7 bagay na kailangang tandaan kapag nakagat ng daga o iba pang hayop

undefined

Narito ang mga tips kung ano ang dapat tandaan kapag nakagat ng daga o ibang hayop. | Lead image from iStock

Ano ba ang unang dapat gawin sa kagat ng daga o ibang hayop?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang kagat ng daga at ibang hayop
  • Dalawang uri ng kagat ng daga na nagdadala ng lagnat
  • Mga dapat tandaan kapag nakagat ng daga o ibang hayop
  • Komplikasyon kapag hindi nagamot ang kagat ng daga

Ang kagat ng daga at ibang hayop

Kilalang peste sa loob ng bahay ang mga daga. Nagdadala kasi ito ng delikadong dumi na siyang nagiging dahilan ng seryosong sakit. Kung ito ay malala, maaaring ito ay ikamatay ng isang pasyente.

kagat ng daga

Kagat ng daga at iba pang hayop: Mga kailangang tandaan | Hand photo created by aleksandarlittlewolf – www.freepik.com

May iba namang kagat ng daga na hindi delikado. Pero maaari pa rin itong ma-infect at magkaroon ng kondisyon. Kaya naman ano nga ba dapat ang kailangang gawin kapag nakagat ng daga?

Kadalasan, ang kagat ng daga ay mahirap mapansin. Maliit kasi ito at hindi agad napapansin. Saka lang siya nakikita ng mga mata kapag ito ay infected na. Nagdadala ito ng masakit na pamamaga kapag napabayaan. Ito ay maaaring kulay pula o lila na may pagkakatulad sa isang pangkaraniwang sugat.

BASAHIN:

Kagat ng ipis at daga: Panganib, lunas at pag-iwas

Paano maiiwasan ang dengue ngayong mayroong COVID-19?

LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby

Dalawang uri ng kagat ng dagang nagdadala ng lagnat

Ang kagat ng dagang ito ay maaaring magdala ng lagnat bilang sintomas. Galing din ito sa magkaibang uri ng bacteria.

1. Streptobacillary rat-bite fever

Ito ang uri ng lagnat na makikita sa North America. Mas mabilis gumaling ang sugat ng streptobacillary rat-bite fever bilang kaibahan. Tumatagal ito ng tatlo hanggang sampung araw.

Narito ang mga sintomas na kailangan mong bantayan para sa Streptobacillary rat-bite fever:

  • Pananakit ng kasukasuan
  • Pananakit ng joint
  • Rashes sa balat
  • Pagdumi
  • Pagsusuka
  • Pananakit ng ulo
  • Panlalamig
  • Lagnat

2. Spirillary rat-bite fever

Ito ang uri ng lagnat na makikita kadalasan sa Asya. Medyo mapanlinlang ang uri ng lagnat na ito dahil aakalain mong pagaling ka na subalot hindi pa.

Narito ang mga sintomas na maaaring maranasan sa loob ng isa hanggang tatlong linggo:

  • Pananakit ng kasukasuan
  • Pananakit ng lalamunan
  • Pamamaga ng lymph nodes
  • Rashes sa balat
  • Pagdumi
  • Pagsusuka
  • Pananakit ng ulo
  • Panlalamig
  • Lagnat
kagat ng daga

Kagat ng daga at iba pang hayop: Mga kailangang tandaan | Image from Freepik

Gamot sa kagat

Kung nakagat ka o ang anak mo ng daga at alam mong madumi ito, ang unang dapat gawin ay hugasan ang apektadong bahagi ng katawan ng maligagam na tubig gamit ang sabon. Pagkatuyo, lagyan agad ito ng antibiotic ointment. Saka rin lagyan ng malinis na bandage.

Kahit na hindi masyadong malala ang kagat ng daga, mas mainam pa rin na magpatingin agad sa isang doktor sa lalong madaling panahon. Ang mga kagat ng daga ay maaaring maging infectious at maging seryoso. Maaari ring irekomenda ng doktor na magpa-tetanus shot ang isang taong nakagat ng daga.

Narito naman ang mga kailangang bantayan na sintomas ng impeksyon sa kagat ng daga:

  • Nana
  • Pamamaga
  • Pamumula
  • Kapag umiinit ang apektadong parte
  • Pananakit ng mga kasukasuan
  • Lagnat
  • Panlalamig

Kung sakaling nagkaroon na ng impeksyon ang kagat na ito, maaaring bigyan ka ng iyong doktor ng antibiotics na kailangang inumin. Tatagal ito ng pito hanggang sampung araw.

