Bakas sa mukha ni Lauren Lowrey ang ligaya limang araw pagkatapos niyang ipanganak ang kaniyang pangawalang anak. Gaya ng ibang ina, hindi kumpleto ang motherhood kapag hindi mo makakarga ang bagong panganak na sanggol habang nagpapagaling.
Mababasa sa article na ito ang:
- Kwento ng isang inang nagkaroon ng postpatum preeclampsia
- Mga pag-aaral tungkol sa preeclampsia
Postpartum preeclampsia, halos ikamatay na ng isang ina
Ano ang postpartum preeclampsia? | Image from Freepik
Ayon kay Lowrey, 34 years old na news anchor mula Nashville television station, “I was a little tired and sore, you know, but basically I felt really good,” Ine-enjoy niya lang ang kaniyang maayos na pagbubuntis at alam niya sa sariling makaka-recover agad mula rito.
Pero kinabukasan, bigla na lamang nawala ang confidence ni Lowrey at nakaramdam ng kakaiba, “I just didn’t feel right,” ayon sa kaniya.
Sa una, hindi maipaliwanag na discomfort ang kaniyang nararamdaman. Matinding pagkapagod, pananakit ng likod at ulo na hindi kaya ng ibuprofen. Tumagal ito ng isang araw at mas lalong lumala ang kaniyang kalagayan. Doble ang pananakit ng kaniyang likod samahan pa ng hirap sa paghinga.
Hapon noon ay iidlip na lamang sana siya ngunit napansin na hindi normal ang kaniyang heartbeat at bumabagal. “I was exhausted, but now I was afraid to close my eyes,” ayon sa kaniya. “I remember thinking, ‘If I go to sleep, I might not wake up again.’”
Ano ang postpartum preeclampsia? | Image from Freepik
Imbes na matulog, pumunta siya sa kaniyang obstetrician na alam ang kalagayan niya. “She was very calm, but she made it clear to me that it was urgent.” kinakailangan niyang pumunta sa hospital sa loob ng 30 minutes. “I got off the phone and I just cried, I was so scared.”
Dito nalaman na si Lowrey ay may malalang postpartum preeclampsia. Isang kondisyon kung saan may kaugnayan sa high blood at karaniwang sobra-sobra ang protein sa urine. Kung sakaling pinagpatuloy ni Lowrey ang kaniyang pagtulog, maaaring siya ay ma-stroke o fatal seizure.
Ano ang dapat malaman sa postpartum preeclampsia?
Sa paglipas ng panahon, ang preeclampsia ay isang rare condition at kadalasang naaapektuhan ang mga buntis. Ayon sa National Institutes of Health, ito’y bihira lamang ngunit sa nakalipas na tatlong dekada, nakita ang matinding pagtaas ng porsiyento nito.
Napagalaman sa bagong pag-aaral na nagiging malala ang pre-eclampsia pagkatapos manganak ng isang babae. At hindi rin malaman ng mga researcher ang dahilan sa mabilis na pagtaas ng kaso nito. Katulad ni Lauren Lowrey na mayroong healthy pregnancy at hindi komplikadong delivery.
BASAHIN:
11 hindi inaakalang sintomas ng preeclampsia sa mga buntis
Pasma sa ugat: Sanhi, sintomas at komplikasyon na dapat bantayan
Baradong ugat: Sanhi, sintomas at lunas na kailangan mong malaman
Ngunit ayon kay Eleni Tsigas, C.E.O. ng Preeclampsia Foundation, naniniwala pa rin ibang medical practitioners na hindi nakukuha ang preeclampsia pagkatapos ng panganganak.
Katulad ito ng ibang authoritative organisation gaya ng WebMD, kung saan sinasabi nilang hindi makikita sa unang pagkakataon ng postpartum period ang preeclampsia symptoms.
Dagdag ni Tsigas, “it impacts the entire health care team, from doctors to nurses to midwives.”
“They mentally relax after delivery,” ayon kay Tsigas. “They lose sight of the surveillance and care that many women continue to require.”
Pag-aaral tungkol sa preeclampsia
Kadalasang nagde-develop ang preeclampsia pagkatapos ng 20th week nito.
Ngunit bukod dito, kinikilalang mas delikado ang preeclampsia habang nagbubuntis kumpara sa postpartum preeclampsia. Kadalasan ay walang nararamdaman na sintomas ang preeclampsia habang buntis. Saka lang ito malalaman kapag siya ay nagpa-check up at tinignan ang blood pressure. Habang ang postpartum preeclampsia ay biglaan na lamang kung ma-develop.
Ang sintomas nito ay fatigue, pamamaga, nausea hirap sapaghinga, pananakit ng ulo at kasukasuan sa liko o balikat.
Ano ang postpartum preeclampsia? | Image from Dreamstime
Ayon kay Dr Cynthia Gyamfi-Bannerman, M.D., isang maternal-fetal medicine specialist sa NewYork-Presbyterian/Columbia University Irving Medical Center, mahirap malaman kung sino ang maaaring tamaan ng preeclampsia pagkatapos manganak. “Women who had preeclampsia during their pregnancies are going to be more closely monitored,” dagdag nito. “But it’s hard to determine who else may be at risk and, in the sadder scenarios, women aren’t seeking attention until their symptoms are already severe.”
Kung hindi magagamot ang postpartum preeclampsia, ito ay maaaring maging banta sa buhay ng nanay. Maaring maranasan ang seizure, stroke, blood lot, matinding pagtutubig ng baga at permanenteng pagkasira ng utak, kidney at liver.
Sa kaso ni Lauren Lowrey, walang naging permanenteng pagkasira ng kaniyang internal organ at mabilis na gumaling. Ngunit nadidismaya pa rin siya sa sarili kapag iniisip na hindi agad pumunta sa kaniyang doctor.
“We need to be encouraging women to listen to their bodies, and to seek help right away if something doesn’t feel right,”
Dagdag pa nito na, “I just cannot overstate that enough. If I hadn’t listened to my body that day, I could have died.”
“‘I Could Have Died’: The Dangers of Postpartum Preeclampsia” by Katherine Zoepf © 2020 The New York Times Company
Katherine Zoepf, an editor for NYT Parenting, lives in New York with her two children.
This story was originally published on 15 April 2020 in NYT Parenting.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Translated in Filipino by Mach Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!