Jessy Mendiola may hiling sa kanyang Lebanese father: "Please just come home with me"

Nagkaroon ng heart-to-heart talk sina Jessy Mendiola at kanyang ama na si Roger.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa lang ang wish ni Jessy Mendiola para sa kanyang father na si Roger Tawile at kanyang ina na si Didith. Ito ay muli silang magkasama-sama sa iisang bubong.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Jessy Mendiola gustong makapiling ang ama sa Pilipinas
  • Inspirasyon ang ama para maging aktres
  • Magandang relasyon ni Jessy Mendiola sa kanyang father

Jessy Mendiola wish makapiling ang father sa Pilipinas

Nagkaroon ng heart-to-heart talk sina Jessy Mendiola at kanyang ama sa isang YouTube vlog. Kasama nila ang mister ni Jessy na si Luis Manzano para magbato ng mga tanong.

Doon nabanggit ni Jessy na gustong-gusto niya nang makasama ang kanyang ama sa Pilipinas.

"Please just come home with me."

'Yan ang mensahe ni Jessy habang sincere na nakatingin sa kanyang ama. Paglilinaw naman ni Jessy, hindi niya minamadali si Papa Roger at pinapasama na ito sa kanya kapag ready na ito.

"'Yon talaga ang wish ko kay Papa na umuwi na siya sa Pilipinas kasama ko. Tapos mag-stay na lang siya kasama namin."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon pa sa aktres, sa tingin niya ay ang 'yon din ang pangarap ng kanyang ina na muli silang magkasama-sama. Lahad naman ng father ni Jessy Mendiola, wish din niya na makapiling na ang kanyang pamilya.

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Nagbigay pa si Jessy ng mensahe para sa kanyang ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"I just want us to live in the same house, and stay in the Philippines. And spend the rest of our lives together."

"You deserve to stay with us, Papa. I mean, you deserve to rest too."

Tugon naman ni Roger sa wish ni Jessy, "I will and soon. I will."

Samantala, isa lang rin ang gusto ni Roger para kay Jessy. Ito ay ang maging masaya ang anak sa buhay nito.

"Just always be happy. If she's happy, I'm happy."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagbigay rin ng sweet message si Jessy para sa kanyang ama. Sinabi ng aktres na kahit anong mangyari ay nakasuporta siya para kay Papa Roger.

At kung sakaling magdesisyon itong magretiro na at magpahinga na sa pagtatrabaho, magiging masaya si Jessy.

Nagbiro pa si Roger kung kailan ba siya magkakaapo. Pilyo namang sumagot si Luis na 'soon' daw ay magkakaroon na sila ng baby ni Jessy.

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inspirasyon ang ama para maging aktres

Isa sa dahilan kung bakit pinasok ni Jessy Mendiola ang entertainment industry ay dahil sa kanyang ama na si Roger. Ayon sa aktres, isa palang kilalang singer at musician ang kanyang ama na Lebanese.

Noon daw na siya'y bata pa ay may cassette tape siyang pinapakinggan kung saan na-inspire siyang mag-perform sa harap ng maraming tao.

"Listening to papa when I was younger. I have always dreamed of singing in front of people, or performing."

Ayon naman kay Roger, noong una ay may worry siyang naramdaman noong malaman na papasukin ni Jessy ang mundo ng showbiz.

"First I was worried, but since she was all the time with [her] mom, I felt she's protected."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit aniya, sobrang proud niya sa kanyang anak sa mga natatamasa nito ngayon bilang isa sa top celebrity sa Pilipinas.

Naitanong din sa mag-ama kung paano ba ang pakikitungo nila sa isa't isa. Ayon kay Jessy ay sobrang sweet daw ng kanyang ama pagdating sa mga mahal nito sa buhay.

"May isa akong napansin. Lebanese fathers are the sweetest."

Paliwanag naman ni Roger, talagang sweet ang mga Lebanese sa kanilang mga loved ones, lalo sa kanilang mga babaeng anak.

Nilarawan niyang bilang 'blessing' ang mga daughter kaya madalas niyang ipakita ang kanyang pagmamahal kay Jessy. Ito'y kahit pa magkalayo sila ng lugar dahil nasa ibang bansa siya.

"A son is your son until he gets a wife. Your daughter is your daughter for all life."

Open din daw si Jessy tungkol sa kahit anong bagay, kaya madali nilang napag-uusapan ang mga problema. Lahad ni Roger, good listener kasi siya kaya naman hindi nahihirapan si Jessy na mag-reach out sa kanya.

"When you have that connection. I trust her, she trust me."

BASAHIN:

Jessy Mendiola sa muling pagkikita nila ng Lebanese niyang ama sa Dubai: “One of my prayers came true.”

Bela Padilla shares her thought on having her own kids: "Maybe I'm not mature enough for it"

LOOK! Ms. Universe PH 2016 Maxine Medina sa engagement sa kaniyang non-showbiz boyfriend: “This is the start of my ALWAYS”

 

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Magandang relasyon ni Jessy Mendiola sa kanyang father

Kinontra din ni Jessy Mendiola ang pananaw ng iba na ang nanay lang daw nila ang nagpalaki sa kanila. Paglilinaw ni Jessy, nasa ibang bansa man ang kanyang ama ay lagi itong updated tungkol sa kanila.

Ayon kay Jessy, tuwing may major decision sa kanilang pamilya ay lagi nilang nakakausap ang kanilang ama. Tumutulong rin ito pagdating sa kanilang mga pinansyal na pangangailangan.

"Because people would always say, "Oh you only grew up with your mother. Your father wasn't there." No, it's not true."

Nagbalik-tanaw din ang mag-ama kung bakit kinailangang lisanin ni Jessy ang Dubai. Sa Dubai ipinanganak ang aktres ngunit nagtungo sa Pilipinas noong siya'y bata pa.

Lahad ni Jessy, dahil sa problema sa visa kaya hindi siya nakatira sa Dubai. Masyado na umanong malaki ang nagagastos ng kanilang pamilya sa pag-aayos ng papeles kaya pinili niilang sa Pilipinas na lang lumaki si Jessy.

Lumipad patungong Dubai sina Jessy at Luis para makapiling ng aktres ang kanyang ama na dalawang taon na niyang hindi nakikita.