X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Vien Iligan at Junnie Boy, ini-reveal na ang gender ng kanilang second baby!

5 min read

Vien Iligan at Junnie Boy ibinahagi ang baby gender reveal party ng kanilang pangalawang anak. Ang masayang balita, ibinahagi ni Junnie Boy at Vien sa kanilang pamilya, kaibigan at mga fans.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Vien Iligan at Junnie Boy baby gender reveal
  • Pagbubuntis ni Vien Iligan
  • Relasyon nina Vien at Junnie Boy

Vien Iligan at Junnie Boy baby gender reveal

vien ilagan at junnie boy baby gender reveal party

Larawan mula sa Facebook account ni Vien Iligan

Kahapon ay ibinahagi ni Vien Iligan ang naging masayang baby gender reveal party nila ng mister na si Junnie para sa kanilang pangalawang anak. Ang party ginawa sa bakuran ng Team Payaman family na dinaluhan nila at ng kanilang mga magulang at kaibigan.

Sa pagsisimula ng vlog ay nagbigay ng kanilang guess at wish ang mga miyembro ng Team Payaman sa gender ng ipinagbubuntis ni Vien. Ang anak nilang si Mavi, girl ang guess na gender ng kaniyang kapatid. Si Junnie Boy, girl din ang hula dahil sa ikinikilos daw ni Vien.

“Girl ‘yan kasi masungit e. Kapag masungit daw ang babae, girl daw yan.”

Ito ang natatawa niyang sabi. Habang para naman kay Vien kahit ano ang gender ni baby okay lang. Pero sana hiling niya ay baby girl na ang ibigay sa kanila.

“Gusto ko girl. Pero kahit ano naman kami ni Junnie, Kapag lalaki ibig sabihin magagamit ko na ‘yong word na sige magsaksakan kayo. Ang daming kutsilyo diyan sa likod.”

Ito ang pabiro pang sabi ni Vien.

Si Cong TV o ang kuya ni Junnie na si Lincoln Velasquez ay nagbigay rin ng guess niya sa gender ng pamangkin.

“Kung tatanungin mo ako kung anong gusto ko, girl. Pero kung tatanungin mo ako kung anong pakiramdam ko, boy.”

Ito ang sabi ni Cong na sinundan niya pa ng isang biro, “Ako ang feng shui ng mga gender reveal.”

Nang tanungin naman si Cong kung bakit boy ang tingin niyang magiging gender ng baby ni Vien at Junnie Boy, ito ang sagot niya.

“Kasi ‘yon ‘yong ayaw ng karamihan. Kasi kung ano ‘yong iniisip na ayaw, ayun ‘yong lumalabas.”

So si Tito Cong, team girl talaga para sa second baby ng kaniyang kapatid.

vien ilagan at junnie boy baby gender reveal party

Larawan mula sa Facebook account ni Vien Iligan

Pagbubuntis ni Vien Iligan

Sa actual gender reveal party ay hindi nga magkamayaw sa saya sina Vien at Junnie Boy. Lalo na ng naglabasan na ang pink confetti at powder sa ginawang party. Si Vien at Junnie napatalon sa tuwa ng malamang “girl” ang second baby nila.

Sa parehong vlog, noong Father’s Day ay inaya rin ni Vien na kumain sa labas si Junnie Boy. Pero imbis na sosyal na restaurant ay sa karinderya dinala ni Vien si Junnie. Dahil paliwanag ni Vien ito daw ang kinahihiligan niya ngayong buntis siya.

“Ang aking pagbubuntis nagki-crave ako sa mga lutong bahay, lutong ulam mga karinderya ‘yan. Mas gusto ko ‘yan kaysa sa mga fast food.”

Ito ang sabi ni Vien.

Si Vien ngayon ay 3 months pregnant na. Pagbabahagi niya sa parehong vlog ay hindi siya nagbibigay ng masyadong update sa kaniyang pagbubuntis dahil ayaw niya ‘ma-jinx’.

Ang pagbubuntis ni Vien ay ibinahagi nila ni Junnie sa publiko nito lamang nakaraang buwan. Sa pamamagitan ng kanilang YouTube vlog ay ibinahagi nila kung gaano sila kasaya sa napakagandang balita at dagdag na miyembro ng kanilang pamilya.

“Ang tagal naming inintay ito, as in, ang tagal naming hinintay na magkaroon ng kapatid si Maverick. Ang saya ko. Magkakapatid na si Maverick.”

Ito ang masayang pagbabahagi ni Vien tungkol sa pagbubuntis sa kaniyang second baby.

BASAHIN:

Chito Miranda kung papaano napasagot si Neri Naig: “Trinato ko siya bilang prinsesa”

Viy Cortez ipinasilip ang laman ng hospital bag para sa kaniyang panganganak

Viy Cortez nagdesisyon na sumalang sa Caesarean section delivery: “Natatakot ako na mag-normal.”

Relasyon ni Vien at Junnie Boy

Vien Iligan at Junnie Boy, ini-reveal na ang gender ng kanilang second baby!

Larawan mula sa Facebook account ni Vien Iligan

Ang kasal ni Vien at Junnie Boy ay inabangan at sinubaybayan rin ng maraming netizens. Ito ay naganap nito lamang Abril na kung saan ayon kay Vien ay matagal niya ng hinintay. Ito daw ay isang pangako na ginawa ni Junnie na talaga nga namang tinupad niya.

Sa isang mensahe ni Vien para kay Junnie Boy sa naganap nilang kasal ay binalikan niya ang tagpo noong nalaman niyang buntis siya sa panganay niyang si Mavi. Doon inalala niya rin kung paano tinanggap ni Junnie ang responsibilidad ng pagiging isang ama.

“Naalala ko nung nalaman natin na buntis ako kay Mavi, iniisip ko palang paano tayo ano mangyayari satin, ang sabi mo sakin ikaw ang bahala, magtiwala ka lang. Hindi kita papabayaan. ‘Yan ang palagi mong sinasabi sa’kin.”

“Ngayon may 3 years old na tayong anak na makulit, pogi , malusog, matalino at mabait na anak. Alam mo, na-realize ko na binigay sa atin ng maaga si Mavi para maging responsable magulang sa murang edad. Iparanas na hindi ganon kadali ang buhay.”

Sa ngayon ay higit sa apat na taon na ang pagsasama ni Junnie Boy at Vien. At nalalapit na silang maging “Big 4” sa mga susunod na buwan pagdating ng kanilang baby girl.

Congrats Vien at Junnie Boy!

YouTube

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Vien Iligan at Junnie Boy, ini-reveal na ang gender ng kanilang second baby!
Share:
  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.