Lagi nating naririnig ang pasma sa ugat, lalo na sa mga nanay. Ngunit may katotohanan nga ba ang kondisyon na ito? Ating alamin kung ano ang pasma at mga posibleng maging komplikasyon nito.
Ano ang pasma sa ugat?
Bilang pagdiwang ng “World thrombosis day”, nagsagawa ang theAsianparent Philippines at Sanofi ng isang educational live na may pinamagatang “FAMHEALTHY Vein Check: Usapang ugat sa paa at iba pa” noong October 13. Ang nasabing live session ay pinamunuan ni Dr. Geraldine Zamora kasama na ang guest speaker na si Dr. Paolo Nocom, head ng peripheral artery disease, Division of Vascular Medicine sa Philippine Heart Center. Kasama sa naging talakayan nila ang usapin pagdating sa pasma sa ugat, varicose veins at pagbabara ng ugat sa binti.
Gamot sa pasma sa ugat | Image from Unsplash
Sa Pilipinas lang matatagpuan ang salitang “pasma”. Karaniwang itong maririnig sa mga nanay na kakatapos lang mag-plantsa ng damit at saka nagbasa agad ng kamay. Sa ating bansa, ang pasma ay ang grabeng pamamawis ng kamay.
Ang english term ang pasma sa ugat ay may pagkakahawig sa Hyperhidrosis.
Sa kondisyong ito, maaaring mag pawis ng todo ang isang parte ng katawan ngunit puwede pa rin sa ibang bahagi. Kadalasang makikita ang sobrang-sobrang pagpapawis sa kamay, kili-kili, paa o singit na bahagi. Aktibo kasi rito ang mga sweat glands.
Ang tawag sa isang bahagi ng katawan na pinagpapawisan ng todo ay Focal hyperhidrosis. Habang ang Generalized hyperhidrosis pamamawis ng buong katawan.
Dahilan ng pasma sa ugat
Maaaring ma-develop ng isang tao ang pasma sa ugat habang siya ay lumalaki. Hindi pa malaman kung ano ang pinaka dahilan ng pamamawis ngunit ito ay maaaring sintomas ng labis na timbang ng isang tao. Narito pa ang ilang dahilan nito:
- menopause ng babae
- pagkalason sa mercury
- diabetes
- problema sa thyroid
- gout
- heart attack
- problema sa nervous system
- impeksiyon
- mababang dugo
- pagkakaroon ng tumor
- ibang uri ng cancer
Ang Hyperhidrosis ay maaaring namamana o naipapasa sa anak.
Gamot sa pasma sa ugat | Image from iStock
Sintomas ng pasma sa ugat o hyperhidrosis
Kilala natin ang ating katawan at alam natin ang normal sa hindi. Kung sakaling napansin mong kakaiba ang pagpapawis ng isang tao, ito ay maaaring may hyperhidrosis o labis labis na pamamawis kahit na hindi naman ganun kainit. Narito ang ilan pa sa kanila:
- Pamamasa ng mga palad ng kamay
- Laging pagpapawis
- Pamamasa ng talampakan
- Pamamasa ng damit dahil sa matinding pawis.
Hindi biro ang pagkakaroon ng hyperhidrosis. Iba’t iba ang mararamdaman ng mga taong nagdudusa rito. Katulad ng lamang ng pag-iwas sa mga tao na nagiging dahilan ng depresyon. Iba pa rito ay:
- ayaw ng physical contact
- paghapdi ng balat dahil sa impeksiyon
- pagbaba ng self-esteem
- nagiging self-conscious
Gamot sa pasma sa ugat | Image from Unsplash
Kung mapapansin mong kakaiba na ang iyong pagpapawis at lumalala na ito, magpatingin agad sa iyong doktor upang masuri ka agad. Narito ang mga kailangan mong bantayan na sintomas. Pumunta sa doktor kapag:
- Dobleng amount ng pagpapawis
- Pagpapawis kahit na gabi
- May emotional distress ka nang nararamdaman at ayaw mong makipagkita sa ibang tao
- Ang pagpapawis mo ay naaapektuhan na ang iyong pang araw-araw na gawain
Mga komplikasiyon ng hyperhidrosis
- Impeksyon sa balat – Dahil sa labis na pagpapawis ng isang tao, maaaring pamahayan ng bacteria ang kaniyang balat at tuluyan nang maging impeksiyon.
- Heat rashes – Maaring tubuan ng makati at mapulang rashes ang taong may hyperhidrosis. Sasamahan pa ito ng mahapding pakiramdam sa balat.
- Emosiyonal na epekto – Walang gustong magkaroon ng ganitong kondisyon. Kaya naman nagkakaroon ng emosiyonal na epekto dahil sa hyperhidrosis. Mas pinipili nilang ‘wag makihalubilo sa ibang tao dahil sa labis labis na pamamawis at basang damit. Maaaring makaapekto ito sa iyong trabaho o personal na buhay.
Source:
Mayo Clinic
BASAHIN:
Pasmadong kamay: 4 na lunas para sa pasma ng kamay
Ugat sa binti: Sanhi, sintomas at paraan para mawala ito
Baradong ugat: Sanhi, sintomas at lunas na kailangan mong malaman
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!