X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mga kailangang bakuna sa unang taon ni baby

8 min read
Mga kailangang bakuna sa unang taon ni babyMga kailangang bakuna sa unang taon ni baby

Narito ang mga importanteng bakuna na dapat matanggap ni baby bago siya mag-isang taong gulang

Napabakunahan na ba ang inyong anak? Ang pag-bakuna sa unang taon ng isang bata ay isa sa pinaka-importanteng bagay na dapat bigyan ng prayoridad ng lahat ng magulang.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga bakuna para sa baby sa unang buwan
  • Schedule ng mga bakuna sa baby

Ano ang bakuna?

Ayon sa World Health Organization, ito ay isang simple at epektibong paraan upang maprotektahan tayo sa mga harmful na diseases o mga sakit.

Ginagamit nito ang natural na pandepensa ng ating katawan para labanan ang mga partikular na impeksyon at pinapalakas nito ang ating immune system.

Tini-train umano ng bakuna ang immune system upang lumikha ng mga antibodies, kaya kapag na-expose halimbawa sa sakit ay lalabanan ito ng ating katawan.

Bakit mahalaga ang bakuna para sa kalusugan ni baby

Ayon sa Standford’s Health, ang immunization o pagbabakuna ay mahalaga upang maprotektahan ang inyong mga baby sa mga sakit. Ang hindi pagkakaroon ng bakuna ng inyong baby ay maaaring maglagay sa kaniya sa seryosong kalagayan.

Dahil sanggol pa lamang sila, hindi pa ganun kalakas ang kanilang immune system kaya naman ang mga bakuna ay mahalaga upang matulungan sila na labanan ang mga sakit na maaaring dumapo sa kanila.

Bakuna para sa baby

Ayon kay Dr. Nicky Montoya, presidente ng MediCard Philippines, isang pangunahing HMO provider sa Pilipinas, may itinakdang bakuna ang UNICEF at Department of Health (DOH) ayon sa gulang, bata man o matanda.

Ang Centers for Disease Control and Prevention (CDCP) sa Amerika at UNICEF ay mariing ipinaparating sa mga magulang sa buong mundo na ang pagbabakuna at mga programa para imunisasyon ay naglalayong protektahan ang mga sanggol mula sa mga malala at nakamamatay na sakit. Lahat ng bata ay dapat mabigyan ng lahat ng bakunang ito, lalo na sa unang dalawang taon ng bata.

Dahil sa patuloy na pananaliksik, may mga bagong bakunang itinatalaga sa paglipas ng panahon. May mga bakuna naman na para lang sa mga bansa kung saan laganap ang mga partikular na sakit.

Bawat bakuna in english, vaccine, ay may takdang edad ng bata upang masigurong ito ay epektibo. Ang ibang bakuna ay nangangailangan ng higit sa isang dose, o may tinatawag na booster shots. Siguraduhing maibibigay din ito sa bata upang mapanatili ang pagiging epektibo nito.

Narito ang mga nakatakdang bakuna ng UNICEF at DOH sa Pilipinas para sa unang taon ng  isang sanggol.

Mga kailangang bakuna sa unang taon ni baby

Unang Buwan (Pagkapanganak hanggang sa ika-aapat na linggo)

1. BCG (Bacille-Calmette-Guerin)

Ito bakuna para sa baby para sa iba’t ibang uri ng tuberkulosis at ketong (leprosy). Binibigay ang bakuna na ito sa para sa mga baby para ilayo rin sila sa mga sakit katulad nang TB Meningitis, isang impeksyon sa utak at iba pang katulad nito.

2. Hepatitis B

Sa mga bansang tulad ng Pilipinas kung saan ang hepatitis B ay 10 sa bawat 100 bata ay maaaring magkaroon ng impeksyon sa kanyang buong buhay kung hindi mababakunahan laban dito, mahalaga ang bakunang ito. Ito ay makakasira sa atay (liver) at maaaring maging sanhi ng kanser sa kanilang pagtanda.

Ibinibigay ang bakuna na ito matapos siyang maisilang, mapoprotekhan ang iyong anak sa hepatitis B, ganun din pini-prevent din ng bakuna na ito na magkaroon ng liver disease ang iyong anak o cancer mula sa hepatitis B.

Ilan sa mga maaaring maging side effects ng bakunang ito sa iyong baby ay pagkakaroon lamang ng lagnat at may kaunting sore sa lugar kung saan siya nabakunahan. Pero wala naman seryosong side effects ito sa mga sanggol.

Mga kailangang bakuna sa unang taon ni baby

photo: dreamstime

Mga bakuna para sa baby sa ika-6, 10 at 14 na linggo

3. DPT (Diphteria, Pertussis, Tetanus)

Ang Diphteria ay nagiging dahilan ng impeksyon sa upper respiratory tract, na maaaring makabara sa paghinga kapag lumala. Ang Pertussis, o malalang ubo ay (whooping cough) na tumatagal ng 4 hanggang 8 linggo. Ito ay tumatama din sa respiratory tract at delikado ito, lalo na sa mga baby.

Ang Tetanus naman ay nagdudlot ng paninigas at labis na pananakit at pagtigas ng muscles. Ang tatlong ito ay delikado para sa mga sanggol. Lahat ng bata pati ang ina ay kailangang mabakunahan laban sa Tetanus.

Sa ika-anim na linggo ay kailangang bakunahan ang sanggol ng unang dose ng tetanus toxoid (the tetanus component of the DTP vaccine).

4. Polio (Oral Polio Vaccine o OPV)

Ito ay nagbibigay proteksyon laban sa sakit na polio  na nagiging sanhi ng disabilidad o kapansanan dahil sa panghihina ng mga buto at hirap sa paglalakad o paggalaw ng binti.

5. Haemophilus influenzae type B (Hib) and pneumococoal conjugate (PCV) vaccines

Ang pulmonya ay sanhi ng pneumococcus bacteria or Haemophilus influenzae type B (Hib) bacteria. Ito ay delikado at nakakamatay lalo sa mga malilit na bata. Ang dalawang bakterya na ito ay sanhi din ng meningitis at iba pang impeksyon.

* Mayroon nang bakuna na kombinasyon ng 5 bakuna: DPT, hepatits B at Hib na bakuna ay karaniwang sabay sabay ibinibigay.

6. Rotavirus

Pagtatae o Diarrhea sanhi ng rotavirus ay isang malala at delikadong uri ng pagtatae. Ang mga batang 5 taon pababa, lalo na sa unang 2 taon ay karaniwang apektado nito. Ito ay nagsisimula nang maging laganap sa ating bansa, at sa mga bansa o lugar na hindi abot ng maayos na health care.

Partner Stories
Get your pre-baby body back AND save the environment with Saladstop!
Get your pre-baby body back AND save the environment with Saladstop!
“There is no way to be a perfect mother, but a million ways to be a good one."
“There is no way to be a perfect mother, but a million ways to be a good one."
Here's Why Retinol is the Precise Solution for Erasing Age Spots and Blemishes
Here's Why Retinol is the Precise Solution for Erasing Age Spots and Blemishes
On August 6th, music will bring Lin-Manuel Miranda, Zoe Saldaña, and Gloria Estefan together
On August 6th, music will bring Lin-Manuel Miranda, Zoe Saldaña, and Gloria Estefan together

BASAHIN:

May bakuna na ba sa Hepa B ang anak? 7 rason kung bakit delikado ang sakit na ito sa bata

7 Libreng bakuna sa health center na ibinibigay sa mga batang 1-taong gulang pababa

Parents’ Guide: 20 na importanteng bakuna na kailangan ni baby

Bakuna sa baby sa ika-9 na buwan

7. Measles

Ito ay maaaring maging sanhi ng malnutrisyon, poor mental development, at pagkabingi at pagkabulag (hearing and visual impairments). Mga sintomas ng tigdas o measles ay mataas na lagnat, rashes, ubo, sipon at pamumula ng mata. Ang tigdas ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay kung hindi maaagapan ng maaga, kaya’t mahalagang mabakunahan agad ang bata. Binibigyan din ng Vitamin A ang mga bata para labanan ang sakit na ito.

Karagdagang bakuna na makukuha sa pribadong klinika

Mga kailangang bakuna sa unang taon ni baby

Image from Freepik

8. Chicken Pox, Tetraxim, bakuna para sa Flu

Sa mga pribadong ospital o klinika, nasa Php 500 hanggang Php 1,500 ang karaniwang singil sa bakuna. May bayad din ang konsulta na mula Php 300 hanggang Php 500. May mga pribadong doktor din na nagbibigay ng libreng bakuna, at ang babayaran lang ay ang konsulta. 

