cillJohn Estrada proud sa school achievement ng daughter nila ni Priscilla Meirelles na si Anechka.
Mababasa dito ang sumusunod:
- John Estrada proud sa school achievements ng daughter niyang si Anechka.
- Priscilla Meirelles may mensahe rin para sa only daughter niya.
- Relasyon ni John Estrada at Priscilla Meirelles.
John Estrada proud sa school achievements ng daughter niyang si Anechka
Sa Instagram ay ibinahagi ng aktor na si John Estrada kung gaano siya ka-proud sa daughter nila ni Priscilla Meirelles na si Anechka. Dahil si Anechka na-awardan bilang first honor sa klase nila. Dagdag pa ang iba pang awards at pagiging overall gold awardee nito.
“I Feflex ko lang ang pag ka 1st honor ng anak ko, sa school nila ang tawag e over all Gold awardee sya, hay ang sarap sa pakiramdam. 🙏🙏🙏💪💪💪🫶🫶🫶❤️❤️❤️”
Ito ang caption ng Instagram post ni John kalakip ang mga larawan ng anak niyang si Anechka at mga awards nito.
Dagdag pa ng aktor, kahit wala ang mga awards na ito ay proud parin siya sa anak. Pero alam niya kung gaano pinaghirapan ni Anechka na makuha ang mga awards niya. Kaya naman ang aktor mas lalo pang naging proud father sa anak niya.
“I always tell you that even without these awards, I will still always be proud of you and you would always be Great in my eyes. ❤️❤️❤️I love you so much ❤️❤️❤️.”
Ito ang mensahe pa ni John Estrada sa only daughter nila ni Priscilla Meirelles na si Anechka.
Priscilla Meirelles may mensahe rin para sa only daughter niya
Larawan mula sa Instagram
Samantala, si Priscilla may sweet na mensahe rin sa anak niyang si Anechka. Makikita na stage mother siya pagdating sa kaniyang only daughter.
“You did it, my Love @anechkaestrada_ !!! 👏💙🎉 All your hard work paid off again! I am so proud of you my first honor Baby.”
“No matter how busy or how tired I may be, I will never be too tired or too busy for you. The sky is the limit my ❤️.”
Ito ang bahagi ng mensahe ni Priscilla sa anak na si Anechka.
Si Priscilla may paalala rin sa anak sa kabila ng mga awards at achievements na natatamasa nito.
“May God keep you grounded always. May he keep your heart pure. And may he always surround you with his legions of angels to protect you and enable you to touch as many hearts as possible positively. Your #1 fan, backup, and cheerleader. Mamy Pri ❤️🥰😘”
Ito ang sabi pa ni Priscilla.
Relasyon ni John Estrada at Priscilla Meirelles
Larawan mula sa Instagram
Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Priscilla sa recognition ng anak na magkasama silang dumalo ng aktor na si John Estrada dito. Makikita rin sa iba pang mga post ng dalawa na bagamat nag-eenjoy sila sa kaniya-kaniya nilang career ay nanatiling maayos ang kanilang pagsasama.
Nito nga lang June 13 ay nagdiwang si John Estrada ng kaniyang 51st birthday. Sa Instagram ay ibinahagi ni Priscilla ang naging celebration nila sa kaarawan ng aktor kasama ang mga anak ni John kay Janice de Belen. Patunay ito na maayos ang pagsasamahan ng pamilya ni John sa kabila ng nakaraan at kontrobersyang pumapalibot sa kanila.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!