Very happy at staying strong ang relationship nina Meryll Soriano at Joem Bascon. Kaya naman hindi na sorpresa na natanong sa aktor kung kailan niya pakakasalan si Meryll.
Mababasa mo sa artikulo na ito ang mga sumusunod:
- Joem Bascon on marrying Meryll Soriano
- Paano nalaman ni Joem Bascon na ready na siyang maging tatay
- Pagbabago sa buhay ni Joem Bascon nang dumating si Gido
Joem Bascon on marrying Meryll Soriano
Sa bagong vlog ni Meryll Soriano bilang pagdiriwang ng Father’s Day ay nakasama niya si Joem Bascon.
Sa huling bahagi ng video, naitanong ng kapatid ni Meryll na si Doc Kei kung kailan daw ba magpapakasal ang celebrity couple. Tawa naman ang unang isinagot ni Meryll sa tanong, ika pa niya ay gusto niyang surprise ang wedding plans ni Joem
Tugon naman ni Joem, “In time. Yes, surprise pa rin naman talaga siya.”
“Kapag ano na, okay na ang lahat… Saka isa din yun eh, ‘pag pinlano mo hindi naman din nangyayari, minsan nangyayari na lang eh.”
Nagpasalamat din si Meryll Soriano kay Joem Bascon para sa pagiging best daddy ever nito. Maging sa mga sakripisyo at pagmamahal nito para sa kanila. Binati rin nila si Joem ng Happy Father’s day at binigyan ng regalo. Nagbigay rin ng mensahe si Eli para sa kaniyang Daddy Joem.
“Thank you so much for taking care of me and mom. And thank you for letting Gido into our lives.”
Paano nalaman ni Joem Bascon na ready na siyang maging tatay
Naitanong din kay Joem kung paano nito nalaman na handa na siyang magkaroon ng anak at bumuo ng pamilya. Sagot ng aktor, noong una ay hindi niya alam, ika niya’y siguro hindi niya rin naitanong kay Meryll kung gusto pa nito magka-baby.
Kuwento pa ni Joem, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya noong sinabi sa kaniya kung gusto pa niya magka-baby. Pagpapatuloy pa ni Joem, gusto niya magka-baby pero iniisip niya ang edad ni Meryll.
“Gusto ko magka-baby pero siyempre iniisip ko nung mga panahon na yun, ‘yong age ni meme, one. Pangalawa is, ayun nagsisimula pa lang kami ulit after ilang years na hindi kami nagkasama.”
Ayon din kay Joem, nasagot ni Meryll ang lahat ng tanong niya noong sinabi nitong kung gusto niyang magka-baby. Pagkukwento pa ni Joem, sobrang saya niya noon at tumalon-talon pa siya noong malaman niya ‘yon at naikuwento niya rin ito sa kanilang mga kaibigan.
“Sobrang saya nung time na yon pero kasi hindi namin plinano na magka-family eh, kasi family na tayo. Parang buo na ‘yong family namin, pero ‘yong to add one very kulit little boy ngayon. Hindi namin napag-usapan basta sabi namin sige gusto namin magka-baby.”
“Siguro ‘di ko alam kung papaano siya sasabihin pero lahat ata nagkaroon ng family planning, pag dumating na yung baby sa harapan mo, lahat yun, hindi naman mabubuwag pero lahat yun parang mawawala sa utak mo.”
Pagbabahagi pa nila ni Meryll ay naalagaan din ni Joem si Eli noong bata pa ito.
BASAHIN:
Anne Clutz sinabing last baby na nila ang kaniyang pinagbubuntis: “Nalulungkot, nagsisisi tuloy ako“
Pagbabago sa buhay ni Joem Bascon nang dumating ang anak nila ni Meryll
Sa isa ring bahagi ng vlog, nakatanggap si Joem ng tanong ukol sa kung ano ang mga pagbabagong nangyari sa kaniya nang dumating si Gido sa buhay niya. Ika niya, napakaraming nagbago sa kaniya.
“Napakadaming nagbago sa akin, sobrang dami. Dumalaw ako sa mga kaibigan ko, ang dami nga namin napag-usapan na ang daming nabago sa prespektiba mo sa buhay, ‘yong mga priorities mo, responsibilities mo.”
Sinabi rin ni Joem na ang namana sa kaniya ni Gido ang pagiging makulit o hyper nito na agad namang kinontra ni Meryll.
“Akin yon, mahal. Wag kang nakikigaya ng mga minana.”
Dagdag pa ni Meryll, ang namana ni Gido kay Joem ay ang pagsusungit nito. Sinang-ayunan naman ito ni Joem.
“Oo yun, isa yun. Masungit yun si Gido kapag ano eh, may tingin siyang masungit lang sa mga tao.”
Ipinakita rin ni Joem ang mukha ng anak na parang nanggigigil, na tinugunan din ni Meryll ng kamukhang-kamukha niya ang anak. Dagdag pa ni Joem ay taong bahay na siya ngayon, na dinagdagan din ni Meryll ng tatay na tatay na ito ngayon.
Pagkukwento pa ni Joem, mahirap na masarap ang maging tatay. Ayon pa sa kaniya, i-expect na rin ng mga first time dad na mag-iiba ang mga naka-set na plano sa kanilang utak. Paliwanag niya, habang tumatagal ay mag-iiba at mag-aadjust ang mga ito depende sa gusto at mood ng anak.
“Siguro advice lang do’n sa mga first time dad, i-savor niyo yung kahit na sobrang hirap saka makulit yung bata hanggang 3, 4 mga ganon.”
“Ayun nga, ‘pag tinititigan ko sila ‘pag lumalaki na, yun nga nung una bine-baby mo lang, titig na titig ka, ngayon ang likot-likot na niya. I-savor niyo na yung moment na yun kasi ‘pag nawala na yun, hindi niyo mababalikan.”