Alam mo bang may prutas na bukod sa available halos anytime ay marami ring benefits? Narito ang iba’t ibang kabutihang naidudulot ng apple sa katawan ng tao.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Makakatulong umano ang pagkain ng apple sa isang araw sa mental health
- Kabutihang naidudulot ng apple sa katawan
Makakatulong umano ang pagkain ng apple sa isang araw sa mental health
Hindi lang naman gulay ang dapat parating i-consume ng tao upang maging healthy ang kanyang pangangatawan. Malaking tulong din ang pagkaing ng iba’t ibang prutas. Isa sa affordable at madaling mabili anytime ay ang apple. Beneficial daw kasi ito both sa physical and mental health ng tao.
Sa pag-aaral na matatagpuan sa British Journal of Nutrition sa pangunguna ng Aston University ay nakita nila ang iba’t ibang dulot ng pagkain ng prutas. Sa pamamagitan ng pagsurvey sa 428 na adults sa United Kingdom ay sinubukan nilang tignan ang epekto nila sa psychological health ng tao. Kabilang sa kanilang tinignan ang consumption ng food snacks, gulay, at syempre prutas.
Matapos makuha ang iba’t ibang factors tulad ng age, exercise, at general health nakita nila ang resulta ng pag-aaral. Nalaman nilang ang may pinakamalalang epekto sa mental health ay ang mga food snacks na ‘nutrient-poor’.
Inilarawan nila ito bilang pagkakaroon daw araw-araw ng ‘everyday mental lapses’. Mas mataas daw kasi ang bilang ng mga adult sa survey na may kabuuang lower mental wellbeing dahil sa pagkakaroon ng sintomas ng anxiety, stress, at depression.
Dagdag pa ng lead author na si Nicola-Jayne Tuck,
“Very little is known about how diet may affect mental health and wellbeing, and while we did not directly examine causality here, our findings could suggest that frequently snacking on nutrient-poor savoury foods may increase everyday mental lapses, which in turn reduces psychological health.”
Nakagugulat naman na wala raw direktang epekto ang gulay sa psychological health ng tao na kanilang pinag-aralan. Marami na raw kasi ang nag-aral sa epekto ng both fruits and vegetables. Sa kanilang research, sinubukan naman nilang ipaghiwalay ang dalawa.
“Other studies have found an association between fruit and vegetables and mental health, but few have looked at fruit and vegetables separately — and even fewer evaluate both frequency and quantity of intake.”
Bakit walang direktang epekto ang gulay sa mental health ng tao?
Sa pagpapaliwanag ng mga researcher, bagaman mayaman sa antioxidants, fiber at iba pang nutrients para sa brain may factor daw kung bakit ito nangyayari. Ang una na diyan — dahil sa pagluluto. Nawawala raw ang nutrients na ito sa nasa gulay sa tuwing iniluluto na kaya hindi rin natutulungan nang lubos ang psychological health.
Sa kabilang banda, natagpuan naman nila ang malaking tulong ng prutal sa mental wellbeing ng mga participants. Sa kadahilanang madalas daw kasi na kinakain ang prutas nang hilaw. Ibig sabihin hindi ito niluluto kaya nananatili ang nutrients na kailangan ng brain ng tao upang maging healthy.
Nag-iwan naman sila ng rekomendasyon na magkaroon ng limitasyon sa processed snack foods. Makakatulong daw kasi ito upang maimprove ang overall healthy ng tao.
“It is possible that changing what we snack on could be a really simple and easy way to improve our mental wellbeing. Conversely, it is also possible that the forthcoming restriction of processed snack foods at checkouts, due to come in this October, could not only improve the country’s physical health, but mental health too.”
Kabutihang naidudulot ng apple sa katawan
Dahil nga very convenient ang apple, narito ang iba pang kabutihang naidudulot ng apple sa katawan ng tao:
Good for cardiovascular health.
Nakita na rin sa ilang pag-aaral ang koneksyon ng apple sa pagpapababa ng heart disease. Mayroon kasing tinatawan na soluble fiber ang apple. Nakatutulong ito upang mapababa ang blood cholesterol levels ng isang tao. Bukod dito mayroon ding polyphenols ang prutas na nakakababa sa blood pressure.
Lowers the risk of cancer.
Isa sa kabutihang naidudulot ng apple sa katawan ay ang paglaban nito sa certain types ng cancers tulad ng breast at lung cancer dahil sa antioxidants na mayroon ang apple. Ang polyphenols din na mayroon ang prutas ay maaaring labanan ang pagdami ng cancerous cells sa katawan.
Full of nutrients.
Siksik din ang prutas na ito sa iba’t ibang nutrients. Naririyan ang 104 calories, 28 grams of carbs, at 5 grams of fiber. Mayroon ding 10% ng daily value na vitamin c, 5% potassium, at 4% sa Vitamin K. Ito ay sa bawat isang medium sized na apple.
Helps in weight loss.
Dahil nga mayaman sa fiber at water ang prutas na ito nama-manage nito ang iyong appetite. Nagdudulot ito ng pagbawas ng iyong pagkain dahil nabubusog ka kaagad sa isang apple pa lamang.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!