X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Judy Ann sa mister na si Ryan Agoncillo: “When Ryan came along I saw that this is the life that I'm missing. This is the life that I want.”

5 min read

Ano ang sikreto sa masayang relasyon ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo? Alamin ang sagot dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang sikreto sa matatag na relasyon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
  • Love story nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Sa ngayon, lalo na mundo ng showbizness ay hindi na nakakagulat ang mga magkaparehong artista na nagkatuluyan, nagpakasal at kinalaunan ay maghihiwalay.

Pero para sa mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay hindi ito ang eksena. Dahil matapos ang halos 13 taon bilang mag-asawa ay makikitang tila walang nagbago sa pagmamahalan ng dalawa sa isa’t isa. Sila ngayon ay may tatlong anak na mas nagpapasaya sa binuo nilang pamilya.

judy ann santos at ryan agoncillo with kids

Image from Judy Ann Santos-Agoncillo’s Instagram account

Love story nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Kuwento ni Judy Ann, malaki ang naging pagbabago sa buhay niya ng makilala niya si Ryan. Una silang nagkasama sa isang pelikula at naging magkaibigan. At simula palang, ay na-attract na ang aktres kay Ryan dahil sa kakaibang honesty nito na nagustuhan niya.

“Siya lagi yung may opinyon sakin na totoo pero hindi siya offensive. He knows how to deal with me that way.”

Ito ang kuwento ni Judy Ann sa panayam sa kanilang dalawa ni Ryan ng TV host at kilalang news anchor na si Karen Davila.

Dagdag pa ni Judy Ann, sa padaan ng panahon ng nakakasama niya si Ryan ay naging komportable ang loob niya rito. Hanggang sa dumating sa buhay niya ang adopted child niyang si Yohan na kung saan si Ryan ay tumayong ninong nito noong una.

Hindi inakala ni Judy Ann ng mga panahong iyon na maliban sa ipinagdadasal niyang anak, nasa paligid narin pala niya ang lalaking hinihiling niya rin sa Diyos na makasama.

Ito pala ay si Ryan na kalaunan ay naging kasintahan niya at tinuring niyang pinaka-seryosong naka-relasyon niya sa buong buhay niya.

“When I prayed for a child, I prayed for a partner that would show me what life is really. Because I don’t know what life is because I am working since I was 8.”

“When Ryan came along I saw that this is the life that I’m missing. This is the life that I want.”

“Feeling ko, my relationship with Ryan is technically my first serious relationship ever in my whole life.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Judy Ann.

Taong 2009 ng maikasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ito ay sa pamamagitan ng isang private wedding ceremony sa San Juan de Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas.

judy ann santos at ryan agoncillo wedding

Image from Judy Ann Santos-Agoncillo’s Instagram account

BASAHIN:

LOOK: Judy Ann Santos sinamahan ang mga anak na si Luna at Lucho na magpabakuna laban sa COVID

Judy Ann Santos on Yohan: “Hindi ka basta saling kit-kit dito, you started this family”

Ryan Agoncillo on Yohan’s adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Ang sikreto sa matatag na relasyon nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Sa ngayon bilang mag-asawa ay hindi umano naaalis na may mga hindi pagkakaintindihan sina Ryan at Judy Ann. Pero may isang sikreto sila kung bakit sa kabila ng mga misunderstandings na ito ay masaya at matatag parin ang pagsasama nila.

“It’s really the communication. You communicate whether you feel bad about your partner, you feel sad, at your happiness.

Importante kasi siya. Kasi you can’t keep everything and expect something good will come out from it. Mas lalong lumalaki, mas lalong magkaka-issue na dapat naman puwedeng wala if you only communicated properly. Kahit masakit ‘yong sasabihin mo, communicate. Kahit gaano ka kasaya, communicate.”

Dagdag pa nga ni Judy Ann, sa tuwing sinusubok ng problema ang pagmamahal niya para sa mister na si Ryan ay ito lang ang lagi niyang itinatanong sa sarili niya.

“Whatever issues would come along the way, ang tinatanong ko lagi sa sarili ko, its I can live with Ryan but more I cannot live without him.

Nandoon ako ‘di ba sabi nila huwag mong hanapin yung lalaki na kaya mong makasama. Hanapin mo ‘yong lalaki hindi mo kayang hindi mo makasama.”

Ito ang sabi pa ni Judy Ann Santos sa sikreto ng masayang pagsasama nila ng mister na si Ryan Agoncillo.

judy ann santos at ryan agoncillo

Image from Judy Ann Santos-Agoncillo’s Instagram account

Judy Ann at Ryan sa usaping pera: “Ang pera ko, pera ko. Ang pera mo, pera ko.”

Pagdating sa usaping pera, may napagkasunduan na raw sina Judy Ann Santos at Ryan noon pa man kahit mag-boyfriend-girlfriend pa lang sila.

“Even before pa kahit noong bagong kasal kami, ang usapan namin “sa pagsasama natin ang pera ko, pera ko. Ang pera mo, pera ko,” natatawang kuwento ni Judy Ann.

“We have a joint account for the expenses at home. Then ‘yong gastos niya for his hobbies everything sa kaniya ‘yon as long as he gives what you have to give for the tuition fees and everything else in between.”

Ito ang dagdag pa ni Judy Ann na sinabing sa arrangement na ito ay hindi minsang naging isyu ang pera sa kanila.

 

YouTube

Partner Stories
Why and how to protect your baby’s skin, according to Pediatricians and Dermatologists
Why and how to protect your baby’s skin, according to Pediatricians and Dermatologists
Smart Padala brings the SENDali experience to Filipinos with its widest and most accessible network of over 60,000 agent touchpoints nationwide!
Smart Padala brings the SENDali experience to Filipinos with its widest and most accessible network of over 60,000 agent touchpoints nationwide!
From bottle to breast: Can you re-start breastfeeding?
From bottle to breast: Can you re-start breastfeeding?
Mega Global celebrates 3rd National Sardines Day with successful Mega Bigay Sustansya Program, business updates and first-ever Mega Sardines Piso Sale
Mega Global celebrates 3rd National Sardines Day with successful Mega Bigay Sustansya Program, business updates and first-ever Mega Sardines Piso Sale

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Judy Ann sa mister na si Ryan Agoncillo: “When Ryan came along I saw that this is the life that I'm missing. This is the life that I want.”
Share:
  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.