TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Garapata na nakita sa tenga ng bata, paano nga ba maiiwasan?

5 min read
Garapata na nakita sa tenga ng bata, paano nga ba maiiwasan?

Ang garapata sa bahay ng batang nabiktima ay galing raw sa alagang aso nito. Buti na lang naagapan agad bago pa ito nakapaminsala.

Ang mga aso’y tinaguriang ‘man’s bestfriend’ marami sa atin ang may mga alagang aso pero alam niyo ba ang garapata ng aso ay maaaring magdulot ng panganib sa iyong anak? Ganito na lang ang nangyari sa isang 4 na taong gulang na bata na muntik nang mabingi dahil sa garapata sa bahay.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang panganib na dala ng garapata ng mga aso
  • Mga sakit na pwedeng makuha sa mga garapata ng aso
  • Paano ito maiiwasan na magkaroon ng garapata ang inyong alagang aso

Saan ba nanggaling ang garapata? Ito raw ay galing sa kaniyang best friend na aso. Paano kaya ito nangyari, at nasa panganib ba ang mga anak mo kung may alaga kayong aso?

Garapata ng aso, mapanganib ba ito?

garapata ng aso

Image from Flickr

Alam niyo ba na hindi insekto ang mga garapata? Ang mga garapata, o tick, ay kapamilya ng mga gagamba. Madalas silang nakikitang nakadikit sa balat ng mga hayop habang humihigop ng dugo. Ngunit paminsan, posible rin silang dumikit sa mga tao, at higupin ang dugo natin!

Ito na lang ang nangyari sa 4 na taong gulang na si AJ, nang pumasok sa tenga niya ang isang garapata mula sa kanilang alagang si Yuki.

Akala ni AJ ay gagamba ang pumasok sa tenga niya

Nagulat na lang umano ang ama ni AJ nang sinabi sa kaniya na tanggalin umano ang “spider” sa tenga niya. Akala ng nanay ni AJ na nagbibiro lang ang bata. Ngunit pagsilip nila sa tenga, nagulat silang mayroong garapata sa tenga ng bata.

Ang garapata pumunta sa tenga ng bata na galing sa alaga nilang aso na si Yuki. Sa tingin ng ina ni AJ, baka raw nakuha ng alaga sa ibang aso ang garapata dahil inilalabas umano nila ito sa bahay kapag dudumi o iihi.

Sa kabutihang palad, natanggal ng tatay ni AJ ang garapata sa tenga ng bata.

garapata ng aso

BASAHIN:

Desiccant pack sumabog at ikinabulag ng isang bata

LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby

#FirstAid: Mga dapat gawin kapag nakalmot o nakagat ng aso

Ano ang epekto ng kagat ng garapata?

Kapag ang mga tao’y nakagat ng garapata, posible silang magkaroon ng pangangati, rashes, at minsan allergic reaction na posibleng maging nakamamatay.

Ang mga garapata ay nagiging sanhi rin ng lyme disease na sanhi ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, at matinding pagod. Bukod dito, sanhi rin ito ng babeosis, rocky mountain fever, at ehrlichiosis. May posibilidad din na magkaroon ng blood parasites kapag nakagat ng mga garapata.

Hinding-hindi rin dapat pinipisa ang mga garapata dahil lalo lang kakalat ang mga itlog ng garapata. Mas mabuti umano na kapag nakuha na ang garapata, ilagay ito sa fabric conditioner, bleach, o kaya gaas upang mapatay ang mga ito.

Mabuti ring bumili ng anti-tick soap at ng anti-tick medicine na ipinapahid sa balat ng aso. Upang matanggal ang mga garapata ng inyong alaga.

Importante ring panatilihing malinis ang paligid upang hindi kumalat ang mga garapata ng aso. Bukod dito, nakakatulong din na huwag masyadong ilabas ang iyong alagang aso upang hindi sila mahawa ng garapata mula sa ibang aso at hindi magkaroon ng garapata sa bahay niyo.

garapata ng aso

Image from Unsplash

Mga sakit na maaaring makuha sa garapata ng aso

1.  Lyme disease

Ito ang pinakakilalang sakit na maaari mong makuha sa kagat ng garapata. Ang sintomas nito’y mga rashes, lagnat, headache at fatigue. Kung hindi ito maaagapan agad maaari itong magdulot ng serious complication sa nervous system ng isang tao.

2. Ehrlichiosis

Ito ay sanhi rin ng garapata sa bahay at ng aso. Ang mga sintomas nito’y pananakit ng katawan hanggang sa magkaroon ng malalang lagnat.

3. Rocky Mountain spotted fever

Ang garapata sa bahay at ng aso ay maaaring maghatid ng sakit na ito. Nagsisimula ito sa lagnat at pananakit ng ulo hanggang sa magkakaroon na ng rashes. Madali itong makikita dahil sa malilit na spot na pagdurugo sa bukong-bukong.

4. Tularemia

Ang simpleng garapata sa bahay ay maaaring magdulot sa katawan ng tao ng isang seryosong sakit katulad ng Tularemia. Isa itong rare disease na dala ng garapata ng aso. Inaatake nito ang balat, mata, baga at lymph nodes ng isang tao.

Paano maiiwasan ang garapata?

Kung may alagang aso, panatilihin lamang ang kalinisan sa kanya. Paliguan araw-araw at makabubuti kung gagamit ng sabon na pang-iwas sa mga garapata. Iwasan din ang pagtambay ng mga aso sa malupa at maduming lugar. Dito kasi nakatira ang mga garapatang maaaring dumikit sa balahibo ng aso. Kung patatagalin at hindi paliliguan ang mga ito, maaaring dumami agad ito at mag sanhi ng galis sa aso.

 

Source: GMA News

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Garapata na nakita sa tenga ng bata, paano nga ba maiiwasan?
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko