John Estrada and Priscilla Meirelles split kinumpirma ng aktor sa Instagram. Ang kumpirmasyon ginawa ni John matapos ang kontrobersyal niyang bakasyon sa Boracay.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Kontrobersyal na bakasyon ni John Estrada sa Boracay.
- John Estrada and Priscilla Meirelles split.
- Sagot ni Priscilla.
Kontrobersyal na bakasyon ni John Estrada sa Boracay
Mainit na usap-usapan ngayon ang naging pagbabakasyon ni John Estrada sa Boracay kamakailan lang. Dahil sa isa kaniyang mga Instagram post sa naging bakasyon ay nagkomento ang misis niyang si Priscilla.
“Looking very divorced, Mr. Estrada @ Lily Hallman_.”
Ito ang comment ni Priscilla sa IG post ni John na ngayon ay naka-off at naka-hide na ang comment sections.
John Estrada and Priscilla Meirelles split
Matapos ang controversial na post at comment ng mag-asawa, sunod na nagbigay ng kaniyang statement si John sa totoong estado ng relasyon nila ni Priscilla sa Instagram.
Ayon sa aktor, sila ng misis ay hiwalay o break sa ngayon na mutual umano nilang desisyon.
“Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now. There’s more to the story but the last thing I want to do is hurt the people I love.”
Ito ang bahagi ng post ni John.
Nilinaw niya rin na wala silang relasyon ni Lily Hallman, ang babaeng kasama umano ni John sa pagbabakasyon sa Boracay. Nagpunta daw siya doon para lamang mag-relax at magkaroon ng break sa trabaho niya. Doon niya rin daw nakilala si Lily.
“I want to make it clear that I am not in a relationship with Lily Hallman or any other woman for that matter. And I just met her in Boracay. I had a short break from work and felt the need for a breather.”
Humiling rin ang aktor na bigyan ng privacy ang kanilang pamilya sa ngayon.
“This is a private family matter that’s why I ask for privacy as we deal with this. Thank you!”
Ito ang sabi pa ng aktor.
Sagot ni Priscilla sa public statement ng kaniyang mister na si John
Si Priscilla Meirelles na kasalukuyang nasa Brazil ngayon kasama ang kanilang anak ay may sagot sa public statement ng mister niyang si John. Ang dating beauty queen, pinabulaanan na hindi mutual ang naging agreement nila ni John sa paghihiwalay nila umano. Siya daw ay na-shocked at nasaktan sa ginawang statement na ito na kaniyang mister.
Ibinahagi niya rin na siya man ngayon ay nasa Brazil, umalis daw siya ng bansa na sila ay kasal. At alam niya hanggang sa ngayon na sila ay kasal parin. Anuman daw ang dahilan o kuwento sa likod nito, hindi daw mababago nito ang “course of faith”.
“I am deeply shocked and disheartened by Mr. Estrada’s recent public statement.
To clarify, there was never any mutual agreement regarding our separation. We were married when I left the Philippines and we remain married as of this time. While there is indeed more to this story, it is not appropriate time to delve into those details. Regardless of what those may be, however, it won’t change the course of faith.”
Ito ang sabi pa ni Priscilla sa IG story niya.