#SanaAll: Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo celebrate their 13th wedding anniversary!

Nanatiling matibay ang 13 taong pagsasama nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo, na pinagdiwang ang kanilang wedding anniversary!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

‘Sana all!’ ‘Yan ang naging reaksyon ng mga netizens sa celebrity couple na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann-Santos Agoncillo dahil lampas isang dekada na silang nagsasama. Pinagdiwang nina Judy Ann at Ryan ang kanilang ika-13 wedding anniversary.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Mensahe nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa isa’t isa
  • Love story nina Juday at Ryan

Mensahe nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa isa’t isa

Masayang binati ng mag-asawang si Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos-Agoncillo ang kanilang ika-13 anniversary mula nang ikasal.

Sa Instagram account ni Ryan Agoncillo, pinost niya ang black and white mirror-selfie nila ni Juday kung saan nilagyan niya ito ng caption na, “13”.

Kasama sa kanilang selfie ang larawan noong araw na mag-propose si Ryan sa kanyang misis na si Juday. Nagbiro pa si Juday sa comment section na bakit daw hindi siya nakaporma noong araw na ito.

“Hanggang ngayon iniisip ko pa rin… bakit ba pantulog ang sinuot ko at hindi ako nag tube nung gabing nag propose ka!?”

Bumati naman sa comments section ang mga ilang malalapit sa kanilang kaibigang artista. Ang co-host ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga na si Maine Mendoza ay nagpaabot din ng pagbati.

“Yeeee happy anniv, Kuya Ry and Ate Juday!”

Hindi rin nagpahuli si Angelica Panganiban sa pagbati sa mag-asawa,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang mga ka idol idol happy anniversary ate and kuya.”

Sa stories ni Ryan Agoncillo, makikita ang ilan pa sa pagbati ng mga kaibigan. Kabilang dito ang mga larawan nila through the years na magkasama ni Juday.

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

Sa Instagram account naman ni Judy Ann Santos-Agoncillo, mga throwback pics naman ang kanyang ginamit upang ibahagi sa followers niya ang ika-13 anibersaryo ng kanilang kasal. Ang mga larawang ito ay mula pa noong taong 2009.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinabi niya rito na dalawang taon na lang daw at magdadalawang dekada na silang nagsasama dahil 18 years na mula nang maging karelasyon niya ang ngayong mister na niyang si Ryan Agoncillo.

Para kay Juday, isa raw ito sa mga pinakamagandang blessing at desisyon  na nagawa niya sa buhay niya.

“13 years married.. 18 years together.. 2 years na lang, 2 dekada na tayong magkapiling.. best decision ever! Through ups and downs, back pains and stiff necks.. life with you and our little ones.. will always be my greatest blessing.. i love you with all my heart.. @ryan_agoncillo

Nagbiro naman si Ryan sa comment section na ang ‘back pains’ daw ang nagdala sa buong caption nito ni Juday. 
Tulad ng post ni Ryan, marami rin ang nagpaabot ng pagbati sa post nito ni Juday. Ang kumare ni Juday na si Jolina Magdangal ay humiling ng mas marami pang taon ng pagsasama,

“Mare ko!!!! Happy happy Anniv sa inyo ni Rye!!!! More more more years together forever!”

Kabilang din sina Angel Locsin, Kiko Pangilinan, Ogie Alcasid, Marian Rivera, at Vina Morales sa bumati sa mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Ryan Agoncillo

BASAHIN:

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ibinangon ang negosyo: “Kahit po matulog kami sa tindahan, huwag lang magsara”

Kyla kay Rich Alvarez sa kanilang anniversary: “11 years after, you still love me the same, take care of me the same.”

Dani Barretto kay Xavi Panlilio sa kanilang 3rd wedding anniversary: “I’m so blessed to have such a supportive and loving husband.”

Larawan mula sa Instagram account ni Ryan Agoncillo

Love story nina Juday at Ryan

Sa kuwento ni Ryan Agoncillo, una raw nagtagpo ang kanilang landas ni Judy Ann sa isang photoshoot nang imbitahan si Ryan ng isang photographer taong 2001. Sa sandali raw na nakita niya si Juday ay huminto siya at bumati sa dalaga. Tiyaka niya raw na-realize na hindi nga pala sila magkakilala o nagkikita pa.

Taong 2004 nang unang magsimula ang love story ni Juday at Ryan Agoncillo. Pareho nilang pinagbibidahan ang fantasy serye na Krystala noong mga panahong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2005 naman nang maisapubliko nila ang kanilang relasyon hanggang sa umabot sa kasakulukuyang taon.

Tatlong taon ang nakalipas nang maging engaged ang dalawa. Makalipas lamang ang isang taon ay ikinasal sila sa San Juan, Batangas, ika-28 ng Abril 2009.

Mula nito ay biniyayaan sila ng tatlong supling, sina Yohan, Lucho at Luna.

Sa ngayon, bukod sa kanilang pagiging busy sa showbiz ay may negosyo ring hinahawakan ang mag-asawa. Magkasama nilang pinapatakbo ang Angrydobo kung saan nago-offer sila ng mga iba’t ibang klase ng mga Filipino dishes.

Kahit naapektuhan ng pandemic ang kanilang negosyo ay nanatiling matatag sina Judy Ann at Ryan. Hindi nila sinukuan ang kanilang food business para na rin mapanatili ng mga staff ang kanilang trabaho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva