John Arcilla sa pag-aalaga ng mga anak sa kanilang tumatandang magulang: “Ito ay normal at natural na duty ng mga anak.”

Ayon pa sa aktor, mali ang mga salitang “utang na loob” at “obligasyon” pagdating sa pag-aalaga ng anak sa matanda na niyang magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktor na si John Arcilla nagbahagi ng kaniyang opinyon tungkol sa pag-aalaga ng mga anak sa tumatandang magulang nila. Ayon sa aktor ito ay normal na tungkulin ng anak sa magulang. Tingnan dito ang buo niyang pahayag.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • John Arcilla sa pag-aalaga ng anak sa tumatandang magulang.
  • Bakit tungkulin ng anak na alagaang ang magulang.

John Arcilla sa pag-aalaga ng anak sa tumatandang magulang

Larawan mula sa Facebook account ni John Arcilla

Sa kaniyang Facebook account ay nagbigay opinyon ang aktor na si John Arcilla tungkol sa responsibilidad ng anak sa tumatanda niyang magulang. Kasunod ito ng pagdiriwang ng kaarawan ng 90th birthday ng ina ng aktor na si Estaquia Gonzales Peñarada y Arcilla.

Larawan mula sa Facebook account ni John Arcilla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga post ng aktor makikita kung gaano niya kamahal ang ina. Kaya naman pagdating sa pag-aaruga ng anak sa magulang na matanda na ay ito ang nasabi niya.

“Utang na loob’ and ‘Obligasyon’ are wrong words pag ang usapan ay mga magulang na ating pinanggalingan… hindi naman talaga utang na loob o obligasyon ang pagkupkop o pagtulong sa mga tumatandang magulang- dahil ito ay normal at natural na duty ng mga anak.”

Ito ang bungad na pahayag ng aktor sa mahaba niyang post tungkol sa parent-child relationship.

Bakit tungkulin ng anak na alagaang ang magulang

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy ni John, ang tungkulin na ito ng anak sa magulang ay tulad din sa tungkulin ng magulang sa maliit pa nitong anak.

“Kasing natural at normal nung inaalagaan nila tayo nung maliit pa. Pinakain, dinamitan, iginapang, at pinag-aral.”

Ito ang sabi pa niya.

“Tama naman na responsibilidad yun ng mga magulang sa walang muwang na mga anak. Kaya responsibilidad din ng bawat anak na alagaan at arugain ang mga magulang pag matatanda na, mahihina na at wala ng lakas at resources para magtrabaho at asikasuhin ang sarili. Katulad natin nung inalagaan at tinustusan pa nila nung sanggol tayo kasi hindi pa natin kayang alagaan at tustusan ang ating sarili, hanggang sa makatapos ng pag aaral. That is the normal cycle of life.”

Ito ang pagpapatuloy pa ng aktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa niya, obligahin man o hindi, responsibilidad ng anak ang magulang. Sila ay dapat laging kasama sa mga plano ng anak at magkakapatid. Partikular na sa kung paano nila maalagaan ang mga ito sa oras na sila ay matanda na.

Dagdag pa ng aktor, ang pag-aalaga ng anak sa magulang ay magandang halimbawa rin sa mga maliliit na bata. Sa ganitong paraan ay naipapakita sa mga bata kung paano dapat arugain ang kanilang mga magulang kapag matanda na. Lalo pa’t kasiyahan ng mga magulang na makita o tumanda na nasa tabi niya ang mga anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement