Jewel Mische inaming malaki ang pinagbago sa relasyon nilang mag-asawa magmula ng sila ay magkaanak na.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga pagbabago sa buhay ni Jewel Mische ng magkaroon ng asawa’t anak.
- Pagsasalarawan ni Jewel Mische sa buhay niya ngayon.
Mga pagbabago sa buhay ni Jewel Mische ng magkaroon ng asawa’t anak
Image from Jewel Mische’s Instagram account
Si Jewel Mische ay nakilala ng sumali siya sa isang talent reality search program na Starstruck sa GMA. Doon ay itinanghal siyang kampeon at tinawag na Ultimate Sweetheart noong 2007. Mula noon ay sunod-sunod na ang naging pelikula at programa sa telebisyon na kinabilangan ni Jewel.
Taong 2015 nagpakasal si Jewel sa ngayong mister niyang si Alister Kurzer. Sila ay kasalukuyang naninirahan sa Michigan, USA. Sila ay nabiyayaan ng tatlong anak na sina Aislah (3), Emerald (2) at si Yzbel (4 months old).
Sa pinaka-latest Instagram post ni Jewel ay ibinahagi niya ang mga naging pagbabago sa buhay nila ng kaniyang mister na si Alister magmula ng sila ay magkaanak na.
Pag-amin ni Jewel, hindi puro kilig ang buhay may asawa at may anak na. Hindi ito tulad ng dati noong mag-boyfriend at girlfriend palang sila at wala pang mga responsibilidad.
Ngayon, hindi tulad ng dati, hindi na ang malambing niyang halik at yakap ang sumasalubong sa mister niya. Kung hindi ang ingay at iyak ng kanilang mga anak na pinapatahan niya.
View this post on Instagram
“I don’t get butterflies in my stomach when I see my husband like I did when we first met. Usually, my greetings with him after work include two screaming children and a baby in my arms and us saying “hello” through the chaos.”
Ito ang bungad ni Jewel sa IG video na ginawa niya.
Hindi na tulad ng dati ang relasyon nilang mag-asawa
Image from Jewel Mische’s Instagram account
Dagdag pa ni Jewel, hindi na siya natutulog sa gabi ngayon na iniisip kung gaano nakakakilig ang naging date nilang mag-asawa. Ngayon, ang iniisip niya bago matulog ay kung naging maayos ba ang performance niya bilang isang ina at asawa. Kung ano ang mga dapat niyang gawing bukas at kung paano babalensihin ang oras niya.
Hindi na rin daw sila nakakapag-date ng mister niya ng tulad ng dati. Dahil busy na sila sa paggawa sa gawaing bahay at masigurong naibibigay ang pangangailangan ng mga anak nila.
“I don’t lie awake at night with a smile plastered to my face thinking about him like I did when we were dating. I do lie in bed at night wondering if we have everything lined up for the kiddos, if we are doing okay as parents, and if I do a good enough job showing him I love him.”
“Our life is not the romance you would see in the chick flick with lavish dates and alone time. It was a lot more like that when we didn’t have kids.
Now, it’s a lot of cleaning our house, taking the kids here and there, keeping the household running, and just all around trying to make the best life for each other.”
Ito ang sabi pa ni Jewel.
BASAHIN:
Jewel Mische ipinanganak na ang kaniyang 3rd baby na si Yzbel Quinn
Chesca at Doug Kramer gusto pang magka-anak, susubukan ulit na mag-IVF
Jewel Mische, nagkwento tungkol sa kaniyang sakit na mastitis
Relasyon ni Jewel sa mister niya, itinuturing niyang greatest gift at real love
Image from Jewel Mische’s Instagram account
Hindi man daw tulad ng dati ang relasyon ni Jewel ngayon at kaniyang mister, mas naging makahulugan daw ito. Dahil mas naramdaman niyang hindi siya nag-iisa at may kasama siyang humarap sa mga problema.
Ngayon ay mas nakikilala rin niya ang mister niya at nararamdamang may isang tao ang kaagapay niya sa pagsisiguro ng kinabukasan niya at ng mga anak niya.
“This love isn’t what it used to be. It’s changed in every way actually. It’s so, so much more significant. Because back then I didn’t know that our relationship would be the place that would feel most like home. The place I can break down and know I’ll be met with a hug and prayers.”
“It’s knowing that there is a person in this world who is always considering my wellbeing, and looking out for me, and me for him. It’s him cooking my fish because I love it.
Bringing me home iced coffee because he knows I’m sad. It’s me rubbing his back even though I’m tired and really don’t want to. It’s not glamorous at all.
And it’s the place where our ugliest parts are laid out, wide open, on the table for both to see. Yet choosing each other anyway.”
Sabi pa ni Jewel, hindi man naging kasing nakakakilig noon ang relasyon nila ngayon ng kaniyang mister, napatunayan niya naman daw na real love ang mayroon sila.
At ang kaniyang mister ang itinuturing niya ring greatest gift na mayroon siya. Dahil napatunayan niyang dadamayan siya nito sa hirap man o ginhawa, sa lungkot man o saya.
“It’s having a commitment to our very best friend to do the good, bad, fun and absolutely terrible times with. Its knowing you’d never want someone else in their place. It’s messy, but its real love. The kind you’d die for in a heartbeat. It’s your person for life. It’s the greatest gift.”
Ito ang sabi pa ni Jewel.
Naka-relate ka ba sa mga sinabi ni Jewel? Kayo kumusta kayo ni mister matapos kayong magkaanak?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!