Nagsilang na ang dating aktres na si Jewel Mische ng isang baby girl, si Aislah Rose, noong Hulyo 12, 7:32 a.m. sa Estados Unidos. Nag-post kahapon ang new mommy ng picture ng kanilang baby ng asawa na si Alex Kurtzer.
A post shared by 🇵🇭 Jewel Mische💍Kurzer 🇺🇸 (@mischejewel) on
Nang makausap namin si Jewel, sinabi nito na “pain free” ang kaniyang labor nung simula hanggang pumutok ang kaniyang panubigan. Ngunit nang lumaon ay nagsimula na ang sakit. Bumagal ang paglabas ni Aislah dahil sa laki nitong 19 inches at bigat nitong 6.8 lbs. Dagdag pa ng aktres na hindi nila inaasahan na magiging malaki ang kanilang panganay bilang maliit siya magbuntis.
Limang oras siyang nag-labor ng walang kahit ano mang anesthesia. Inamin ng aktres na sa sobrang sakit, napa-isip daw siya kung tama ang desisyon niya na huwag gumamit ng anesthesia. Ngunit sa huli, kinaya rin naman niya at nasunod din ang kaniyang “birth plan.”
Laking pasasalamat niya na nagsilang siya ng 38 weeks dahil ang sabi sa kaniya ng duktor, kapag umbot pa siya ng 40 weeks ay paniguradong caesarean section (CS) na siya dahil sa laki ng kaniyang baby.
Naiuwi naman nila agad si Aislah ngunit kinailangan itong ibalik sa ospital dahil sa jaundice o paninilaw dahil sa mataas na levels ng bilirubin sa dugo. Ayon sa asawa ni Jewel na si Alex, apat na araw ding nanatili ang baby sa NICU (neonatal intensive care unit) para sumailalim sa phototherapy session.
So….. Today we were scheduled to make our great escape and finally go home after 4 days in the NICU. I personally picked out my daughter’s clothes, bags were packed, one last report and we could journey back home to normal. Not only are many of you deprived but Jewel and I as parents also.. Aislah’s not so easy to get access to and even hold because of the photo-therapy. Also, jaundice makes babies tired so baby is usually sleeping away.. believe me I miss my daddy/daughter time. When Aislah was born Jewel was recovering and she got to spend most her time with me! 🙂 Jewel would sleep as much as she could and wake to feed. Aislah and I fell asleep in each others arms many times the first few days.. and then GONE. Well our news today isn’t as we hoped.. Aislah’s levels increased again, (as expected) but were higher than the docs were comfortable sending us home with, so we have to endure at least another night of therapy to ensure that they do not creep upwards. Thankfully, Aislah is now with us in our room with only a bili blanket and we get to care for her all day. Our latest update is that she may or may not loose the blanket as we go home, her *final* bilirubin check will be tomorrow am (Friday). . . Thank you for your prayers, and love, and patience for photos.. we would like some too. Most of what we have are personal and intimate photos and we aren’t sharing those just as you wouldn’t either.. anyways, much love from #AislahRose🌹 ‘s dad. —Alister 🙂
A post shared by 🇵🇭 Jewel Mische💍Kurzer 🇺🇸 (@mischejewel) on
Nakauwi na uli ang mag-ina sa kanilang bahay sa Michigan. Plano ng dating aktres na maging super hands-on sa kanilang panganay at balak din niyang mag-breastfeed nang matagal.
A post shared by 🇵🇭 Jewel Mische💍Kurzer 🇺🇸 (@mischejewel) on
Congratulations, Jewel and Alex! Hello Baby Aislah!
SOURCE: MedlinePlus
Basahin: Jewel Mische, nagkwento tungkol sa kaniyang sakit na mastitis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!