebrity friends ni Jennylyn, todo suporta sa aktres tulad nina fellow StarStruck alumna Yasmien Kurdi, at Lovely Abella.
BASAHIN:
STUDY: Postpartum depression, maaaring tumagal ng 3 years pagkatapos manganak
Ano ang postpartum preeclampsia? Mga mahalagang impormasyon tungkol dito
Kailan dapat magsimulang mag-exercise o mag-workout matapos manganak?
Ayon sa mga eksperto, isa o dalawang araw matapos makapanganak ang isang babae ay maaari na siyang gumalaw-galaw o maglakad-lakad. Ito ay para lumakas ang kaniyang katawan.
Mahalagang isaisip na dapat pa ring iwasan ang mabibigat na exercise. At gawin lang ito sa oras na ipinayo na ng iyong doktor o sa tingin mo ay kaya na ng iyong katawan.
Kung nagnanais naman ng ligtas at mabilis na paraan para bumalik sa dati mong fit at slim na katawan, narito ang ilang hakbang na maari mong gawin.
Ligtas na paraan ng pagpapayat matapos manganak
1. Magpa-breastfeed hanggang kaya.
Ayon sa mga pag-aaral, ang breastfeeding ay makakatulong sa pagpapayat ng isang babaeng bagong panganak. The best din ito para sa iyong baby.
2. I-monitor ang iyong calorie intake.
I-monitor ang iyong calorie intake sa pamamagitan ng pagkakaroon ng food diary o kaya naman ay gumamit ng mobile calorie tracking app. Siguraduhin lang na sapat na amount ng calories ang nako-consume mo araw-araw. Kumain lang ng mga masusustansiyang pagkain at siguraduhing sapat lang ang laki o dami nito na kailangan ng iyong katawan.
3. Kumain ng mga pagkaing rich in fiber.
Ang mga pagkaing rich in fiber tulad ng grains at vegetables ay makakatulong sa iyong pagpapayat. Dahil sa ang mga ito ay nagbibigay sa’yo ng mas matagal na feeling ng kabusugan. Sapagkat pinapabagal nito ang iyong digestion at binabawasan ang iyong hormone levels, ayon sa isang 2015 study.
4. Kumain ng protein-rich foods.
Ang pagkain na rich in protein ay nakakatulong para ma-boost ang iyong metabolism. Binabawasan rin nito ang iyong appetite sa pagkain, pati na ang iyong calorie intake.
Ang mga pagkaing rich in protein ay lean meats, eggs, nuts at seeds.
5. Iwasang kumain ng matatamis na pagkain.
Ang mga matatamis na pagkain lalo na ang nagtataglay ng refined carbs tulad ng soft drinks at cakes ay may mataas na calorie level. Nagpapataas din ito ng tsansa mong makaranas ng diabetes, heart disease, cancer, at cognitive decline.
6. Iwasan ang pagkain ng mga highly processed foods.
Ang processed foods ay nagtataglay ng high amount of sugar, unhealthy fats, salt, at calories. Ang mga ito’y hindi healthy para sa iyong pagpapapayat. Kaya tulad ng matatamis na pagkain, dapat ding iwasan ang pagkain ng mga ito.
7. Mag-exercise.
Ang mga cardio exercises tulad ng walking, jogging, running, cycling, at interval training ay malaki ang maitutulong sa pag-burn ng calories ng iyong katawan. Ini-improve din nito ang iyong heart health at binabawasan ang iyong tsansa na makaranas ng diabetes at cancer.
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang aerobic exercise ay makakatulong rin sa fat loss at improvement ng iyong heart health.
Dapat lang tandaan na ang iyong stomach at pelvic area ay kailangan ng oras para mag-heal at mag-recover. Lalo na kung ikaw ay nanganak sa pamamagitan ng cesarean delivery. Kaya para makasigurado, mabuting hingin muna ang go signal ng iyong doktor bago sumubok ng anumang uri ng exercise.
8. Manatiling hydrated.
Ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig ay nakakatulong rin sa pag-aalis ng baby weight. Dahil sa ito’y nagbibigay sa ‘yo ng increase sense of fullness at nag-stimulate ng iyong metabolism.
9. Kumuha ng sapat na tulog hangga’t maaari.
Bagamat mahirap ay dapat kumuha ng sapat na tulog hangga’t maari. Dahil ang kawalan ng sapat na tulog ay nakaka-apekto sa iyong timbang. Para maisagawa ito ay dapat humingi ng tulong sa mga tao sa iyong paligid sa pag-aalaga sa iyong bagong silang na sanggol.