Ang Moringa, na kilala rin bilang malunggay sa Pilipinas, ay kilala bilang isa sa pinakamasustansyang sangkap sa mga paboritong ulam ng mga Pilipino. Tinaguriang “miracle vegetable”, ang Moringa ay may antiviral, antidepressant, antifungal at anti-inflamatory properties.
Mas lalo nating kilalanin ang gulay na ito at ang iba’t ibang gamit nito:
- Ano ang malunggay at paano ito kinakain?
- Mga benepisyo na nabibigay nito
- Nakakapagpalaglag daw ito ng buntis? Mga masamang epekto ng malunggay
Moringa o malunggay
Photo by Nothing Ahead from Pexels
Tinatawag na Moringa oleifera, isa itong gulay na nanggaling sa isang puno na karaniwang nakikita sa ating mga bakuran. Tinatawag din itong horseradish tree or drumstick tree.
Halos bawat bahagi ng puno ng Moringa ay maaaring gamiting bilang sangkap sa tradisyonal na halamang gamot o kaya naman ay bilang sangkap sa pagkain.
Karaniwang kinakain ang mga dahon nito ngunit marami pa itong bang kagamitan. Ang mga ugat at bulaklak ng malunggay ay naglalaman ng pterygospermin na mayroong fungicidal at antibiotic effect. Kilala ito sa paglunas ng cholera. Maaari ding kainin ang bulaklak nito na mayaman sa calcium at potassium.
Ugat ng malunggay pampalaglag nga ba? Alamin ano ang mga masamang epekto ng malunggay
Photo by freestocks.org from Pexels
Kilalang pampalakas ng produksiyon ng gatas ng ina ang sabaw at dahon ng malunggay, o moringa oleifera. Pero ibang usapan ang ugat ng malunggay pampalaglag daw, pati na ang sanga ng malunggay, bulaklak, at magulang na buto nito, kapag nagbubuntis.
Ayon kay Dr. Arsenio B. Meru Jr., MD, “urban legend” ang paniniwalang ang ugat ng malunggay ay pampalaglag. Wala pa kasing medical journal o sapat na pag-aaral at pagsasaliksik tungkol dito, dagdag ni Dr. Meru.
May mga nagsaliksik o chemical assay tungkol sa halamang malunggay, at ang mga taglay nitong kemikal ang maaaring sanhi ng masamang epekto sa fetus at pagbubuntis.
Ang ugat ng malunggay at tangkay ng puno nito ay may taglay na potent chemicals na maaaring maging sanhi ng premature uterine contractions at pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan. Mas potent pa ang kemikal sa ugat ng malunggay kaysa sa dahon. Kapag pumasok sa sistema, kaya nitong mapigil ang pagkapit ng fertilized egg sa uterine wall, kaya’t hindi mabubuntis o hindi matutuloy ang pagbubuntis.
Ugat ng malunggay man o dahon, ayon sa pag-aaral, posibleng maging sanhi ito ng pagkalaglag ng sanggol. Hindi lang pagkalaglag ang dulot ng ugat ng malunggay, kundi ito ay may masamang toxins din na maaaring nakamamatay.
Ang bulaklak naman at buto nito ay may delikadong kemikal na maaaring mapunta sa gatas ng ina, at maipasa sa batang pinapasuso ng ina.
Benepisyo ng malunggay
Ang moringa ay mayaman sa protina, vitamins, at minerals, at kilalang antioxidant na nakatutulong na maprotektahan ang cells ng katawan. Ang malunggay ay herbal medicine na Mabisa sa anemia, arthritis, rayuma, hika, constipation, diarrhea, diabetes, sakit sa bato, at Iba pang karamdaman.
Ngunit ayon sa Wellness Today ng Institute for Integrative Nutrition, ang moringa o malunggay ay natural birth control dahil mayro’n itong antifertility properties. Dahil dito, dapat itong iwasan ng mga nagbubuntis at mga nais magbuntis.
Bagama’t walang sapat na impormasyon at conclusive studies na nagpapatibay ang ugat ng malunggay ay pampalaglag nga, payo ni Dr. Meru, iwasan na rin ang pagkain nito (o extract nito). Ang pinakamabuti ay kumunsulta sa OB GYN at espesyalista para sa ligtas na pagbubuntis, at para alamin ang ligtas na paraan para mapigilan ang unwanted pregnancies.
Ang malunggay ay maaaring herbal medicine para sa:
-
Asthma
Ayon sa research, ang pag-inom ng 3 gramo ng moringa dalawang beses araw-araw sa loob ng 3 linggo ay nakakabawas sa kalubhaan ng mga sintomas ng hika at nagpapabuti sa paggana ng baga. Ito ay para sa mga nasa hustong gulang na may banayad hanggang katamtamang hika.
-
Diabetes
Ipinakikita ng ilang mga naunang pag-aaral na ang mga protina na tulad ng insulin na matatagpuan sa moringa ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng asukal sa dugo.
-
Arthritis
Ang Moringa ay naglalaman ng calcium at phosphorous, na tumutulong na mapanatiling malusog at malakas ang mga buto. Kasama ng mga anti-inflammatory properties nito, ang moringa extract ay maaaring makatulong sa paggamot sa mga kondisyon tulad ng arthritis at maaari ring pagalingin ang mga nasirang buto.
