Binahagi ni Meryll Soriano sa kaniyang vlog ang kaniyang pananaw tungkol sa pagpapalaki at pagdisiplina sa anak. Ayon sa aktres, komunikasyon ang pinakamahalaga para magkaintindihan ang mga parents at kanilang mga kids.
Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:
- Meryll Soriano on being a tough or nice mom
- Importance ng paghingi ng tulong sa partner
Meryll Soriano on being a tough or nice mom
Larawang kuha mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
Makikita sa YouTube channel ni Meryll Soriano ang kaniyang vlog kung saan binasa niya ang liham ng isang mommy para sa kaniya. Ang liham na ito ay naglalaman ng tanong ukol sa pagiging isang strong mama at sa kaniyang fighting spirit sa pagiging nice and tough mom.
Ayon sa letter sender, tingin niya ay nagkukulang ang kaniyang partner sa pagsuporta sa kaniya pagdating sa iba’t ibang aspeto. Naging mommy siya taong 2019, at natutong maging makalas para sa kaniyang anak.
“To share with you, I have a 2 year old son born on September 28, 2019… I’m not yet a fully committed married wife, in short, hindi pa kasal. We live in one roof. Since I gave birth to that child, I have never been fully supported (emotionally and spiritually) by my partner.”
“The world that I have entered in not an easy task pero sa awa ng Diyos nakayanan ko na rin. Standing still to live and survive for my son.”
Kuwento ni Meryll, ganoon din siya noon na kung si mommy sender ay hindi fully committed wife, siya naman ay hindi fully committed na single parent. Ika niya, mahirap daw kasi ang maging single parent at doon na pumapasok ang pagiging isang tough at nice na ina.
“Paano ba ‘yon pinaghahalo? It’s very difficult, ‘no? Kasi syempre, kailangan mong timplahin kung anong ugali ng anak mo, hindi mo pwedeng pilitin na maging authoritarian.”
Ayon pa sa kaniya ay mayroon siyang nabasa ukol sa pagpapalaki sa isang bata sa pamamagitan ng takot. Ayon kay Meryll Soriano sa kaniyang vlog, dapat ay hindi masanay ang bata na laging fearful sa mga parents. Dahil may negatibong epekto ito sa kaniya.
“Nabasa ko yan recently eh, na parang, you know if you raise your children in fear parang tinuturuan mo na siya na paglaki niya, ganoon din. Parang sa society, hindi mo siya binibigyan ng confidence. Hindi mo siya binibigyan ng support.”
Larawan kuha mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
BASAHIN:
Kinakagat ni baby ang nipples mo? Meryll Soriano shares breastfeeding tips
Marian Rivera nag-iingat na sa mga sexy outfit: “Kailangan maging conscious sa ipinapakita ko sa anak ko.”
Chito Miranda kung papaano napasagot si Neri Naig: “Trinato ko siya bilang prinsesa”
Importance ng paghingi ng tulong sa partner
Kaya para kay Meryll ay mas mabuting palakihin ang mga bata ng may compassion at i-nurture ang mga bata. Pagbabahagi pa niya, nagkaroon sila ng diskusyon ng kaniyang kapatid na si Doc Kei ukol sa punishment, na hindi nagwo-work ang punishment.
Kuwento pa ni Meryll Soriano sa kaniyang vlog ay medyo ganoon din siya kay Eli noong bata pa ito, dahil ito na rin ang kaniyang kinalakihan. Pero habang lumalaki si Eli, napansin si Meryll na hindi nagwo-work ang punishment sa kaniyang anak.
“So parang for me, it was more important na communication is key. Na parang, okay hindi lang kung ano ‘yong nararamdaman mo, but better kung bakit nila ginagawa ito. Bakit sila, bakit sila upset. Bakit sila masaya. ‘Di ba, you talk to them.”
Dagdag pa ni Meryll ay proven and tested na niya ang halaga ng pagkakaroon ng open communication lines sa isa’t isa. Naniniwala rin siya na hindi totoo ang Mother knows best, sa halip ito raw ay isang journey.
“We don’t know better, you know. We just learn through the process of parenting.”
Larawan kuha mula sa Instagram account ni Meryll Soriano
Tingin din kay Meryll na ang bawat sitwasyon na nasa harap ng isang tao ay isang oportunidad para mas maging malakas, mas mabuting nanay at partner.
“You have to see it in a different perspective sometimes eh. Sometimes, hindi natin nakikita ‘yan kasi nandon tayo sa situation mismo. But sometimes, you have to breathe and you know, assess things kung bakit nangyayari sa atin ‘to.”
Dagdag pang tips pa ni Meryll Soriano kay mommy sender, na tingin daw niya ay marapat na magkaroon ng magandang komunikasyon ang sender sa kaniyang partner. Mahalaga aniya na hindi magkahiyaan ang mag-partner at kapag kailangan ng tulong ay dapat na kausapin agad ang inyong karelasyon.
“I think minsan, hindi naman din nakakahiya na humingi ng tulong pag kailangan mo, pag kailangan mo ng support.”
Ayon pa kay Meryll, importante ang pagkakaroon ng interdependence ng isang pamilya. Ang pagiging supportive rin nila ng kaniyang partner sa isa’t isa ay kanilang natutunan.
Sa huling bahagi ng kaniyang vlog, nagbigay pa siya ng dagdag paalala sa mga mommy na huwag ikumpara ang kanilang sarili sa iba dahil lahat tayo ay mayroong iba’t ibang journey at kailangan natin itong i-embrace.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!