Sa Pilipinas, lahat ng pampublikong Health Center ay nagbibigay ng libreng bakuna (lahat na nasa listahan sa itaas) sa buong taon para sa mga sanggol hanggang 12 taong gulang. (Kung hindi man ito naipapatupad marahil kulang ang supply ng mga health center na ito.) Bukod pa doon, ang DOH ay nagdadala ng mga outreach immunization programs sa mga liblib na lugar at mga malalayong probinsiya at munisipalidad, sa tulong din ng UNICEF.

Ang bawat bata ay binibigyan ng isang booklet o listahan ng lahat ng bakunang kanyang natanggap upang makita kaagad ng doktor o pedia, at maalala ng mga magulang kung anong bakuna na nga ba ang naibigay sa bata.

Mga bawal bago bakunahan ang sanggol

Bago pabakunahan ang sanggol, importanteng i-assess muna kung siya ay puwede na makatanggap nito.

  • Ang batang may malubhang karamdaram sa araw ng mga pagbabakuna ay maaaring payuhang bumalik na lamang sa ibang araw.
  • Kung ang bata ay nagkaroon ng nakamamatay na allergic na reaksiyon pagkatapos na makatanggap ng bakuna, hindi na dapat tumangap ulit ng bakunang iyon.

Mga tips para sa pagpapabakuna ni baby

Inilista namin para sa inyo ang mga tips para sa pagbabakuna ni baby para maging maayos at smooth lamang ang prosesong ito para sa iyo at kay baby. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Ang karaniwang mga side effects nang pagbabakuna ay pamamaga ng parte ng katawan kung saan ito nagkaroon ng injection. Maaaring magkaroon ng soreness at lagnat si baby. Kausapin ang inyong doktor patungkol sa mga side effects na pwedeng maranasan ni baby. Kapag lumalala ito, agad tawagan ang inyong doktor.
  • Libre ang pagpapabakuna sa mga health center sa ating bansa. Maaaring tignan sa inyong local health center ang mga bakuna libreng ibinibigay ng local na pamahalaan. Maaari ring tignan ang article ito para sa mga libreng bakuna. 
  • Mas magandang ilagay ang mga araw na babakunahan si baby sa inyong kalendaryo upang hindi ito makalimutan. Pwede ring maglagay ng reminder sa inyong cellphone para hindi makalimutan ang sunod na bakuna ng inyong baby.
  • Huwag mahihiyang magtanong sa doktor ni baby sa mga bagay na hindi masyadong maunawaan patungkol sa bakuna ng inyong anak.
  • Obserbahan si baby sa mga posibleng side effects na maaari niyang maranasan kapag siyang binakunahan na.

Tandaan Mommy at Daddy mas mainam pa rin na protektado si baby, huwag ka ring kaligtaan ang mga vaccine schedules niya para sure na ligtas sa baby sa mga posibleng sakit na maaari niyang makuha.

Source:

UNICEF-DOH Brochure, Medicard.com, WebMD, CDC 

Panayam sa mga inang may anak na wala pang isang taon: Pam Navarro, Gemini Bonilla Maddarag, Maria Lourdes King, Sharon Bangcayao-Matildo.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Mga kailangang bakuna sa unang taon ni baby
Share:
  • 10 halamang gamot sa UTI at iba pang home remedies na puwede mong subukan

    10 halamang gamot sa UTI at iba pang home remedies na puwede mong subukan

  • Ang mga dapat malaman ng kababaihan tungkol sa paggamit ng Daphne Pills

    Ang mga dapat malaman ng kababaihan tungkol sa paggamit ng Daphne Pills

  • #AskDok: Mabisa ba ang sebo de macho pantanggal ng peklat?

    #AskDok: Mabisa ba ang sebo de macho pantanggal ng peklat?

app info
get app banner
  • 10 halamang gamot sa UTI at iba pang home remedies na puwede mong subukan

    10 halamang gamot sa UTI at iba pang home remedies na puwede mong subukan

  • Ang mga dapat malaman ng kababaihan tungkol sa paggamit ng Daphne Pills

    Ang mga dapat malaman ng kababaihan tungkol sa paggamit ng Daphne Pills

  • #AskDok: Mabisa ba ang sebo de macho pantanggal ng peklat?

    #AskDok: Mabisa ba ang sebo de macho pantanggal ng peklat?

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.