Ibinahagi ni Joem Bascon sa isang interview na maganda ang relasyon niya sa unang anak ng kasintahan niyang si Meryll Soriano na si Elijah Pineda Palanca.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Joem Bascon on his relationship with Eli
- Father’s Day celebration ni Joem kasama ang pamilya nila ni Meryll Soriano
Joem Bascon on his relationship with Eli
Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
Love is sweeter the second time around ika nga. Isa sa mga celebrity couple na nagpatunay niyan ay ang dating magkarelasyon na aktor na si Joem Bascon at aktres na si Meryll Soriano. Bukod pa sa muling pag-iibigan ng dalawa, ang isa pang nagpapatibay at nagpapasaya ng kanilang pagsasama ay ang pagbubuo ng kanilang pamilya.
Sa isang exclusive interview kay Joem Bascon sa grand media conference ng Filipino adaptation ng Viu’s ‘Flower of Evil’, binahagi siya ng ilang updates tungkol sa pamilya nila ni Meryll Soriano ngayon.
Ikinuwento ni Joem Bascon kung gaano kaganda ang relasyon nila ngayon ng unang anak ni Meryll Soriano na si Eli nang tanungin ito tungkol sa kanilang pakikitungo sa isa’t isa. Nagtatanong pa nga raw ito ng advice sa kanya tungkol sa pagpapapayat at ilang advice sa pagsasagawa ng workout.
“Masaya kami ni Eli. Ngayon nagwo-work out siya palagi so nanghihingi sila lagi ng tips kung paano magpapayat, paano maging healthy.”
Dagdag pa ni Joem, isa raw sa bonding nila ni Eli ay ang mga online games. Sabi niya ay nagtatanong-tanong daw siya madalas kay Eli kung ano na ba ang mga bagong laro ng generation niya at nagiging bonding nila itong dalawa. Maraming mga bagay raw ang natutunan nila sa isa’t isa.
“‘Yun minsan sa gaming nagtatanong ako sa kanya kung ano na mga games ng mga bata ngayon kasi hanggang PS5 lang ako siya PC, hindi ko na alam ang mga games nila. Mayroon silang sinasabing Valorant.”
“We get to learn from each other.”
Si Eli ay ang anak ni Meryll Soriano sa dating mister nitong si Bernard Palanca. Tumagal lamang ng ilang buwan ang kanilang pagsasama.
BASAHIN:
Meryll Soriano sa pagiging authoritarian ng mga parents sa anak: “Hindi mo siya binibigyan ng confidence.”
Meryll Soriano aminadong mahirap magpalaki ng mga anak na may big age gap: “Feeling mo you’re not giving enough.”
ABS-CBN partners with Viu to bring Philippine adaptation of Flower of Evil across 16 markets
Father’s Day celebration ni Joem kasama ang pamilya nila ni Meryll Soriano
Katulad ng maraming daddies, hindi rin nagpahuli sina Joem Bascon at Meryll Soriano sa pag-celebrate ng Father’s Day. Simple yet intimate lang ang naganap na celebration base sa pagkukwento ni Joem sa isang interview.
“Nag-lunch together kami ng family ko, ako, si Meryll, si Eli, si Baby Gido at dun lang kami sa house.”
Dagdag pa niya, inuuna na raw niya muna ang bonding with their family bago tuluyan siyang magtrabaho. Sa ganitong paraan daw kasi ay nagiging masaya ang kanyang karelayson na si Meryll maging ang mga bata.
“Mas uunahin ko ‘yung family ko, mag-spend time with my family before doing any work. Natuwa naman ni Meme at least nandoon ako sa house, nakapag-spend time ako with them.”
Sinurpresa rin daw siya ng mga ito ng cake. Ayon pa kay Joem, araw-araw daw ay special day sa kanilang tahanan dahil magkakasama silang pamilya,
Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
“I’m so happy na binigyan niya ako ng cake. Binigyan nila ako ng sobrang kasiyahan sa buhay not just for Father’s day. I guess everyday is a special day para sa amin being together.
Pagbabahagi naman ni Joem, isa sa mga naging adjustment niya magmula ng maging daddy siya kay Gido ay ang pagiging taong bahay.
“Mas naging taong bahay na ako. Mas uunahin ko muna family ko before, I guess, my work. Parang ganun na ‘yong nagiging mindset [ko].”
Kahit daw para naman sa pamilya niya ang ginagawa niya sa trabaho, iba pa rin daw ang makapag-spend siya ng oras sa kanyang pamilya. Dagdag pa niya gusto raw kasi nila ni Meryll na ma-experience na maalagaan si Gido habang ito ay baby pa, at makasama siya sa maraming bagay.
Larawan mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
“I know I’m doing my work for them pero mas uunahin ko muna silang mag-spend time for them. Sinasabi namin ni lagi ni Meme ngayon lang namin mai-experience na baby si Gido.”
Pagbabahagi pa ni Joem Bascon sobrang loving daw ni Meryll Soriano bilang asawa at ina ng kanyang pamilya,
“Wala na akong mahihiling pa.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!