Tandaan uminom lamang ng gamot na nireseta ng iyong doktor.

Narito ang mga komplikasyon kapag hindi nagamot ang kagat ng daga:

  • Pneumonia
  • Hepatitis
  • Amnionitis
  • Myocarditis
  • Pericarditis
  • Endocarditis
  • Nephritis
  • Meningitis
  • Polyarteritis nodosa

 

kagat ng daga

Kagat ng daga at iba pang hayop: Mga kailangang tandaan | Image from iStock

Kagat ng iba pang hayop

Kapag nakagat ng iba pang hayop katulad ng pusa o aso na kadalasang alaga natin sa bahay o mga hayop na pagala-gala, siguraduhin na alam natin ang ating mga gagawin.

Una, kailangan malaman natin na ang mga hayop na ito ay mga rabies na maaaring makasama sa ating kalusugan at maapektuhan ang ating utak. Maaari ring itong magdulot ng pagkamatay kung hindi malulunasan ng tama.

Kung may alagang hayop katulad ng aso at pusa mahalaga na kumpleto ang kanilang mga bakuna, lalo na ang anti-rabies.

Siguraduhin din na lagi silang malinis at hindi nakikipaghalubilo sa mga aso o pusang gala. Dito kasi nila maaaring makuha ang rabies.

Ano ba ang rabies?

Ito ay isang virus na nakakamatay tao, mula sa hayop. Maaari itong makuha kung ikaw ay nakagat ng isang hayop na may rabies.

Nalilipat din ng hayop ang rabies sa pamamagitan ng pagkalmot. Umaakyat sa utak ang rabies na dahilan kung bakit namamatay ang isang hayop o tao.

Hindi lamang tao ang maapektuhan kapag mayroong rabies, pati na rin ang mga hayop, Sapagkat maaari rin silang mamatay kapag nakakuha sila ng virus na ito.

Mga dapat tandaan kapag nakagat ng daga o ibang hayop

Narito ang mga tips kung ano ang dapat tandaan kapag nakagat ng daga o ibang hayop.

1. Kalinisan

Importante ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran. Naaakit ang mga daga, ipis o iba pang nanganganat na insekto kapag hindi ganun kalinis ang isang lugar. Palaging magwalis o magpunas ng kusina dahil rito kadalasang namamahay ang mga daga.

2. Iwasan ito

Likas na sa mga daga ang tumakbo kapag may nakita silang mas malaki sa kanila. Sa ganitong pagkakataon, mas mabuting iwasan ito imbes na lapitan at patayin.

Maaaring magambala kasi ito at tuluyang mangagat. Pwede namang maglagay ng mga mouse trap sa bahay kung alam mong may umaaligid na daga rito.

3. Linisan agad ang kagat

Kapag nakagat ka ng daga o ibang hayop, kailangan ay linisan mo agad ito. Gumamit ng maligamgam na tubig at sabon. ‘Wag kakalimutan na lagyan ito ng malinis na bandage o pantakip para maiwasang ma-expose.

4. Sugat sa kamay

Kung ang kagat ng dagang ito ay nasa iyong kamay, kinakailangan mong ipatingin aga ito sa doktor para makita kung may na-damage bang ugat. Ang agarang pagkonsulta ay makakaiwas sa pagkaparalisa dahil sa sugat sa kamay.

5. Pabakunahan ang mga alagang hayop

Kung may alagang pusa o aso sa bahay siguraduhin na kumpleto sila ng bakuna. Lalo na ang bakuna kontra rabies. Sa ganitong paraan maiiwasan ng buong pamilya ang anumang kumplikasyon o karamdaman.

Hangga’t maaari huwag ding hahayaan na lumabas ang mga alagang hayop sa loob ng bahay o sa inyong property upang hindi makakuha ng rabies o anumang sakit sa mga galang hayop sa labas.

6. Huwag matakot na magpatingin sa doktor

Isa sa pinaka magandang gawin ay ipatingin agad ang iyong nakagat na kamay sa doktor. Alam nila ang kailangang gawin at mabibigyan ka ng tamang gabay para makaiwas sa seryosong impeksyon na dala ng kagat ng daga.

7. Humingi rin ng tulong sa eksperto upang mawala ang daga sa bahay

Mainam din na humingi sa mga eksperto upang mawala na ang daga sa inyong bahay. Tumingin o mag-research patungkol sa pest control malapit sa inyo upang mawakasan na ang problema ninyo sa daga.

 

Source:

Healthline, Centers for Disease Control and Prevention, Healthy Grade

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!