TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Jessy Mendiola struggled to get pregnant: "Dumating sa point na hindi na ako nagte-test, hindi na ko umasa."

5 min read
Jessy Mendiola struggled to get pregnant: "Dumating sa point na hindi na ako nagte-test, hindi na ko umasa."

Kuwento ni Jessy, na-food poisoning siya at na-ospital nung 6th week ng kaniyang pagbubuntis at sobrang natakot na baka makasama ang naranasan sa pagbubuntis niya.

Jessy Mendiola ibinahagi ang kaniyang pregnancy journey sa ipinagbubuntis na panganay nila ni Luis Manzano.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pregnancy journey ni Jessy Mendiola.
  • Reaksyon ni Edu Manzano at Vilma Santos ng malamang buntis na si Jessy sa magiging apo nila sa anak na si Luis.
  • Pagbabago sa buhay ni Jessy ngayon na siya ay magiging mommy na.

Pregnancy journey ni Jessy Mendiola

jessy mendiola pregnancy journey

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Nitong nakaraang Linggo ay may magandang balitang ibinahagi ang mag-asawang sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Si Jessy ay limang buwan nang buntis sa kanilang panganay ni Luis at marami ang natuwa para sa mag-asawa.

Sa pinakabagong vlog ni Jessy ay ibinahagi niya ang kaniyang naging pregnancy journey. Kuwento ni Jessy nalaman niyang siya ay buntis nitong Hunyo at ilang buwan na pala siyang nagdadalang-tao. Hindi niya na daw nakuhang mag-pregnancy test dahil sa maraming beses narin silang umasa at nabigo ni Luis.

“We’ve been trying for months. Every time na ‘di kami papalarin, malulungkot kami. Dumating sa point na hindi na ko nagte-test, hindi na ko umaasa. Tapos ‘pag magkakaroon na ko, umiiyak ako.”

Ito ang pagkukuwento ni Jessy.

Dagdag pa ni Jessy, masyado daw sila na-pressure ni Luis na magkaroon ng anak. Pag-amin pa niya dahil sa frustration na nararamdaman ay dumating daw sa point na parang hindi niya nai-enjoy ang paglo-lovemaking kay Luis.

Kaya naman daw napag-usapan na lang nila Luis noon na i-enjoy nalang muna nila ang buhay ng dalawa lang sila. Bagamat hindi daw nawala ang pag-asa nila lalo na sa bawat bakasyon nila ay sana makabuo na.

Kaya nga noong dumating na ang point na naramdaman ni Jessy na may kakaiba na sa kaniyang tiyan ay hindi siya makapaniwala ng malamang siya ay buntis na. Kuwento pa niya dalawang ulit pa siyang nag-pregnancy test dahil sa una ay malabo ang pangalawang linya at hindi pa siya sigurado.

“Mas malinaw na ‘yong pangalawa, Tinawag ko na siya doon na kami nagsigawan, nag-iyakan.”

Ito ang pag-alala ni Jessy sa naging reaksyon nila ni Luis ng malamang buntis siya. Ito ay nakunan rin ni Jessy ng video at ibinahagi niya sa kaniyang vlog.

Jessy Mendiola struggled to get pregnant: Dumating sa point na hindi na ako nagte-test, hindi na ko umasa.

Larawan mula sa YouTube video ni Jessy Mendiola

Reaksyon ni Edu Manzano at Vilma Santos ng malamang buntis na si Jessy

Una daw pinaalam ni Jessy at Luis ang magandang balita sa ina ni Luis na si Vilma Santos. Ito daw ay sinabay nila noong Mother’s Day. Doon ay binati ni Luis ang ina ng Mother’s Day sabay sabi dito na batiin rin si Jessy ng Happy Mother’s Day.

Ang ‘Star For All Seasons’, noong una ay naguguluhan kung bakit. At nang ma-realize niya na kung ano ang sinasabi ni Luis ay makikita ang gulat nito at saya sa magandang balitang narinig.

Ang ama naman ni Luis na si Edu Manzano ay naluha daw ng malamang magkakaapo na siya. Bagamat tingin ni Luis at Jessy ay bahagyang alam na nito at nakapaghanda pa nga daw ang TV host-actor ng flowers para kay Jessy.

“Nung pinakita namin ‘yong ultrasound, pumunta siya sa kwarto niya na naiiyak tapos nagdala siya ng bouquet. Kasi sinabi namin sa kaniya na meron kaming sasabihin sayo, siguro naramdaman niya na. So nag-ready siya ng flowers not sure kung anong meron.”

Ito ang pagkukuwento ni Jessy sa kung paano ang naging reaksyon ni Edu Manzano ng malamang siya ay magiging lolo na.

Kahit nga daw ang mister ni Vilma Santos ay excited rin sa pagbubuntis ni Jessy. Nang sabihin niya daw minsan na gusto niyang kumain ng crab ay nagpabili ito ng marami para lang sa kaniya.

Pagbabago sa buhay ni Jessy ngayon na siya ay magiging mommy na

jessy mendiola pregnancy journey

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Sa ngayon ay nagsisimula ng mag-adjust si Jessy. Tinigilan niya daw ang mga heavy exercises niya at hindi na kumakain ng mga raw foods na paborito niya. Dahil pagbabahagi pa niya ay na-food poison siya noong 6th week ng kaniyang pagbubuntis.

Sinugod daw siya sa ospital at natakot sila na baka makasama ito sa pagbubuntis niya. Pero sa awa ng Diyos daw ay hindi at nalagpasan ito ni Jessy.

Ngayon daw ay hindi parin makapaniwala si Jessy at sobrang excited sa bagong chapter na ito ng buhay niya.

“Hindi ako makapaniwala na magiging nanay na ako. Medyo mahirap din ‘yong transition but at the same time ang dami kong natutunan. Ang dami kong nadi-discover. Excited ako na mayroon na naman akong bagong chapter o journey sa buhay ko na tatahakin with Hawhaw.”

Dagdag pa ni Jessy na super lucky and blessed siya. Dahil sa punto na ito ng buhay niya na matagal niyang pinangarap ay si Luis ang kaniyang kasama.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

“I feel really blessed and lucky na ikaw yung kasama ko sa journey na ‘to. Kasi ang tagal na naming inantay to and I can’t believe lang its finally happening.”

Ito ang masayang sabi pa ni Jessy.

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Jessy Mendiola struggled to get pregnant: "Dumating sa point na hindi na ako nagte-test, hindi na ko umasa."
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko