Proud na pinost nii Jodi Sta. Maria ang special milestone ng anak sa kanyang instagram post.
Ibinahagi ni Jodi Sta. Maria ang achievement ng anak
Masayang ibinahagi ng seasoned actress na si Jodi Sta Maria ang pag-graduate ng kanyang anak.
Napa-throwback nga ang aktres at inalala niya noong baby pa lang ito hanggang ngayong malaki na. Parang ang bilis daw ng paglaki ng anak at pumikit lang saglit si Jodi ay malaki na ito.
“I closed my eyes for a moment and suddenly a man stood where a baby I carried in my arms used to be,” paninimula niya
Ayon pa kay Jodi Sta Maria, marami ang reasons kung paano maging proud sa anak. Ang pinak-nakakaproud daw kay Thirdy ay ang naging anak na ito ng aktres.
Dagdag niya pa, “You have given us so many reasons to be proud of the man you have become, but the proudest moment for me is telling the whole world that you are my son.”
“Congratulations, anak! Dream big. Soar high. We will always be here cheering for you” sabi pa ng aktres.
Graduation ni Thirdy. | Larawan mula sa Instagram ni Jodi Sta. Maria
Sa larawang pinost ni Jodi, kasama ang “blended” family na agaw-atensyon. Kasama sa mga pictures ang actress na si Iwa Moto.
Ang friendship ng dalawa na nagsimula ng kanilang healthy co-parenting. | Larawan mula sa Instagram ni Iwa Moto.
Nagshare rin si Iwa sa kanyang Instagram ng same photos na proud niyang binati si Thirdy. Kung matatandaan ay nag-start ang friendship ng dalawa simula ng maipanganak ni Iwa ang unang anak.
Si Ping Lacson ang co-parenting ni Jodi, ang kasalukuyang partner ni Iwa. Ilang beses na rin nabanggit ni Iwa, parang anak na rin ang turing nito kay Thirdy.
Jodi explains, kahit hindi nag-work ang kanilang relationship ng ex-husband,naging blended family naman ito.
Mas marami raw ang nagmamahal sa anak niya at nagpapasalamat ito kay Iwa. Dahil ito ang naging second mom ng anak pag nasa puder ng ama.
Marami man ang challenges sa journey ng kanilang blended family ay ginagabayan sila ng Panginoon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!