Ang mga bakuna ay ginawa para protektahan ang tao mula sa mga malulubhang karamdaman. Ngunit, naaalala mo pa ba kung kailan ka huling tumanggap ng bakuna? Ang ilang bakuna na natanggap nuong pagkabata ay nawawalan ng bisa sa pagtanda at kailangang ulitin. Mahalaga ito dahil hindi lang ang sarili ang pinoprotektahan, pinoprotektahan din nito ang mga madaling kapitan ng sakit sa iyong paligid. Alamin ang 7 bakuna na kailangang ulitin kapag malaki na ang bata.
Pertussis (aka Whooping Cough)
Ang ubo na hindi nawawala ay kadalasang hindi pinapansin ng mga masisiglang matatanda. Ngunit, delikado ito sa mga sanggol. Ito ang dahilan kaya inirerekumenda ang mga magiging magulang na tumanggap muli ng bakuna na ito. Kahit pa ang whooping cough ay tila matagal nang nawala, nasa 50,000 ang nagkakasakit nito kada taon ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Inirerekumenda ngayon ang mga matatanda na tumanggap ng Pertussis kada 10 taon.
Ang mga edad na dapat ulitin ang bakuna nito ay ang sumusunod:
- 7 taong gulang
- 12 taong gulang
- 19 taong gulang
- Ulitin kada 10 taon
Tetanus
Ang tetanus ay mula sa bacterial infection na pumapasok sa sugat. Naaapektuhan nito ang nervous system ng tao. Inirerekumenda ng mga duktor na ulitin ang bakunang ito dahil sa dali ng paraan na makuha ang impeksiyon. Sa kabutihang palad, ang bakuna sa tetanus ay mabisang proteksiyon din sa pertussis. Ang bakuna rin ng pertussis ay nagsisilbing bakuna narin sa tetanus. Tulad din ng bakuna sa pertussis, inirrekumenda ng CDC na ulitin ito kada-10 taon.
Ang mga edad na dapat ulitin ang bakuna nito ay ang sumusunod:
- 7 taong gulang
- 12 taong gulang
- 19 taong gulang
- Ulitin kada 10 taon
Flu
Ayon sa CDC, ang na-record na dami ng namatay dahil sa flu sa taong 2017 hanggang 2018 ay aabot ng 186 na bata. Ang walo kada-sampu sa mga namatay na ito ay hindi nakatanggap ng bakuna. Ngunit, hindi lamang ang mga bata ang dapat nakakatanggap ng bakuna sa flu. Maging ang mga matatanda, lalo na ang mahina ang immune system, ay kailangang muling tumanggap ng bakuna. Ang isa pang dahilan kung bakit kailangan ulitin ito ay ang taon taong pagbago ng strain. Dahil dito, inirerekumenda ng CDC na tumanggap ng bakuna sa flu kada-taon para maprotektahan ang sarili at mga tao sa paligid.
HPV
Ang HPV ay nauugnay sa cervical cancer at iba pang uri ng kanser. Taon taon, nasa 14 milyong mga tao ang nagkakaroon ng impeksiyon na ito. Dahil dito, itinaas ng FDA ang edad na nasasakupan ng mga nangangailangan na ulitin ang bakuna.
Para sa mga babae, ang mga edad na dapat ulitin ang bakuna nito ay 11-12 taong gulang at 27 taong gulang. Sa mga lalaki naman, ang mga edad na dapat ulitin ang bakuna na ito ay 11-12 taong gulang at 22 taong gulang.
Shingles
Ang shingles ay isang viral infection na nagdudulot ng pantal na masasakit. Ito ay lumalabas sa isang bahagi ng katawan, madalas ay sa mukha o dibdib. Inirerekumenda ng CDC na tumanggap muli nito ang mga nasa 50 taong gulang pataas. Dapat ay tumanggap nito pagdating ng 50 taong gulang at ulitin kada dalawa hanggang anim na buwan.
Pneumonia
Ang mga 65 taong gulang at mas matanda pa ay dapat tumatanggap ng bakuna sa pneumonia. Ito ang mga edad kung kailan masmadaling magkaroon ng malubhang komplikasyon ang makukuhang pneumonia. Maaaring nakatanggap na nito bago mag 2 taong gulang ngunit, kailangan itong ulitin pagdating ng 65 taong gulang. Ang mga naninigarilyo naman na may edad na 19 hanggang 64 taong gulang ay kailangan din ito.
Measles
Ang measles ay dulot ng virus na maaaring mapasa sa hangin sa pamamagitan ng pag-ubo o pag-hatsing. Ang mga ipinanganak bago ang taong 1957 ay kinikilala na may likas na immunity sa sakit na ito. Subalit, ang iba ay maaaring kailanganin ito para maprotektahan ang sarili. Mangyaring magpasuri sa iyong duktor kung kakailanganin ulitin ang bakuna lalo na kung mga nagpupunta sa ibang bansa o nagtatrabaho sa lugar na maraming may sakit.
Ang bakuna ay hindi ginawa para lamang protektahan ang sarili. Naimbento rin ito upang mapigilan ang pagkalat ng mga bacteria at virus na maaaring makahawa. Tignan kung ano ang bakuna na kailangan ulitin at protektahan ang mga mahal sa buhay.
Sources: RD, CDC
Basahin: STUDY: Bakuna sa tigdas (MMR), hindi nagdudulot ng autism
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!