Judy Ann Santos sa sikreto ng masayang pagsasama nila ni Ryan Agoncillo: “We already know how to deal with each other's issues”

Kuwento ni Juday isa sa life-saver ng pagsasama nila sa araw-araw ay ang pagkakaroon ng kaniya-kaniyang kumot sa tuwing matutulog na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Judy Ann Santos Ryan Agoncillo relationship ito umano ang sikreto para manatiling maayos at masaya ang kanilang pagsasama.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Judy Ann Santos Ryan Agoncillo relationship.
  • Sikreto sa pagsasama ni Ryan at Judy Ann.

Judy Ann Santos Ryan Agoncillo relationship

Labing apat na taon na rin o 14 years ng kasal ang celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Ang tagal ng kanilang pagsasama at pagkakaroon ng tahimik na pamilya ang hinahangaan ng marami. Lalo na’t sa mundo ng showbizness ay laging nakakatutok ang mata ng masa at hindi na nakakabigla ang balita ng paghihiwalay sa mga artista.

Pero ang relasyon nina Judy Ann at Ryan ay kakaiba. Sa pagdaan nga ng panahon ayon kay Judy Ann ay mas tumibay pa ang pagsasama nila.

Isa sa mga bagay na binibigyang halaga ng mag-asawa ay ang pagbibigay ng maayos na tulog sa isa’t-isa. Sa panayam nga kay Judy Ann ni Boy Abunda ay ibinahagi niya ang isa sa mga sikreto ng pagsasama nila.

Simple ngunit malaki daw ang impact nito sa magiging mood nila sa araw-araw bilang mag-asawa. Ito daw ang pagkakaroon nila ng kaniya-kaniyang kumot sa tuwing matutulog sa gabi. Ito ang paliwanag ni Juday kung bakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kasi ‘pag magka-share kami ng kumot, naaagawan ko siya ng kumot. Tapos, aagawin niya sa akin, magigising ako. So, sira na ‘yung tulog namin. Pag gising namin, bad trip na kami pareho.”

Ito ang nangingiting kuwento ni Juday.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos-Agoncillo

Sikreto sa pagsasama ni Ryan at Judy Ann

Pag-amin pa niya, may mga naging pag-aaway o hindi rin sila pagkakaintindihan ni Ryan. Pero sa tagal ng panahon at pagiging mature nila ay natutunan nilang mag-adjust at mapakisamahan na ang isa’t-isa.

“It was never naman ‘yong dumating sa point na ‘ay happy na forever.’ Hindi naman. Trinabaho naman din namin sya. Step by step, a little at a time.

Through the years, nag-mature na rin kami, alam na namin makipag-usap sa bawat isa, we already know how to deal with each other’s issues.”

Ito ang sabi pa ni Juday na sikreto ang number one secret sa relasyon nila Ryan ay ang pagkakaroon ng maayos at open communication sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos-Agoncillo