Tatay Florentino Gregorio umaapela na huwag idamay ang anak ni Jonel Nuezca: "Bata 'yan, e. Kulang sa pag-aaruga."

Tigilan daw ang pambabash sa anak ni Nuezca dahil kulang lang daw ito sa aruga ng magulang niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabila ng sinapit ng pamilya sa kamay ng pulis na si Jonel Nuezca, umaapela si Florentino Gregorio, asawa at ama ng pinaslang, na huwag i-bash ang anak ni Jonel. “Bata ‘yan, e.” 

Sa artikulong ito, mababasa ang:
  • Panayam ni Tatay Florentino tungkol sa anak ni Jonel Nuezca
  • Ang importansya ng pagtuturo sa bata sa pamamagitan ng pagiging mabuting ehemplo

Alitan ni Jonel Nuezca at Frank Gregorio

Image from Facebook File video

Mabilis na kumalat sa social media ang video kung saan makikita ang pagpatay ng pulis na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang si Sonia at Frank Gregorio. 

Sa unang bahagi ng video ay makikitang sinugod ni Nuezca ang kaniyang kapitbahay, ang mag-inang sina Sonia at Frank, sa bahay ng huli. Ito daw ay dahil sa pagpapaputok ni Frank ng boga, isang improvised na paputok.

Bagaman off duty, pilit na inaaresto ni Nuezca si Frank at hinihila para sumama sa kaniya. Dahil ayaw ipaaresto ang anak, pumagitna si Nanay Sonia kay Frank at sa pulis. Inakap nito ang anak at ayaw nito itong pakawalan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa report, sa gitna ng gulo ay naungkat rin daw ang matagal na alitan na nila Nuezca at ng pamilya Gregorio. Ito ay tungkol umano sa right of way na mas nagpainit pa ng alitan sa pagitan ng dalawang panig.

Habang inaantay umano ang pagdating ng barangay na papagitna sana sa kanila ay patuloy parin ang sagutan at murahan nila Frank at Nuezca. Ito ay kahit nakahawak na si Nuezca sa shorts ni Frank upang ito ay hindi makaalis at makatakas.

Also read:

12 mabisang paraan para pakalmahin ang galit na bata

6 healthy tips kung paano disiplinahin ang batang mainitin ang ulo

Kids’ emotional abuse: The 5 signs you could be missing

Kasama ni Jonel Nuezca ang anak niya

Habang nangyayari ang kaguluhan, may mga sumubok na tulungan si Nanay Sonia, kabilang na ang isang unidentified na babae. Niyakap din nito si Frank. Ngunit makikita sa video na bigla na lang nagkaroon ng sabunutan, kung saan may nakasali na batang babae. 

Ayon sa mga panayam, ang batang babae ay ang anak ni Nuezca. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Natapos man ang sabunutan, hindi naman natapos ang sagutan. Maririnig na sumisigaw ang batang babae ng, “Let go of him! Let go!” Sinagot ito ni Nanay Sonia, “Siya ang i-let go mo hindi kami nandito kami sa bahay namin.”

Pasigaw na sumagot ang batang babae na “My father is a policeman!”

Dito na pakantang sumagot si Nanay Sonia sa batang babae ng “I don’t care!” 

Makikita sa video na binantaan ni Nuezca si Nanay Sonia na “tatapusin” niya ito, sabay kalabit sa gatilyo. Tinamaan si Nanay Sonia sa ulo. Sinunod ni Nuezca si Frank. At habang nakabulagta na ang dalawang biktima, binaril pa muli ng pulis ang dalawa. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang buong pangyayari na ito ay na-witness ng anak ni Nuezca na ilang dipa lang ang layo sa mga biktima.

Ayon sa mga report, matapos ang barilan ay kaswal na umalis ni Nuezca kasama ang anak nito.

 

Image from GMA News

Panawagan ng pamilya Gregorio

Ang tagpong ito ay kinundena ng mga netizen at patuloy na pinag-uusapan magpa-hanggang ngayon sa kahit anong uri ng media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Noong araw din ng pagpaslang ay kusang sumuko rin si Nuezca dahil sa kaniyang nagawa. At ang mag-inang sina Nanay Sonia at Frank ay nakaburol na. Si Nanay Sonia ay may naulilang asawa at anak. Habang si Frank ay may naiwan na isang taong gulang na anak.

