Lumabas sa bagong pag-aaral ng mga eksperto na malaki raw ang advantage na nakukuha ng pagtulog nang sapat upang maging healthy ang ating puso.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Advantage ng pagtulog para sa puso, ayon sa pag-aaral
- Sawa nang masaktan ang puso? Narito ang mga healthy foods na good for the heart!
Advantage ng pagtulog para sa puso, ayon sa pag-aaral
Common na ipinapayo ng mga health care professional ang pagkakaroon ng kumpletong tulog. Marami kasi ang maaaring makuhang sakit sa hindi pagkakaroon ng sapat na tulog araw-araw. Sa isang bagong pag-aaral ng American Heart Association, nakita nila na mayroong isa pang factor upang mapabuti ang kalusugan ng puso.
Heart disease ang numero unong pumapatay sa halos malaking populasyon ng buong mundo. Marami nang pag-aaral ang nagsasabing maaari raw itong maiwasan sa pagkakaroon ng healthy lifestyle. Gumawa ng panibagong pag-aaral ang American Heart Association dahil sa nakita nilang kailangan nang i-update ang mga metrics patungkol sa cardiovascular health.
“We felt it was the right time to conduct a comprehensive review of the latest research to refine the existing metrics and consider any new metrics that add value to assessing cardiovascular health for all people.”
Salaysay ni Donald M. Lloyd-Jones, ang presidente American Heart Association.
Dagdag pa niya, may kaugnayan talaga ang haba o ikli ng pagtulog pagdating sa estado ng puso ng isang indibiduwal.
“The new metric of sleep duration reflects the latest research findings: sleep impacts overall health, and people who have healthier sleep patterns manage health factors such as weight, blood pressure or risk for Type 2 diabetes more effectively.”
Dito nila rin nakita kung ano-ano ang ideal na pagtulog:
- Para sa mga adults – 7 hanggang 9 na oras ng tulog araw-araw.
- Mga batang edad 13 hanggang 18 – 6 hanggang 10 oras ng tulog araw-araw.
- Bata na 6 hanggang 12 years old – 9 hanggang 12 oras ng tulog araw-araw.
- 5 years old o mas bata pa – 10 hanggang 16 na oras ng tulog araw-araw.
Narito naman ang pitong factors pa kung paano mapapanatiling healthy ang puso at the same time ay hindi makaiwas sa kahit anumang disease.
- Diet – Maganda raw na ang isang tao ay mas madalas kumain ng gulay, prutas, nuts, low-fat dairy, at whole grains. Dapat din daw iwasan ang pagkain ng red meat, processed foods, at maging mga sweetened drinks.
- Physical activity – Kinakailangan daw ng optimal level na 150 minuto ng moderate na pag-eeherisyo kada linggo habang 75 minutes naman kung vigorous intensity activity para sa mga adult. Para naman sa mga bata, kinakailanagan ng 420 minutes kada linggo na ehersisyo.
- Umiwas ma-expose sa nicotine – Malaking epekto rin daw ang pag-iinhale ng nicotine-delivery systems sa kalusugan ng inyong puso. Kaiba sa dating pag-aaral na traditional cigarette lang ang may epekto, ngayon ay kasama na ito. Nagpaaalala rin sila sa exposure ng second hand smoke para sa parehong bata at adults.
- Body Mass Index (BMI) – Nararapat pa rin na panatilihin ang monitoring sa BMI dahil maaaring mag-lead ang pagiging overwight sa kaliwa’t kanang health problems.
- Blood lipids – Kailangan na i-monitor ay ang non-high-density lipoprotein cholesterol at hindi ang total cholesterol.
- Glucose level ng dugo – Dito naman ay sinuggest na isama na ang option ng glucose levels para sa taong mayroon man o walang Type 1 diabetes, Type 2 diabetes, o prediabetes.
- Blood pressure – Wala namang pinagkaiba sa guidelines para sa blood pressure. Optimal pa rin ang levels na mas mababa sa 120/80 mm. Habang maituturing naman na hypertension ang 130-139 mm Hg systolic pressure 0 80-89 mm Hg diastolic pressure.
Sinabi niya rin na mayroong ding iba pang factors kaya naaapektuhan ang cardiovascular health ng isang tao.
“Nonetheless, social and structural determinants, as well as psychological health and well-being, are critical, foundational factors in an individual’s or a community’s opportunity to preserve and improve cardiovascular health. We must consider and address all of these issues for people to have the opportunity for a full, healthy life.”
Ginawa raw nila ang bagong pag-aaral na ito upang lubos na makatulong sa tao at ma-improve pa ang health ng kanilang puso.
Sawa nang masaktan ang puso? Narito ang mga healthy foods na good for the heart!
Iwasan na ang pagkaing ng junk foods at alamin kung ano-anong pagkain nga ba ang healthy for your heart. Inilista namin dito ang foods na pwedeng-pwede mo isipan ng recipe kahit nasa bahay ka pa upang tuloy-tuloy ang good healthy ng psuo:
- Green leafy vegetables – Ang gulay na madahon ay kilala na hitik sa mga vitamins, antioxidants at minerals. Isa sa mga bitaminang makukuha rito ay ang vitamik K, na makatutulong para maprotektahan ang inyong arteries.
- Whole grains – Ang whole grain tulad ng brown rice, oats at quinoa ay kilala bilang refined carbohydrates. Nakatutulong ito para maiwasan ang mga heart disease.
- Avocado – Kilala ang avocado bilang source ng monounsaturated fats, na sinasabing nagpapababa ng levels ng kolesterol.
- Berries – Maraming antioxidants din tulad ng anthocyanins ang makukuha sa mga berry. Maganda ito para maiwasan ang oxidative stress at inflation. Ilan sa mga berry na madaling makuha ay ang strawberry at blueberry.
- Kamatis – Ang tomato ay isa sa mga prutas na maraming lycopene, isa ring antioxidant. Ang mga may low blood level ng lycopene ay nakitaan na may mataas na risk sa stroke at atake sa puso.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!