Kagat ng garapata sa tao may dalang sakit at komplikasyon. Isang 5-anyos na bata sa Ohio nakaranas ng temporary paralysis dahil dito.
Kagat ng garapata sa tao, gaano kadelikado?
Ayon sa kwento ni Sami Mell, isang araw nitong nakaraan buwan bigla nalang natumba ang anak niyang si Avery Mell na una ang mukha sa kanilang banyo.
Agad niya namang dinala sa ospital si Avery na hindi daw kayang kumain mag-isa at nahihirapan ding huminga.
Hindi daw maipaliwanag ng mga doktor kung ano ang nagdulot ng sakit ni Avery. Hanggang sa makakita ng garapata si Sami sa likod ng tenga ng anak niya.
Ayon sa report, nang makita ni Sami ang garapata sa tenga ng anak niya ay kasing laki ng ito ng quarter dollar coin. At ito umano ang dahilan ng paralysis na naranasan ni Avery.
Garapata naging dahilan para ma-paralyze ang isang bata
Bumuti daw agad ang kalagayan ni Avery ng matanggal ang garapata sa likod ng tenga niya. Sa tingin ng ina ni Avery na si Sami ay nakuha ito ng anak ng minsang maglaro ito sa labas ng kanilang bahay.
Ikinagulat naman ng mga doktor ang naging dahilan ng palaysis ni Sami.
“The infectious disease doctor of 30 years said he’s never seen [anything] like it.”
Ito ang naging paglalarawan umano ng doktor sa sakit ni Avery pagbabahagi ng lolo ni Avery na si David Goslin sa isang report.
Maliban kay Avery isang 7-anyos na batang babae rin sa Colorado ang nagkasakit dahil sa kagat ng garapata. Ayon sa isang report, nakuha daw ito ng bata ng siya ay mag-stay sa isang overnight camp.
Ano ang tick paralysis?
Ayon sa American Lyme Disease Foundation, ang tick paralysis na naranasan ni Avery ay dulot ng limang tick species o garapata.
Ang tick paralysis ay dulot daw ng kagat ng isang busog o buntis na babaeng garapata na nag-proproduce ng neurotoxin. Ang toxin na ito ay naililipat ng babaeng garapata sa tao kapag ito ay nakagat niya.
Base sa mga experiments, pinakamalaking amount ng toxin ang nailalabas ng kagat ng garapata sa ika-lima at ika-pitong araw ng pamamahay nito sa katawan ng biktima niya.
Ang mga garapata ay tumitira sa labas ng bahay o outdoors na ang madalas na binibiktima ay ang mga tao at ang mga alagang hayop.
Ano ang itsura ng garapata?
Ang garapata ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsisip ng dugo ng tao o alagang hayop. Iba-iba ang laki ng garapata na kayang lumaki ng kasing laki ng pambura ng lapis.
Ang kulay ng garapata ay maaring kulay brown, red o black.
Habang nakakasipsip ng dugo ay mas lumalaki ang garapata. At matapos sumipsip ng dugo sa kaniyang biktima ng ilang araw ay naging greenish-blue ang kulay nito.
Ang garapata ay gustong-gustong manatili sa mga maiinit at basang parte ng katawan. Ilan sa parte ng katawan na gusto nilang pamahayan ay sa kili-kili, singit at buhok.
Nananatili naman ang garapata sa katawan ng tao kahit ito ay nakakagat o nakasipsip na ng dugo. Matapos ang sampung araw na pagsisip ng dugo mula sa kaniyang biktima ay lumalaki ang garapata na dahilan para kusa itong malaglag o matanggal sa biktima niya.
Sintomas ng kagat ng garapata sa tao
Madalas ang kagat ng gaparata sa tao ay harmless o hindi magdudulot ng kahit anong peligro. Ngunit, may mga pagkakataon naman na nagdudulot ito ng allergic reaction na kung saan maari ring magdulot ng sakit na lubhang delikado at maaring makamatay.
Kung ang isang tao ay allergic sa kagat ng garapata, ito ang mga sintomas na mararanasan niya.
- Pananakit o pamamagat sa pinagkagatan ng garapata
- Rashes
- Burning sensation sa kagat ng garapata
- Blisters o paltos
- Hirap sa paghinga
Maari ring magdulot ng sakit ang kagat ng garapata sa tao. Ang mga sintomas nito ay lumalabas ng ilang araw o linggo matapos makagat ng garapata. Ito ay ang sumusunod:
- Red spot o rash malapit sa kagat ng garapata
- Rashes sa buong katawan
- Stiff neck
- Sakit ng ulo
- Nausea
- Panghihina
- Muscle o joint pain
- Lagnat
- Chills o pangangatog ng katawan
- Kulani
Image from Freepik
Kapag nakaranas o nakaramdam ng nasabing sintomas ay dapat agad na magpunta sa doktor para matingnan at malunasan ang sakit na idinudulot nito.
Ang ilan sa mga sakit na maaring makuha sa kagat ng garapata ay ang sumusunod:
- Lyme disease
- Rocky Mountain spotted fever
- Colorado tick fever
- Tularemia
- Ehrlichiosis
Paano malulunasan ang sakit na dulot ng kagat ng garapata
Ang pinakamalahagang gawin para matanggal ang mga sintomas ng kagat ng garapata sa tao ay pag-aalis o pagtatanggal nito sa balat.
Kapag natanggal na ang garapata ay ilubog ito sa rubbing alcohol para makasigurong ito ay mamamatay.
Saka hugasan ng tubig at sabon ang lugar na pinagkagatan ng garapata.
Sa mga pagkakataong ang kagat ng garapata ay na-infect na ay maaring mag-reseta na ng antibiotic ang doktor para ito ay malunasan.
Paano makaiwas sa impeksyon at sakit na dulot ng garapata
Para hindi magkaroon ng sakit o impeksyon mula sa garapata ay unang dapat iwasan ang pagkakaroon nito. Magagawa ito sa sumusunod na paraan:
- Mag-suot ng long sleeve shirt at pants kapag maglalakad sa kakahoyan o madamong lugar na madalas na pinaninirahan ng mga garapata.
- Gumamit ng mga tick repellents na may taglay na 20% DEET.
- Maglagay o gumamit ng 0.5 permethrin sa mga damit.
- Ugaliing i-check ang mga tick-prone areas sa katawan gaya ng kili-kili, likod ng tenga, pagitan ng mga hita o singit, likod ng tuhod at buhok.
Ang kagat ng garapata sa tao ay madalas na nagdudulot ng impeksyon sa loob ng 24 oras. Kaya mas maiging matanggal ito agad kapag nakita sa katawan.
Paano mawala ang garapata sa bahay
Para naman maging garapata free ang inyong tahanan, narito ang mga hakbang na maaring gawin.
1. Linisin nang maigi ang bahay
- I-vacuum ang mga karpet, muwebles, at higaan ng mga alagang hayop. Siguraduhing maitapon nang maayos ang laman ng vacuum.
- Labhan gamit ang mainit na tubig ang mga kumot at damit na pinamumugaran ng garapata.
2. Gumamit ng insecticide o repellent
- Pumili ng insecticide na may permethrin o bifenthrin. Maaari ring gumamit ng diatomaceous earth o essential oils tulad ng eucalyptus o peppermint.
3. Gamotin ang alagang hayop
- Gumamit ng mga tick collars, spot treatments, o shampoos para sa iyong mga alaga. Regular din silang paliguan at suriin para sa garapata.
4. Iwasan ang garapata sa labas
- Putulin ang mga damo at halaman sa paligid ng bahay.
- Gumawa ng harang gamit ang kahoy o graba sa pagitan ng bakuran at mga madamong lugar.
5. Regular na pagsusuri
- Laging suriin ang mga alagang hayop at miyembro ng pamilya lalo na pagkatapos maglaro o maglakad sa labas.
Source: Fox News, Healthline
Photo: Medical News Today
Basahin: 7-anyos, naparalisa matapos makagat ng garapata
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!