Kahalagahan ng bakuna ipapalaganap sa pamamagitan ng Facebook at Instagram. Ito ang bagong feature na ginawa ng social networking site para malabanan ang pagkalat ng mga anti-vaccine misinformation.
Pagpapalaganap ng kahalagan ng bakuna online
Ayon sa pahayag ng Facebook na nagmamay-ari rin ng Instagram, ang bagong feature na ito ay lalabas sa networking site tuwing mag-sesearch tungkol sa vaccine-related content ang isang user. Ganoon din kapag bumibisita sa mga Facebook groups at pages o kaya naman kapag tinap ang vaccine-related hashtag sa Instagram.
Ang mga impormasyong makikita sa bagong feature na ito ay mula sa Center for Disease Control and Prevention o CDC at World Health Organization o WHO.
“The World Health Organization and Facebook have been in discussions for several months to ensure people will be able to access authoritative information on vaccines and reduce the spread of inaccuracies.”
Ito ang pahayag ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang written statement.
Magandang paraan daw ito upang malabanan ang vaccine misinformation na malaking banta sa maayos na kalusugan sa buong mundo. Lalo pa’t maraming sakit ang maaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.
“Major digital organizations have a responsibility to their users — to ensure that they can access facts about vaccines and health. It would be great to see social and search platforms come together to leverage their combined reach.”
Ito ang dagdag na pahayag ni Ghebreyesus.
Isang mahusay na hakbang para malabanan ang vaccine misinformation
Pinuri naman ng CDC ang hakbang na ito na ginawa ng Facebook para labanan ang mga anti-vaccine misinformation. Lalo pa’t ayon sa mga public health experts, ang mga anti-vaccination content online ang isa sa mga dahilan kung bakit kumonti ang nagpapabakuna na nag-resulta sa mga disease outbreaks sa buong mundo.
“We know that parents often turn to social media to access health information and connect with other parents, and it can be difficult to determine what is accurate and who the credible sources of information are. Combating “vaccine myths and misinformation is a shared responsibility and we applaud these efforts.
Ito ang pahayag ni Kristen Nordlund, ang spokeswoman ng CDC.
Maliban sa Facebook at Instagram, ang Pinterest, Amazon at YouTube ay sinimulan naring tanggalin ang mga anti-vaccine related content sa kanilang platform.
Mga bakunang kailangan ng iyong anak sa kaniyang unang taon
Samantala, para sa mga magulang ang mga vaccines o bakuna na dapat matanggap ng iyong anak sa kaniyang unang taon ay ang sumusunod:
Unang Buwan (Pagkapanganak hanggang sa ika-aapat na linggo)
- BCG (Bacille-Calmette-Guerin) o ang bakuna laban sa tuberkulosis at ketong (leprosy)
- Bakuna laban sa Hepatitis B
Ika-6, 10 at 14 na linggo
- DPT (Diphteria, Pertussis, Tetanus) o ang bakuna laban sa mga sakit o impeksyon sa upper respiratory tract at labis na pananakit o paninigas ng muscles ng baby.
- Polio (Oral Polio Vaccine o OPV), ang bakuna laban sa sakit na polio
- Haemophilus Influenzae Type B (Hib) at Pneumococoal Conjugate (PCV) vaccines laban sa sakit na pulmonya
- Bakuna laban sa Rotavirus o Diarrhea
9 na buwan
- MMR vaccine o ang bakuna laban sa measles, mumps at rubella
Ang mga bakunang nabanggit ay libreng makukuha sa pinakamalapit na health centers sa inyong lugar. Dito rin ay mas mabibigyan kayo ng kaalaman tungkol sa mga bakunang ito. Importanteng maintindihan ng bawat magulang ang kahalagahan ng bakuna dahil ito ang magiging proteksyon ng inyong anak laban sa mga sakit.
May mga bakuna rin na maaring makuha sa pribadong klinika tulad ng bakuna laban sa chicken pox o bulutong, tetraxim at flu vaccine ngunit ito ay may bayad na.
Source: CNN, The AsianParent Philippines
Photo: Pixabay
Basahin: 7 bakuna na kailangang ulitin kapag malaki na ang bata