Paano pakalmahin ang bata? Narito ang ilang tips na maaring gawin at makakatulong para mas maging malapit ang loob niya sayo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga paraan kung paano pakalmahin ang bata.
- Paano maiparamdam sa iyong anak na naiintindihan mo siya at magpakakatiwalaan ka niya.
Likas na sa mga bata ang pagiging mayamutin o bigla bigla na lamang nag ta-tantrums. Bilang magulang, mabuting alamin at pag-aralan kung paano pakitunguhan ang bata sa ganitong mga oras.
Madaling sabihin na madali lang ngunit marapat lang na maintindihan ng bata kung paano nila mapigilan o suriin ang kanilang emosyon. Ngunit magiging posible lang ito dahil sa tulong at gabay mo. Paano pakalmahin ang bata na galit?
Sa isang post ni Renee Jain ng Psych Central, ibinahagi nito kung paano i-deal ang sitwasyon kapag ang iyong anak ay galit. Narito ang ilan sa kanila:
15 mabisang paraan kung paano pakalmahin ang bata na galit
1. Kaysa: “Huwag ka nang magpahirap” 0 “Stop being difficult”
Subukan ang: “Alam kong maghirap pero kaya natin ‘tong dalawa” o “I know it’s tough, but we can work this out together”
Ayon kay Jain, kapag ang bata ay hindi sumusunod sa’yo, mabuting alamin kung anong dahilan nito. Dahil pinapakita nito na “You are on the same team, working toward the same goal.”
Bumuo ng matibay na samahan sa inyo ng anak mo. Bakit hindi mo subukang iresolba ang isang problema kasama ang anak mo imbes na magalit at patulan ang pagiging matigas niya?
2. Kaysa: “Huwag mong ihagis ‘yan” o Stop throwing things”
Subukan: “Gusto mo ba o ayaw mo ng laruan mo? Anong problema anak?” o “Do you not like/want your toys? Is that what’s wrong?”
Para kay Jain, ang katagang ito ay makakatulong upang magsimulang i-open ng anak mo kung ano ang kanilang perspetive. Ito rin ang magsisilbing simula ng inyong pag-uusap na makakatulong upang maresolba ang problema
3. Kaysa: “Tumigil ka na o You’re getting a timeout”
Try: “Kumalma tayo parehas anak” o “Let’s go calm down together”
Mas makakatulong sa smahan ng mag-ina kung nagsasama ito ng madalas kesa magiwasan. “This flips the script of ‘time out’ to ‘time in,’ allowing for reconnection instead of isolation.”
4. Kaysa: “Hindi ko na kaya ‘yang ginagawa mo.” o “I can’t deal with you/your behavior right now”
Subukan: “Naiinis na talaga ako pero kailangan kong kumalma” o “I’m getting frustrated and need to calm down”
Ayon kay Renee Jain, “Teach children how to label and govern their emotions by modeling this in real time,” Mahalagang malaman ng mga bata na direktang sabihin kung bakit sila nagagalit imbes na magpakita ng hindi makatwiran na gawain.
5. Kaysa: “Tumitigil ka na sa kakasabi mo ng ayaw mo o hindi.” o “Stop saying ‘No'”
Subukan: “Naiintindihan ko na ayaw mo nito, kaya subukan natin na intindihin parehas ito anak.” o “I understand you don’t want this. Let’s figure out what we can do differently”
Para kay Jain ang pagsuko sa ‘No’ ng isang bata ay nagpapakita ng pagkumbinsi mo dito. Imbes na makipag-away, bakit hindi mo sabihin sa anak mo kung bakit pinapagbawalan mo siya sa partikular na bagay? At kung ano ang dulot nito sa future? Mabuting magtayo ng matiaby na pundasyon para sa inyong mag-ina.
6. Kaysa: “Linisin mo ang kwarto mo, kung hindi, hindi ka makakalabas o makakalaro.” o “Clean your room or you’re grounded”
Subukan: “Linisin natin ang kwarto mo anak, tulungan kita.” o “Let’s clean this room. I’ll help you get started”
Kadalasan, ang mga bata ay ayaw ng hindi maayos na pag-uutos. Bilang isang ina, bakit hindi mo bigyan ng suporta ang iyong anak? Katulad na lamang na tutulungan mo sila sa kanilang gawain. Ito ay para makatulong sa kanila upang isipin na hindi sila nag-iisa.
7. Kaysa: “Tumigil ka na sa kakareklamo.” o “Stop complaining”
Subukan: “Naiintindihan ko na hindi ka masaya, anong gusto mong solusyon para rito anak?” o “I understand you’re not happy. What would your solution be?”
Hindi na maiaalis sa mga bata ang magreklamo bawat oras. Para kay Jain, mas mabuting gawin para sa mga batang nagrereklamo tungkol sa kanilang school ay paalalahanin sila na walang maling sagot. Maging confident lamang.
8. Kaysa: “Tumigil ka sa pagrereklamo gamit ang ibang boses.” o “Stop whining”
Subukan: “Pwede mo bang sabihin ‘yan anak sa normal mong boses.” o “Can you say that again in your regular voice?”
Ipaunawa sa bata na iwasan ang pagtataas ng boses sa bawat complain. Dahil ang pagsasalita ng malumanay ay makakapagpababa ng tensyon sa partikular na sitwasyon.
9. Kaysa: “Hindi ginagawa ‘yan ng mga malalaking bata.” o “Big kids don’t do that/this”
Subukan: “Minsan ang mga malalaking bata at matatanda ay nararamdaman talaga iyan. Huwag kang mag-alala anak lilipas din ‘yan.” o “Big kids and grown-ups sometimes feel that way. Don’t worry, your feelings will pass”
Ihanda ang iyong anak sa lahat ng emosyong kanilang mararanasan sa pagtanda. Ang pagsabi sa kanila na ang malalaking bata ay hindi nakakaranas ng galit, frustration o anxiety ay hindi makakatulong. Bakit hindi mo na lang sila i-comfort at sabihin na lahat ng bata ay dumadaan sa ganyang stage at nalalagpasan din nila.
Paano pakalmahin ang bata | Image from Unsplash
10. Kaysa: “Huwag kang manghampas.” o “Don’t hit”
Subukan: “Ayos lang makaramdam ng galit at magalit anak, pero huwag kang mananakit.” o “It’s okay to be angry, but you cannot hit/use violence”
‘Wag hahayaan na gumamit ng pisikal na lakas ang iyong anak kapag sila ay galit. Para kay Jain, “Gets the message firmly across that the emotion is okay, but the action is not. Separating the two will help your child learn to do likewise.”
11. Kaysa: “Kainin mo ‘yang pagkain mo o matutulog kang gutom.” o “Eat your food or go to bed hungry.”
Subukan: “Anong gusto mong gawin ko para kainin mo ito anak?” o “What would you do to make this meal tastier?”
Ipaalam sa iyong anak na maaari nilang tanungin ang mga bagay na gumugulo sa kanilang isipan. Magtulungan para sa ikauunlad ninyo pareho.
12. Kaysa: “Huwag kang magalit.” o “Don’t be mad”
Subukan: “Nagagalit din ako anak minsan, ilabas natin ang galit natin ng sabay.” o “I get angry too, let’s vent your anger/get it all out together.”
Makakatulong ito sa iyong anak upang maintindihan niya ang tamang paghandle ng kanilang galit. Ito rin ang paraan para ipakita sa kanya na ikaw ay nasa panig niya at hindi ka kaaway.
BASAHIN:
STUDY: Batang laging nasisigawan at napapagalitan, lumalaking may mas maliit na utak!
Mga eksperto nakatuklasan ang paraan para ma-manage ang tantrums ng mga bata
10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang
Ayon naman sa licensed social worker at book author na si Signe Whitson, isa pang paraan para pakalmahin ang bata na galit ay sa pamamagitan ng pag- vavalidate ng feelings na nararamdaman niya.
