Mga magulang, narito ang mga dapat niyong malaman tungkol sa K to 12 program ng edukasyon dito sa Pilipinas.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ilang taon mag-aaral ang bata sa ilalim ng K to 12 program?
- Mga kaalaman tungkol sa K to 12 program
- Mas makakabuti ba ito para sa mag-aaral?
Taong 2011 na magsimulang ipatupad ang matagal nang pinaplanong pagbabago sa programang pang-Edukasyon ng Department of Education (DepEd) sa Pilipinas na tinatawag na K to 12 Program.
Gamit ang programa ng mga kanluraning bansa bilang modelo. Ang bagong learning scheme na ito ay ang K to 12 basic education program.
Maraming miyembro ng akademiya, mga estudyante at mga magulang ang unang tumatanggi sa pagbabagong ito kahit noon pa lamang iminumungkahi ito.
Para sa mga magulang at mga estudyante, dagdag gastos ito dahil tatagal ang ilalagi ng isang bata sa eskuwelahan. Para naman sa mga administrador ng mga paaralan, napakalaki at napakalalim ng kakailanganing reporma. Ganoon din ang pagsasaliksik para matugunan ang requirements ng K to 12 program.
Ngunit sa kabila ng mga pagtutol at pag-aagam-agam, naituloy rin ang mahalagang pagbabagong ito sa Philippine education maging pridado o pampublikong paaralan man ito.
Mula sa pagsisimula ng implementasyon ng kinder program noong 2012. Huling naipatupad ang implementasyon ng Grade 12 noong 2017 at tuluy-tuloy na ginagamit ng mga paaralan ngayon.
K to 12 Program
Ang DepEd ang nagpapatupad at namamahala ng edukasyong K to 12 simula nang pormal itong itinalaga noong 2013. Sila ang may eksklusibong pamamahala sa mga pampublikong paaralan, at regulasyon para sa pribadong paaralan.
Ang pangunahing pagkakaiba ng K to 12 program sa dating programa ng edukasyon ay ang tagal ng ilalagi ng estudyante sa pag-aaral.
Mula noong taong 1945 hanggang 2011, mayroong 10 taon ang basic education sa Pilipinas —6 na taon sa elementarya at 4 na taon para sa high school.
Sa implementasyon ng programang K–12 ng DepEd, Kindergarten Education Act ng 2012 at Enhanced Basic Education Act ng 2013. Naging 13 taon na ang basic education ngayon.
Isang taon ang para sa kindergarten, 6 na taon para sa elementarya, 4 na taon para sa junior high school at 2 taon para sa senior high school. Para sa mga mag-aaral mula edad na 5 hanggang 17 taong gulang.
Bakit nga ba itinulak ng pamunuan ng DepEd ang K to 12 curriculum?
Ayon sa pamunuan ng DepEd, dumaan sa masusing pag-aaral ang pagbabagong ito sa programa ng edukasyon sa Pilipinas. Sinasabing isa sa mga kabutihan na dulot nito ay ang pagbibigay ng pagkakataon para sa mga estudyante na mahasa sa iba’t ibang larangan ng espesiyalisasyon. Makakatulong din sa kanila para makahanap ng trabaho sa hinaharap.
Ang pag-aaral sa kindergarten at 12 taon ng basic education ay layong magbigay ng sapat na panahon para mas matutunan at mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga konsepto at skills; na kinakailangan para sa tertiary education o kolehiyo at unibersidad, pati na sa pagtatrabaho at pagnenegosyo.
Ayon sa DepEd, ang Pilipinas ang pinakahuli sa mga bansa sa Asya na nagpapatupad pa ng 10-taong basic education. Ang 13 taong programa ay sinasabing pinakamabisang haba ng panahon para lalong mapaigting ang pagkatuto ng mga bata.
Ganito na rin kasi ang programa sa mga bansang maunlad sa buong mundo.
Ang K to 12 program ay nahahati sa Kindergarten, Primary Education, Junior High School, at Senior High School.
Ano nga ba ang kabutihang dulot ng bagong sistemang ito?
Narito ang mga bagay na maaasahan sa K to 12 program ng DepEd:
- Pinapatibay at pinapahalagahan ang Early Childhood Education sa Kindergarten. Ang unang 6 na taon ng isang bata ay ang mga kritikal na taon para sa brain development.
- Idinagdag sa curriculum ang makabuluhang life lessons tulad ng discussion at pag-aaral tungkol sa Disaster Risk Reduction, Climate Change Adaptation, at Information & Communication Technology (ICT), na sadyang mahalaga sa mga mag-aaral na Pilipino.
