Posible na magkaroon ng baradong ugat ang isang tao. Paano? Sabay-sabay nating palawakin ang kaalaman tungkol sa pagkakaroon ng deep vein thrombosis o baradong ugat mula sa ating mga eksperto.
Ano ang baradong ugat o deep vein thrombosis?
Bilang pagdiwang ng “World thrombosis day”, nagsagawa ang theAsianparent Philippines at Sanofi ng isang educational live na may pinamagatang “FAMHEALTHY Vein Check: Usapang ugat sa paa” at iba pa noong October 13. Ang nasabing live session ay pinamunuan ni Dr. Geraldine Zamora kasama na ang guest speaker na si Dr. Paolo Nocom, head ng peripheral artery disease, Division of Vascular Medicine sa Philippine Heart Center.
Dito nila tinalakay kung ano ang mga importanteng dapat malaman tungkol sa pagbabara ng ugat ng isang tao.
Baradong ugat: Mga sanhi, sintomas at gamot sa deep vein thrombosis | Image from iStock
Ang deep vein thrombosis o pagkakaroon ng baradong ugat ay nangyayari kapag may nabubuong blood clot sa ugat sa loob ng katawan ng isang tao. Ang dugo ay tumitigas dahilan ng pagbara sa ugat at hindi tuluyang pagdaloy ng dugo.
Karaniwang nakikita o nabubuo ang baradong ugat sa binti o hita ngunit posible pa rin itong makita sa ibang parte ng katawan.
Ano ang dahilan ng baradong ugat o deep vein thrombosis?
Ang deep vein thrombosis ay dahil sa blood clot na namuo sa ugat ng tao. Ito ang dahilan ng hindi pagdaloy ng dugo sa ugat. Marami ang maaaring dahilan nito katulad ng:
- Pregnancy– Ang pagbubuntis ay isang dahilan ng pamumuo ng dugo sa ugat. Ito’y dahil kapag buntis ang babae, mas mataas ang nararamdaman nitong pressure sa ugat ng pelvic at hita.
- Medication– isang dahilan ng pamumuo ng dugo ay ang tinatanggap na medication ng isang tao. Kung ikaw ay may iniinom na gamot o kasalukuyang under medication, maaaring makapagpataas ito ng tiyansa ng pagkakaroon ng deep vein thrombosis.
- Injury– Ang pagkakaroon ng damage sa blood vessel ng isang tao ay maaaring magdulot ng paglapot ng dugo haggang sa maging blood clot ito.
- Obesity– Kapag sobra-sobra na ang timbang ng isang tao, doble ang pagkakaroon ng pressure nito sa ugat sa kaniyang hita at balakang.
- Birth control pills– Ang pag-inom ng pills ay nakakapagpataas ng risk ng pamumuo ng blood clot.
- Inactivity- Isa pang dahilan ng baradong ugat ay ang hindi pag galaw masyado ng isang tao. Kung ikaw ay laging nakaupo, nagiging mabagal ang pagdaloy ng iyong dugo. Hanggang sa tumagal, ito’y magiging malapot na nagiging dahilan ng blood clot.
- Surgery– Maaaring magkaroon ng pinsala ang blood vessel ng tao kapag ito’y dumaan sa surgery. Ang hindi paggalaw masyado pagkatapos ng surgery ay nakakapag pataas ng tyansa na mabuo ang dugo.
Baradong ugat: Mga sanhi, sintomas at gamot sa deep vein thrombosis | Image from Freepik
Ano ang sintomas ng deep vein thrombosis?
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, maaaring maranasan ang sintomas na ito ng mga taong may deep vein thrombosis.
- Cramps sa isang bahagi ng paa
- Matinding pananakit ng paa o bukong-bukong
- Pamamaga ng paa, bukong-bukong o hita (kadalasan isang bahagi lamang)
- Mas mainit ang isang parte ng paa kumpara sa kabila
- Namumula o namumutlang balat sa apektadong parte
Kalahati sa porsiyento ng mga mayroong deep vein thrombosis ang nakakaranas nito. Habang ang mga may malalang kondisyon ay karamihan ay hindi nakakaranas nito. Gayunpaman, maaaring maramdaman ng mga taong may malalang kondisyon ang sintomas na ito:
- Pananakit ng leeg
- Pananakit ng balikat
- Mahinang kamay
- Pagiging kulay asul ng kamay
- Pamamaga ng kamay
Kinakailangan ng emergency care ang mga taong may deep vein thrombosis kapag nagkaroon ng blood clot ang arteries sa baga ng isang tao. Kapag hindi naagapan ang deep vein thrombosis, maaaring ito ay lumala at maging Pulmonary embolism. Isang seryosong komplikasyon na kinakailangan ng matinding gamutan.
Baradong ugat: Mga sanhi, sintomas at gamot sa deep vein thrombosis | Image from Freepik
Gamot sa baradong ugat
Ayon kay Dr. Nocom, may mga gamot na maaaring inumin para matulungan ang katawan na matunaw ang namuong dugo sa ugat. Sa pamamagitan nito, lumalabnaw o paunti-unting nagiging liquid ulit ang buong dugo.
Ngunit para naman sa mga malubha na deep vein thrombosis, may dalawang paraan para magamot ito. Una, maaaring uminom ng tableta na pampalapot ng dugo. Pangalawa ay ang tinatawag na “clot buster”, ito ay isang paraan para mabarag ang buong dugo sa ugat. Kilakailangan ng emergency care ang mga taong mayroon nang pulmonary embolism.
Para mapanood ang educational live session katulad nito, i-like lamang ang aming official Facebook page theAsianparent Philippines o kaya naman i-download ang aming app para naman magkaroon ng interaction sa ibang Pinay moms!
Source:
theAsianparent Philippines, Mayo Clinic
BASAHIN:
#AskDok: Masama ba sa buntis ang ugat ng malunggay?
Lymphangitis symptoms: Ano ang mga dapat tandaan?
Vulvar varicosities: Varicose veins sa ari ng babae kapag buntis
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!