PBA player Jeron Teng at long-time girlfriend na si Jeanine Tsoi engaged na!

Jeron may sweet na open letter para kay Jeanine!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Basketball player na si Jeron Teng nag-propose na ng kasal sa long-time girlfriend niyang si Jeanine Tsoi. Ang proposal naganap sa loob mismo ng basketball court.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Jeron Teng and Jeanine Tsoi engagement.
  • Love story ni Jeron Teng.

Jeron Teng and Jeanine Tsoi engagement

Nitong March ay naganap ang pinaka-espesyal na birthday ng basketball player na si Jeron Teng. Dahil sa mismong araw ng kaniyang kaarawan ay nag-propose ng kasal ni Teng sa kaniyang long-time girlfriend na si Jeanine Tsoi at matamis na “Yes” ang sagot nito sa kaniya.

Image from Instagram

Ayon kay Teng, maliban sa naging mas meaningful ang ipinagdiriwang niyang 28th birthday nitong Lunes naging best day ever rin ito dahil sa naging successful ang wedding proposal niya. Ang magandang balita ibinahagi ni Teng sa publiko sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account kahapon.

“My birthday just became more meaningful. Best day ever!! @jeaninebeatrice.”

Ito ang caption ng post ni Teng habang itinatag ang dating girlfriend na ngayon ay fiancé ng si Jeanine.

Sa isa pang IG post ay sinabi ni Teng na ang love story nila ni Jeanine ang pinaka-favorite niya. Pinasalamatan din ni Teng ang mga taong tumulong na maging possible ang wedding niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay ginawa ni Teng sa loob ng basketball court ng Filoil Flying V Centre sa San Juan, Metro Manila na puno ng bulaklak at nagagandahang ilaw.

Sa parehong IG post ay ibinahagi ni Teng ang maikling video ng kaniyang wedding proposal. Si Jeanine ay napakagandang dumating sa venue suot ang isang white jumpsuit. Habang si Teng ay suot-suot ang kaniyang basketball uniform.

Nang makalapit si Jeanine kay Teng ay agad itong lumuhod at ipinakita ang singsing kay Jeanine. Makikitang maluha-luha itong tumango ng “yes” kay Teng.

Sa pagsagot ng yes ni Jeanine ay nahulog ang pink confetti mula sa itaas na bahagi ng court habang makikitang nagsisigawan ang mga kapamilya nila Teng at Jeanine sa gilid ng basketball court.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa huli si Teng ay mahigpit na napayakap sa fiancé na niya ngayon na si Jeanine.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 

Love story nina Jeron Teng at Jeanine Tsoi

Very memorable ang basketball court para kay Teng at girlfriend na si Jeanine. Dahil silang dalawa ay nagkakilala sa loob ng isang basketball court na kung saan si Teng ay naglalaro bilang basketball player sa UAAP Season 77 habang si Jeanine naman ay isang courtside reporter.

Kaya naman sa naging wedding proposal ni Teng ay sinigurado niyang gawin rin ito sa loob ng basketball court. At siyempre mas ginawa niya pang memorable ito sa pamamagitan ng pagsusuot niya ng kaniyang basketball jersey uniform sa De La Salle University kung saan sila nagkakilala ni Jeanine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Jeron Teng's Instagram account

BASAHIN:

Regine Velasquez sa pagiging third party: “If I could bring back the time, I love my husband but siguro mas gugustuhin ko na wala kaming nasaktan.”

Sunshine Cruz may sagot sa basher na pumuna sa “parang teenager” na pananamit niya: “Basta happy at confident, go lang po!”

Isabelle Daza and friends sa pagkakaroon ng mister na foreigners: “It just happened naturally.”

Open letter ni Jeron Teng para kay Jeanine

Sa isang Instagram post kahapon ay binalikan ni Teng ang tagpo na nakilala niya si Jeanine. Ito ay ginawa ni Teng sa pamamagitan ng isang digital letter na naka-address kay Jeanine. Doon ay ikinuwento ni Teng kung paano nabago ang buhay niya ng makilala niya si Jeanine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento ni Teng ng araw na iyon ay binigyan siya ng chance ng Panginoon na makilala ang babaeng pinapangarap niya.

"To my girlfriend Jeanine, it has been almost 7 years since we’ve started dating. I am grateful that fate brought us together.

I played for La Salle and you became our courtside reporter. God gave me the blessing to meet the girl of my dreams.”

Mula nga raw noon ay mas sumaya ang buhay ni Jeron. Kaya naman sa ngayon ang sunod niyang gagawin ay ang siguraduhing si Jeanine na ang makakasama niya habang-buhay.

Image from Jeron Teng's Instagram account

“From then on, life has never been better. In those years, we have built memories together and even in the simplest moments it made me love you even more. I’m the luckiest to have you. I love you forever and, there's only one thing left to do.”

Ito ang sabi ni Teng sa sinulat niyang open letter para kay Jeanine.

Samantala, sa Instagram account naman ni Jeanine ay sinabi niyang “answered prayer” ang ginawang wedding proposal ni Teng para sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon si Teng ay naglalaro para sa Alaska Aces. Habang si Jeanine ay isang gemologist at miyembro ng Professional Models Association of the Philippines o PMAP.

Nagdiwang si Teng at Jeanine ng kanilang 5th anniversary bilang magkasintahan Setyembre nitong nakaraang taon.