-
Diarrhea
Photo by cottonbro from Pexels
Maaaring makatulong ang mga extract ng Moringa sa paggamot sa ilang sakit sa tiyan, tulad ng constipation, gastritis, at ulcerative colitis. Ang mga antibiotic at antibacterial na katangian ng moringa ay maaaring makatulong na pigilan ang paglaki ng iba’t ibang mga pathogen, at ang mataas na nilalaman ng bitamina B nito ay nakakatulong sa panunaw.
-
Mga sugat
Photo by cottonbro from Pexels
Ang katas ng moringa ay ipinakita na nakakatulong sa pagsara ng mga sugat gayundin sa pagbabawas ng hitsura ng mga peklat.
-
Liver damage
Pinoprotektahan ng Moringa ang atay laban sa pinsalang dulot ng mga anti-tubercular na gamot at maaaring mapabilis ang proseso ng paggaling nito.
-
Kidney disorders
Ang mga tao ay maaaring mas maliit ang posibilidad na magkaroon ng mga bato sa bato, pantog o matris kung nakakain sila ng moringa extract. Ang Moringa ay naglalaman ng mataas na antas ng antioxidant na maaaring makatulong sa mga antas ng toxicity sa mga bato.
-
Eye health
Photo by Pixabay from Pexels
Ang Moringa ay naglalaman ng mga katangian na nagpapaganda ng paningin ng tao dahil sa mataas na antas ng antioxidant nito. Maaaring ihinto ng Moringa ang pagluwang ng mga retinal vessel, pigilan ang pagkapal ng mga capillary membrane, at pigilan ang retinal dysfunction.
-
Heart problems
Ang mga antioxidant na matatagpuan sa Moringa extract ay maaaring makatulong na maiwasan ang heart problems at ipinakita rin na mapanatili ang isang malusog na puso.
-
Anemia at sickle cell disease
Ang Moringa ay maaaring makatulong sa katawan ng isang tao na sumipsip ng mas maraming iron, samakatuwid ay tumataas ang kanilang b red blood count. Ipinapalagay na ang katas ng halaman ay lubhang nakakatulong sa paggamot at pag-iwas sa anemia at sickle cell disease.
-
Cancer
Ang mga extract ng Moringa ay naglalaman ng mga katangian na maaaring makatulong na maiwasan ang pagbuo ng kanser. Naglalaman din ito ng niazimicin, na isang tambalang pinipigilan ang pagbuo ng mga selula ng kanser.
-
High blood pressure, at iba pa.
Ang Moringa ay naglalaman ng isothiocyanate at niaziminin, mga compound na tumutulong na pigilan ang mga arterya mula sa pagkapal, na maaaring magdulot ng pagtaas ng presyon ng dugo.
Ito ay minsang direktang inilalapat sa balat bilang isang germ-killer o drying agent. Ang langis mula sa mga buto ng moringa ay ginagamit sa mga pagkain, pabango, at mga produkto ng pangangalaga sa buhok, at bilang pampadulas ng makina.
Maaari maging lunas ang moringa sa mga sumusunod na kundisyon sa balat ng tao:
Photo by Nothing Ahead from Pexels
- Athlete’s foot
- Dandruff
- Gingivitis
- Wart
- Snakebite
- Skin infection, at iba pa.
Mayroon mang mga sinasabing benepisyo ang moringa, Higit pang katibayan ang kailangan para masabi kung gaano ka-epektibo ang moringa sa mga kondisyong ito.
Kaya naman kung ikaw ay mayroong malubhang karamdaman, mas mabuti pa rin ang kumonsulta sa iyong doktor upang mabigyan ng angkop na medikasyon.
Mga produktong gawa sa Moringa
Maaari mo ring mahanap ang mga bahagi ng Moringa sa mga naprosesong produkto tulad ng powder, chips, o kaya naman ay capsules. Narito ang ilang mga links na maaaring makatulong sayo. Check out na!
-
Moringa powder
Photo by William Greaves Brown from Pexels
-
Malunggay shampoo
-
Moringa capsules
-
Malunggay oil
-
Moringga Coffee
-
Malunggay seeds for planting
Mga lutong-ulam gamit ang Moringa
Photo by Panlasang Pinoy
Isama ang pagkain ng Moringa o Malunggay sa inyong weekly menu! Narito ang ilang mga recipe na inihanda ng Panlasang Pinoy:
- Corn and malunggay soup
- Tinolang tahong with malunggay
- Ginataang Alimasag with malunggay
- Chicken Sotanghin soup with sayote and malunggay
- Ginataang Langka with malunggay and daing
SOURCES: Panlasang Pinoy, NCBI, Web MD, e-Medicine Health, Medical News Today
Dr. Arsenio B. Meru, Jr., MD, doktor ng internal medicine at clinical assistant, Royal Alexandra Hospital, Alberta, Canada
Anwar F1, Latif S, Ashraf M, Gilani AH. Moringa oleifera: a food plant with multiple medicinal uses. Department of Chemistry, University of Agriculture, Faisalabad-38040, Pakistan. [email protected]
Chinmoy K. Bose, MD, PhD. Possible Role of Moringa oleifera Lam. Root in Epithelial Ovarian Cancer.
Basahin:
4 Ways to increase breastmilk with Moringa’s powers
How Moringa oleifera is vital to every milestone of motherhood
Boost your milk supply with these 7 malunggay capsule brands for breastfeeding
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Photo: www.shutterstock.com/image-photo/moringa-seeds-surrounded-by-powder-ina-1039216765
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!