Dahil sa galit sa nangyari sa mag-ina ay hindi lang ang pulis na si Nuezca ang nakatanggap ng hate messages mula sa publiko. Pati ang anak na babae nito na nakunan sa viral video ay nakatanggap rin ng masasakit na salita mula sa mga netizen. 

May mga komento na nagnanais na buhay ang ipalit sa buhay na kinitil. | Photo: Screenshot from Facebook, December 2020

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilan sa comments ang nagsasabi na dapat ay mayroong naglayo sa bata sa sitwasyon. | Photo: Screenshot from Facebook, December 2020

Ngunit sa kabila ng pinagdadaanan ng kanilang pamilya ay may panawagan ang ama at asawa ng mga nasawi na sila Nanay Sonia at Frank na si Tatay Florentino Gregorio. Tigilan na daw sana ang pangba-bash sa batang babae. Dahil tulad nila ay biktima rin ito ng pagkakamali ng magulang niya.

“Kahit ganoon ang ginawa sa amin sana naman po ay ano (tigil) nyo po ‘yong pamba-bash. Kasi masakit rin para sa kanila yun. Kasi bata ‘yon, e. Kulang lang yun sa pag-aaruga ng magulang sa kaniya. Kaya naging ganyan ang turing ng batang yan. Kasi kung maganda ang pagpapalaki sa batang iyan, hindi magiging ganyan ang batang iyan.”

Ipinunto ni Tatay Florentino na kung ibang bata ang nasa ganoong sitwasyon ay iiyak o tatakbo kapag nakakita ng ganoong karumal-dumal na pangyayari. 

“Siguradong may takot din siya. Yung putok lang ng baril na iyon siguro umiyak na siya o tumakbo rin siya. Hindi, e. Nakita niya na parang tama ang ginawa ng ama niya. Ayon ang mali ng magulang. Na parang lahat ng kamalian ay itinatama niya sa (paningin) ng anak niya.”

Ito ang pahayag ni Tatay Florentino sa panayam sa ilang news agencies.

UPDATE: Ayon sa GMA News, nag-undergo na ng psychosocial counseling ang anak ni Nuezca upang maproseso nito ang karahasan na kaniyang nasaksihan. Magkakaroon din ng therapy ang mga menor de edad na kaanak nila Nanay Sonia na na-witness din ang pangyayari.

Paano nakaka-impluwensya ang magulang sa ugali ng kaniyang anak

Food photo created by tirachardz – www.freepik.com 

May kasabihan na “sa mata ng bata, ang mali ay nagiging tama kung ginagawa ng matanda.” At mayroong mga pag-aaral na napalaki ng epekto ng asal ng magulang sa pagpapalaki ng anak.

Ayon sa psychologist na si Leon F. Seltzer, hindi man natin kadalasang napapansin ngunit nagiging halimbawa tayo sa ating mga anak na kanilang tinutularan.

Dagdag pa nga niya, base sa isang pag-aaral at sa ating mga ginagawa bilang magulang ay mas nagiging maimpluwensiya sa ating mga anak ang mga negative kumpara sa ating positive actions. Tulad ng mga pagmumura o palaging pagsigaw na agad nilang magagaya kung lagi nating ginagawa sa harap o paligid nila.

Base naman sa isang 2010 study, ultimo ang ating anxious at depressive behavior ay maaring magaya ng ating anak. At mataas ang tiyansa na maging tulad rin ng response natin sa ngayon ang magiging response niya sa anxiety at depression kapag siya ay tumanda na.

“Our results highlight the importance of parental modeling and the potential role of both mothers and fathers in prevention and treatment for child anxiety.”

Ganoon din daw kapag mayroon kang anger management problems. Mataas ang tiyansa na isa sa iyong mga anak ay makaranas rin nito sa kanilang pagtanda. Pati na ang pag-inom ng alak at pag-gamit ng illegal na droga lalo na kung ito ay nakikita nilang iyong ginagawa.

Kaya payo ni Seltzer, laging maging mabuting halimbawa sa iyong anak. Ayusin ang mga dapat nating ayusin sa ating mga sarili. At maging modelo na kaniyang magagaya at gagabayan siya sa tamang landasin sa kaniyang buhay.

 

Source: Psychology Today, Inquirer, News 5