Judy Ann Santos hindi pinapalampas ang mga bashers niya na pati pamilya niya ay idinadamay sa mga hurtful comments nila.
Mababasa sa artikulong ito:
- Apela ni Judy Ann Santos sa mga bashers niya.
- Epekto ng social media sa mga relasyon at pagsasama ayon sa mga aktres na sina Meryll Soriano at Judy Ann Santos.
Apela ni Judy Ann Santos sa mga bashers niya
Nakapag-usap at nakapag-bonding ang mga aktres na sina Judy Ann Santos at Meryll Soriano. Ito ay sa pamamagitan ng vlog ni Meryll na may episode na “Dear Mama Meme”.
Sa kanilang pag-uusap ay binalikan nila ang buhay nila noong sila ay mga child stars pa lang at paano naging masaya ang kabataan nila. Pati na ang pagkukumpara sa ugali ng mga kabataan ngayon at noon ng dahil sa epekto ng social media.
Kuwento ni Judy Ann, napalaki ng pagkakaiba ng buhay ngayon kumpara noon. Dahil noon mas bonded umano ang relasyon nila ng nakakasama niya sa trabaho at kaniyang mga kaibigan. Higit sa lahat may respeto sa isa’t isa pati na sa iba pang mga tao sa paligid nila.
“Bonded talaga ng husto, ‘yong respeto sa isa’t isa. Saka kapag sinabi mong sikreto, ngayon kasi kapag sinabi mong sikreto, weh? ‘Yong sinabi mong atin lang ‘to ha asahan mo nasa Instagram stories ‘yan.”
Ito ang isa sa nakitang pagkakaiba at epekto ng social media sa buhay natin ngayon ayon kay Judy Ann.
Kung puwede nga lang, dagdag ni Judy Ann ay nais niyang dalhin sa buhay noon ang mga kabataan ngayon. Partikular na nga ang mga bagong artista ngayon na malayong-malayo sa kung paano sila umarte o umasal noon.
“How I wish may time machine na puwede mong dalhin ‘yong mga kabataang artista ngayon to noon. Masyado nang nadidikta ng social media ‘yong mga bagets lately or actually kahit hindi bagets.”
Ito ang sabi pa ni Juday.
Image from The Philippine Star
Judy Ann Santos hindi palalampasin ang mga mamba-bash sa pamilya niya
Isa pa sa pinuntong negatibong epekto ng social media sa ngayon, base kay Juday ay ang mga hindi mapigilang komento ng mga netizens sa mga post o updates mo sa buhay.
Lalo na sa tulad niyang artista na hindi maiiwasang makabasa ng mga komento na nakakasakit sa damdamin niya partikular kung ito ay tungkol sa kaniyang pamilya.
“Kapag pamilya kasi ang tinira, kapag pamilya ang kinanti nakakalabas ng sungay talaga.”
“Being a celebrity apart from your privileges, you are also sensitive to a lot of things lalo na when it comes to your family.
Kasi nga ‘yong family part hindi naman ‘yon ‘yong part na kailangan ipangalandakan mo sa buong mundo. Kailangan mo rin ng slight privacy.”
Ito ang sabi pa ni Juday. Pero sa kabila nito ay natutuwa at nagpapasalamat din siya sa mga taong nandyan rin naman para protektahan at ipagtanggol siya.
“May mga tao na would also come to the rescue na ide-defend ka rin nila. Kasi naiintindihan rin nila na nanay ka, na tao ka lang, na nagkakamali ka lang din.”
Image from Judy Ann Santos’ Facebook account
Dito naman nag-share si Meryll kung paano niya iniwasan ang negative side na ito ng social media. Dahil ayon kay Meryll, 2018 palang ng i-off niya na ang comments section sa kaniyang Instagram account.
Isang hakbang na ginawa niya para ma-protektahan ang sarili sa mga bashers na maaring makasama sa mental health niya.
“Wala ako pakialam sa opinyon ng iba. Because you have to protect yourself. Kahit sabihin mong thick skin tayo sa pinagdadaanan natin, ‘yong words.
Kasi kahit ano pang sabihin ninyo nakaka-affect siya ng mental health. Kasi nga hindi naman ako okay, krung-krung ako. Baka mamaya ‘pag may mania ako makipag-away na ako.”
Ito ang sabi naman ni Meryll kung paano niya naiiwasang makabasa ng mga pamba-bash na alam niyang hindi niya magugustuhang malaman.
BASAHIN:
LOOK: Judy Ann Santos sinamahan ang mga anak na si Luna at Lucho na magpabakuna laban sa COVID
Meryll Soriano on depression: “2 days akong hindi makabangon—kahit pag-ihi, ayokong umalis ng kama”
Paano maiiwasan ang masamang epekto ng social media sa iyong anak?
Pero maliban sa bashers, isa pa daw challenge para mga celebrity moms sa ngayon ay ang epekto rin ng social media sa mga anak nila. Kaya naman si Judy Ann at Meryll hindi nagsasawang paulit-ulit na magpaalala at kausapin ang kanilang mga anak.
Ipinunto rin nila na hindi porket magulang ka ay hindi ka na dapat makinig sa iyong anak. Dahil sa mga nangyayari ngayon lalo sa napakaraming bagay na mayroon silang access gaya ng social media ay hindi na natin alam ang tumatakbo sa isip nila. At iba-iba ang paraan sa kung paano dapat tratuhin o kausapin ang bawat bata.
“As parents, I don’t think that we know it all. Hindi,” sabi ni Meryll.
“Bawat bagets na iniluwal mo, iba-iba ng proseso, iba ibang tao. Iiisa yung pinanggalingan pero iba’t-ibang personality.”
Ito ang sabi naman ni Judy Ann.
Agree ka ba sa sinabi nila?