Lymphangitis symptoms, ano ito?
WARNING: ‘Wag balewalain ang mga galos o maliit na sugat ng bata
Nagbigay ng babala ang isang nanauy sa kapwa nito ina sa pagkakaroon ng sepsis ng kaniyang anak. Ayon sa kaniya, nagsimula lahat sa maliit na sugat o gasgas sa braso. Napag-alaman nadapa ang kaniyang anak sa zoo at nagkaroon ng sugat.
Dagdag pa nito,
“He took quite a bashing but once we got home, I cleaned him up. I rang school on Farm school day to make sure he washed his hands after digging and I tried hard to ensure it was kept clean,”
Normal naman ang naging pangyayari hanggang sa napansin ng ina na may tumutubong pulang linya na parang nag-uugnay sa veins ng kaniyang anak.
Lymphangitis symptoms: Ano ang mga dapat tandaan? | Image source: Instagram
“May napansin akong kakaiba.”
Pagbabahagi ng ina, ipinakita raw ng kaniyang anak ang braso nito sa kaniya habang papunta sila ng dagat. “Yesterday on our way to the beach he showed me his hand,”
“I wasn’t happy as I noticed red tracking down his vein. I then checked his elbow – the same.”
Dahil sa pag-aalala, agad niyang dinala sa doktor ang kaniyang anak para ipasuri ang kakaibang pulang linya na ito. Nakita sa findings na ang sugat ng kaniyang anak ay nagkaroon ng lymphangitis, na nag-develop sa kaso ng blood poising. Gumaling naman ang bata dahil sa mga antibiotics na ininom nito.
“If you spot this red line running from a wound get your child seen straight away. Hopefully, my post might help someone the way my friend’s post from two years ago helped me,”
Marami ang nagpasalamat sa kaniya ang mabasa ang kaniyang babala. “This is sensational. I had no idea about this thank you for sharing,”
“Definitely should be shared. I had no idea and now I’m aware.”
Lymphangitis symptoms: Ano ang mga dapat tandaan? | Image source: iStock
Ano ang Lymphangitis?
Ang Lymphangitis ay nangyayari kapag pumasok ito sa bukas na sugat at dumidiretso sa lymphatic system. Maaari rin itong mabuo sa impeksyon ng isang tao. Ang karaniwang dahilan nito ay ang acute streptococcal infection o staph infection, pareho itong nakukuha sa bacteria.
Pinapasukan ng Lymphangitis ang mga taong mayroong impeksyon sa balat o malalang sugat. Ngunit mataas ang risk mo na magkaroon ng ganitong sakit kapag ikaw ay may:
- Bulutong
- Immunodeficiency
- Diabetes
Nakapaloob sa ating lymphatic system ang mga pangunahing component ng immune system. Ito ang mga organs, cells, ducts at glands.
Kilala rin ang glands bilang nodes na matatagpuan sa kili-kili, groin at ilalim ng panga. Habang ang mga organ na kasama sa lymphatic system ay; tonsils, spleen at thymus.
Mag-ingat sa mga kagat ng alagang hayop dahil isa rin itong pinagmumulan ng impeksyon.
Lymphangitis symptoms: Ano ang mga dapat tandaan? | Image source: Freepik
Symptoms ng lymphangitis
Ang symptoms ng lymphangitis ay ang pulang linya mula sa sugat. Samahan pa ng panlalamig at pananakit ng ulo. Narito ang ilan pang sintomas na kaialngan mong bantayan kung sakaling may bukas na sugat ang iyong anak:
- Pagkawala ng ganang kumain
- Pananakit ng mga kalamnan
- Lagnat
- Nanghihinang katawan
- Pamamaga ng lymph glands
Para makaiwas sa lymphangitis at symptoms nito, panatilihing malinis ang sugat. ‘Wag itong i-expose sa maduming lugar at iwasang hawak-hawakan. Kung maaari, linisin ang sugat.
Kung napansin mo ang ganitong sintomas, ‘wag mag-atubiling ipatingin sa doktor ang iyong anak.
This article was first published in KidSpot and translated with permission from theAsianparent Singapore.
BASAHIN:
1-anyos na baby, nagka-leukemia matapos magkaroon ng sepsis
Alamin ang sintomas ng sepsis, at kung paano ito maiiwasan
9 tips upang maiwasan ang SIDS (Sudden Infant Death Syndrome)
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!