Sa tulong ng validation ay natuturuan ang bata na i-translate sa salita ang feelings na mayroon siya. Naipaparamdam mo rin sa kaniya, gamit ang validation na naiintindihan mo ang nararamdaman niya at ito ay pinapahalagahan mo.
Ito ay mai-aapply rin sa mga oras na na-frufrustrate siya at nalulungkot sa mga mali niyang nagawa.
Narito ang mga halimbawa ng validation statements na makakatulong para pakalmahin ang bata na galit.
13. Kaysa: “Hindi naman ‘yan big deal.” o “It’s not a big deal!”
Subukan: “Malungkot ka talaga ngayon dahil sa nangyari.” o “You are really upset right now about what happened.”
Ang halimbawa na ito ay mai-aapply sa oras na may ginawang mali na hindi sinasadya ang isang bata. Tulad na lang sa aksidenteng pagkakabasag ng plato habang dinadala niya ito sa hugasan.
Kung hindi ito ang unang pagkakataon na ito ay nangyari ay maaring isipin niya na lagi nalang siya nakakagawa ng mali at nakakasira ng gamit.
Gamit ang mga simpleng salita ay i-validate ang nararamdaman niya at iparamdam sa kaniya na naiintindihan mo ito. Iparating rin sa kaniya gamit ang salita na natural lang na nakakagawa ng mali ang mga batang katulad niya.
Ngunit dapat ang kaniyang karanasan ay maging aral para matutunan niyang hindi na ito maulit pa.
Photo by Ketut Subianto from Pexels
14. Kaysa: “Hindi ‘yan totoo. Maraming kang mga nagawang tamang bagay.” 0 “That’s not true! You do many things that are right!”
Subukan: “Nakakalungkot na naniniwala ka na iniisip mo na wala kang nagawang tama anak.” o “It must feel frustrating to believe that you never do anything right.”
Ang mga bata sa tuwing nakakakuha ng mababang score sa exam o kaya naman ay hindi nanalo sa contest na sinalihan niya ay maaring isipin na wala na siyang ginawang tama o mabuti.
Lalo na kung dagdagan pa ito ng paninisi na galing sayo o mga tao sa kaniyang paligid. Hindi ito makakabuti para sa kaniya. Mabuting i-validate ang feelings na nararamdaman niya para maipabatid mo sa kaniya na siya ay naiintindihan mo.
Saka mo ito sundan ng mga pahayag na kung saan masasabi mo sa kaniya na normal ang pagkakamali at siya ay may tiyansang i-tama ito o pagbutihin pa para hindi na maulit pa.
15. Kaysa: “Huwag na huwag mo akong kausapin ng ganiyan. Grounded ka na.” o “Don’t you dare speak to me that way. You’re grounded.”
Subukan: “Kung nagagalit ka ngayon anak, makikinig ako sa ‘yo ngayon.” o “You are feeling super angry right now. I am here to listen.”
May mga pagkakataon na dahil sa frustration o galit na nararamdaman ng isang bata ay makapagsabi siya ng mga salitang hindi niya naman sinasadya. Una, bilang isang adult ay hindi mo dapat ito personalin.
Tulad na lang kung sasabihan ka ng iyong anak na hate ka niya o para sa kaniya ay wala kang kuwenta. Sa kaniyang batang edad ay hindi niya pa alam ang bigat ng mga salitang ito.
Kaya naman dapat ay tulungan mo siya na malaman ang mga kahulugan ng mga salita. Magagawa mo ito, una sa pagvavalidate ng nararamdaman niya at sunod sa pagsasabi at pagpaparamdam sa kaniya na handa mo siyang pakinggan at tulungan.
Sa ganitong paraan ay hindi mo lang napapakalma ang iyong anak, ginagawa mo ring mas malapit ang loob niya sayo at mas pinagkakatiwalaan ka niya.
Kung nais basahin ang English version nito, i-click ito.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!