- Seamless Learning o Spiral Progression. Ang pag-uulit ng pag-aaral ng mga konsepto at aralin mula pinakasimple hanggang sa pinakakomplikado, sa bawat grado o baitang. Inaayon ito sa edad ng mga mag-aaral, kaya’t mas maiintindihan at maaalala ang bawat aralin.
BASAHIN:
Need magprint ng school module? 5 best budget printer na mabibili online (starting from ₱1,900)
5 tips to survive and thrive in homeschooling your little one
- Itinuturo ang mga aralin gamit ang sariling wika, o tinatawag na Mother Tongue-Based Multilingual Education sa unang 3 baitang. Bago ituro ang ikalawang wika tulad ng English. May 12 mother tongue languages na sinimulang gamitin sa pagtuturo noong 2012-2013: Bicolano, Cebuano, Chavacano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Maguindanaoan, Maranao, Pangasinense, Tagalog, Tausug at Waray. Idinagdag din ang Aklanon, Ibanag, Ivatan, Kinaray-a, Sambal, Surigaonon at Yakan ng sumunod na taon.
- May 7 learning areas at 3 ares of specialization na maaaring pagpilian ang mga mag-aaral. Para sa senior high school, ang 2 taon ng specialized upper secondary education. Ang Core curriculum learning areas ay languages, literature, communication, mathematics, philosophy, natural sciences at social sciences.
- Itinuturo ang information, media at technology skills, learning at innovation skills, communication skills at life at career skills. Para lumaking handa sa lahat ng pagsubok lalo na bilang isang adult.
Anong ang pagbabago sa high school?
Junior High School ang tawag sa dating 4 na taon ng high school. Ang Senior High School naman ang ika-11 at ika-12 taon, na naghahanda sa mga kabataan para sa kanilang pagtatrabaho. Ito ang specialized upper secondary education, na binabase sa kakayahan at interes ng isang mag-aaral.
Maaari na silang mag-apply ng TESDA Certificates of Competency (COCs) at National Certificates (NCs) para makapagtrabaho ng ayon sa kakayahan nila. May technical, vocational at entrepreneurship courses na pagpipilian.
Kung nais pa nilang magpakadalubhasa, maaari nilang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Sa tulong ng Commission of Higher Education (CHED), magiging sapat ang kaalaman at kakayahan ng isang mag-aaral na nakatapos ng Senior High School. Para makapagtrabaho na ng bokasyonal o magnegosyo, o magtuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.
May mga maaaring piliin para sa specialization, o “specific tracks” o patutunguhan ng espesyalisasyon. Ito ang mga sumusunod:
- Academic (para sa mga may balak mag-aral ng kolehiyo): Accountancy, Business & Management (ABM), Humanities & Social Sciences (HUMSS) Science, Technology, Engineering & Mathematics (STEM), General Academic Strand (GAS).
- Technical-Vocational-Livelihood, ang para sa technical at vocational learning. Kasama ang Home Economics, Industrial Arts, Agricultural at Fishery Arts, Information, at Communications Technology,
- Arts and Design
- Sports
Sinasabing makakatulong ang K to 12 program para maihanda ang mga Pilipinong mag-aaral para sa mas mabuting kinabukasan. Sapagkat mas matibay ang pundasyon nito.
Kapag nagtapos na ng Grade 10 at 12, mayroon nang mga certification na maaring matanggap ang estudyante. Makakatulong ito na para makakuha siya ng trabaho.
Ayon sa mga guro at mga mag-aaral na rin na nagsimula na ng K to 12 program sa kanilang mga paaralan. Isa sa mga kabutihan nito ay ang pagkakaroon ng mga asignatura at practical lessons na nagagamit ng mga mag-aaral sa araw-araw na pamumuhay. Ang mga aralin ngayon ay may practical application na, ika nga.
At dahil nga mas maraming taon ang pag-aaral at paghahanda, mas nagiging competitive ang Pilipino kapag nag-aaply sa ibang bansa. Sunod na kasi sa education requirements na pang-international, na higit sa 10 taon. Base nga sa programa sa mga mauunlad na bansa.
Bagama’t naging mahirap sa umpisa, naging matagumpay rin ang implementasyon ng K to 12 program sa bansa. Subalit dahil sa pandemya, may panibago na namang pagsubok na kinaharap ang DepEd, mga estudyante pati na rin mga magulang – ang implementation ng online classes.
Subalit kahit ano pa man ang paraan ng pag-aaral ng mga bata, paniguradong malalagpasan at mapagtatagumpayan nila ito. Sa tulong ng kanilang mga masisipag na guro at paggabay nating mga magulang.
Source: