Kagat ng linta ang hindi inakalang dahilan ng pagdurugo sa ari ng isang batang babae sa Thailand. Linta kusa umanong nalaglag mula sa ari ng bata ng ito ay busog na.
Dahil sa kagat ng linta
Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Napaporn Thanawong ang kakaiba at nakakabahalang karanasan ng kaniyang pamangking babae.
Sa kaniyang post ay pinaalalahanan niya ang mga magulang na bantayan ng maigi ang mga anak lalo na ngayong tag-ulan. Dahil sa hindi nila inaasahan ay napasukan ng linta sa ari ang kaniyang pamangkin na nagdulot ng pagdurugo nito.
Nalaman nalang nila na ito ang dahilan ng kusa umanong nahulog ang linta ng ito ay busog na.
Sa parehong post ay makikita ang larawan ng diaper na ginamit ng kaniyang pamangkin at ang linta na kumagat sa kaniya.
Dinala naman agad sa doktor ang bata ng matuklasan ang dahilan ng pagdurugo ng ari nito.
Hindi naman daw nagpakita ng kahit anong sintomas ng pagsama ng pakiramdam ang bata. Umiyak lang daw ito ng malaglag ang linta mula sa ari niya.
Ayon sa doktor na tumingin sa bata, hindi naman daw nakakalason ang kagat ng linta sa kaniya. Bagamat matagal umano bago nahinto ang pagdurugo na dulot nito.
Para makasiguro ay sasailalim sa iba pang test ang bata. Ito ay para matukoy kung may iba pang epekto ang kagat ng linta sa kaniya.
Base naman sa report ng China Press, hindi parin malinaw kung paano napunta sa ari ng bata ang linta samantalang lagi daw itong naka-pants at bihirang lumalabas sa kanilang bahay.
Paalala ng mga eksperto sa mga magulang
Samantala, ayon sa isang pag-aaral ng Department of Obstetrics and Gynecology sa Chulalongkorn University sa Bangkok Thailand ang kaso ng vaginal bleeding dulot ng kagat ng linta ay natatangi sa Thailand at iba pang tropical countries.
Dagdag ng pag-aaral, madalas na nararanasan umano ito ng mga batang mula sa 5 hanggang 10 taong gulang matapos mag-swimming sa ilog o sapa.
Sa katunayan, may isa pang 5-anyos na batang babae din sa Thailand ang nakaranas ng parehong insidente.
Ayon sa ina ng bata, inirereklamo daw ng anak ang pangangati sa kaniyang ari sa loob ng ilang araw. Dagdag pa daw ng kaniyang anak, parang may kumakagat na langgam sa loob ng ari niya na at may mabahong amoy na nagmumula rito.
Nang makakita na ng dugo sa underwear ng anak ay dinala na sa ospital ang bata. At doon nila natuklasan na may linta pala sa loob ng ari nito.
May isa pang kaso rin ang naitala na nagdulot naman ng severe bleeding sa isang bata. Dahil sa sobrang pagdurugo na naranasan ay kinailangan pa daw dumaan ng biktima sa blood transfusion.
Kaya naman paalala ng mga doktor sa mga magulang, bantayan ng maigi ang anak pati ang lugar na pinupuntahan o pinaglalaruan nila. At agad na magpunta sa doktor sa oras na makapansin ng kakaibang sintomas sa anak.
Kailangan din daw tingnan ng maigi ang mga damit na pinapasuot sa bata. Lalo na kung ito ay mula sa sampayan na nasa labas ng inyong bahay. Dahil isa daw ito sa maaring pamahayan ng mga insekto tulad ng linta na hindi ninyo inaakala.
Source: Asia One
Basahin: 7-anyos, napasukan ng linta sa loob ng ilong
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!