Kahit sino siguro ay ayaw na maging biktima ng kagat ng lamok. Bukod sa makati at nakakainis ito, nagdadala rin ng sakit ang kagat ng lamok.
Kaya’t kung madalas kang kagatin ng lamok, mahalagang malaman mo kung ano ang dahilan. Ito ay para maalagaan mo ang iyong sarili, at makaiwas sa pagkagat ng lamok!
Bakit ka madalas maging biktima ng kagat ng lamok?
Bakit ka nga ba madalas kagatin ng lamok? Ating alamin!
1. Kakatapos mo lang mag work-out
Ang mga lamok ay hinahanap ang amoy ng carbon dioxide sa katawan. Dito nila nalalaman na mayroon silang pwedeng kagatin. Kapag hinihingal ka dahil sa pag-ehersisyo, ay mas mataas ang iyong inilalabas na carbon dioxide.
Bukod dito, umiinit rin ang iyong katawan pagkatapos mag-ehersisyo, na hinahanap rin ng mga lamok.
Dagdag na rin dito na lumalapit ang mga lamok dahil sa lactic acid na inilalabas ng iyong katawan kapag ikaw ay nag work-out.
2. Mayroon kang sakit
Mas kinakagat ng mga lamok ang may sakit dahil mas marami kang inilalabas na carbon dioxide kapag masama ang iyong pakiramdam. Bukod dito, kung ikaw ay may lagnat, tumataas din ang temperatura ng iyong katawan, na hinahanap din ng mga lamok.
3. Matangkad ka
Ito ay isa sa mga sitwasyon na hindi nakabubuti ang pagiging matangkad. Dahil ang mga matatangkad na tao ay mas maraming inilalabas na carbon dioxide kumpara sa mas maliliit na tao.
Ito rin ang dahilan kung bakit mas kinakagat ng lamok ang mga nakatatanda kumpara sa mga bata.
4. Nakasuot ka ng madilim na kulay
Image from Freepik
Mas nakaka-himok din ng kagat ng lamok ang pagsuot ng maiitim na damit. Ito ay dahil habang malayo pa lamang, ginagamit ng mga lamok ang pang-amoy nila at hinahanap ang carbon dioxide. Ngunit kapag malapit na sila sa mga tao, ginagamit nila ang kanilang mga mata.
Makakatulong dito ang pagsusuot ng puting damit o mga damit na maliwanag ang kulay.
5. Kailangan mo nang magpalit ng damit
Kapag hindi ka madalas magpalit ng damit, ay mas kakagatin ka ng mga lamok. Ito ay dahil hinahanap nila ang mga kemikal na galing sa pawis ng tao.
Kaya’t ugaliing magpalit lagi ng presko at bagong labang damit, upang makaiwas sa kagat ng lamok.
6. Umiinom ka ng beer
Image from Freepik
Ang pag-inom din ng alak ay posibleng maging dahilan upang kagatin ka ng lamok. Ngunit hindi pa gaanong naaral ang aspeto na ito, at tingin ng maraming researcher na hindi naman ito malaking problema.
Pero mabuti na rin na huwag madalas uminom ng beer, para na rin sa iyong kalusugan.
7. Minsan gusto ka lang talaga nila
May mga tao rin naman na talagang lapitin lang ng lamok. Hindi pa rin maipaliwanag kung bakit ito nangyayari, pero talagang mayroong mga tao na mas kinakagat ng lamok kumpara sa ibang tao.
Kapag isa ka sa mga rito, mabuting gumamit ng mga insect repellant lotion, magsuot ng longsleeves kapag nasa labas, at matulog na may kulambo upang makaiwas sa kagat ng lamok.
Gamot sa kagat ng lamok
Bukod sa nakakairita ang kagat ng lamok, delikado rin ito dahil maari itong panggalingan ng mga sakit tulad ng dengue. Kaya naman narito ang ilang puwedeng gamot sa kagat ng lamok.
- Insect repellant – nakakatulong ang insect repellant para hindi ka na dapuan ng lamok. Mayroon itong mga variant na tulad ng mga patch o spray na may Citronella.
- Maraming nagsasabi na effective din ang halaman na kataka-taka. Kailangan lamang itong dikdikin at ipahid sa kagat ng lamok.
- Mayroon din namang mga ointment para rito ngunit kung hindi naman malala ay huwag na lang din pakialaman.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Source:
Live Strong
Basahin:
Dengue: Mga kailangan mong malaman tungkol sa sakit na ito
11 indoor plants na puwedeng pangontra sa dengue at lamok
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!