Jessy at Luis Manzano on parenthood: "Ang bilis lumilipas ng oras, so cherish every moment"

May advice sina Jessy Mendiola and Luis Manzano sa mga tulad nilang new parent. Anila, mahalagang maglaan ng oras sa anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan ay bininyagan ang anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na si Isabella Rose na kilala rin sa tawag na baby Peanut.

Jessy Mendiola and Luis Manzano may advice sa kapwa magulang

Ibinahagi ni Jessy Mendiola sa kaniyang vlog ang video ng pagbubukas nila ng mga regalo na natanggap ni baby Peanut sa kaniyang binyag.

Larawan mula sa Instagram ni Jessy Mendiola

Maraming magagandang regalong natanggap ang anak nina Jessy Mendiola and Luis Manzano. Kabilang na nga sa mga nagbigay ng regalo ay ang celebrity moms na sina Solenn Heusaff at Anne Curtis mula sa kanilang TiliDali brand. Baby bracelet naman ang regalo ng lolo ni baby Peanut na si Edu Manzano.

Larawan mula sa Instagram ni Jessy Mendiola

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Binaha ng sari-saring baby clothes, laruan, at iba pang gamit na pambata ang kwarto nina Luis Manzano and Jessy Mendiola. Nagpasalamat ang mag-asawa sa mga nagbigay ng regalo at dumalo sa mahalagang araw para sa kanilang anak.

Ani Jessy, “Thank you so much everyone, especially sa mga ninong and ninang. And of course, yung mga pumunta rin noong binyag.”

Sinundan naman ito ng pasasalamat din ni Luis maging sa mga hindi nakapunta ngunit nagpabatid ng pagbati sa kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sobrang useful noong mga gifts na ito para kay Peanut. Kailangan natin. Ang bilis niyang lumaki, kaya nakakatuwa na lahat ng kailangan natin nabigay nila,” saad ng aktres.

Larawan mula sa Instagram ni Jessy Mendiola

Matapos ito ay nag-iwan ng simpleng advice si Luis Manzano sa mga kapwa nila new parents.

Aniya, “Totoo pala ‘yong sinabi nila no? Sa mga new parents diyan…the days are long but the months and years are quick.”

“So, parang cherish every moment,” dagdag naman ni Jessy.

Naiintindihan din naman daw ng mag-asawa na may mga magulang na kailangang magtrabaho at laging busy. Pero mahalagang hangga’t maaari ay maglaan pa rin ng oras para sa kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Syempre may ibang parents din na kailangang mag-work, medyo busy, pero syempre as much as possible, make time. Magugulat kayo, para silang hinihipan tapos ang laki na nila agad,” pagwawakas ni Jessy sa kaniyang vlog.

Sinulat ni

Jobelle Macayan