Paano disiplinahin ang anak nang hindi sinisigawan o pinapalo?

Ano ang kahalagahan ng tamang pagdidisiplina sa anak? Ayon sa pag-aaral, ang pamamalo ay kailanman ay hindi naging epektibong paraan ng pagdidisiplina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang kahalagahan ng pagdidisiplina sa anak?

Isa ang konsepto ng pamamalo sa anak sa mga hindi nabibigyan ng sapat na pansin para mapag-usapan o bigyan ng pag-aaral. Noong 2018, kinumpirma ng American Academy of Pediatrics na ang pagpalo sa anak ay hindi kailanman naging epektibo sa pagdidisplina. Ayon din sa kanila, anumang physical punishment na ibinibigay sa bata ay isang dahilan ng pagiging bayolente nila habang sila ay lumalaki. Matagal nang hindi nirerekomenda ang pamamalo sa kanilang anak bilang disiplina ngunit sa Pilipinas, mayroon pa ring mga magulang na gumagamit ng pisikal na parusa sa pagdidisiplina.

Kahalagahan ng pagdidisiplina sa anak: Paano disiplinahin ang anak nang hindi sinisigawan o pinapalo?

Isang essay na nagmula kay Zuzana Boehmová ang nabasa namin tungkol sa kung paano isipin ng kaniyang pamilya na siya ay  “snotty, New Age-y”. Ito’y dahil hindi niya pinapalo ang kaniyang mga anak. Ang illustration na ito ay nagpapakita ng kalungkutan at kung gaano kahirap ang sitwasyon kung saan ang iyong anak ay sinusubukan ang iyong pasensya. Dagdag pa ni Zuzana Boehmová “I often feel myself at a loss when dealing with my own kids. When they upset me, I draw a blank on how best to react to their tantrums, frustrations or straight-up naughty behaviour.”

How to Discipline Without Yelling or Spanking | (Aart-Jan Venema/The New York Times)

Dahil halos lahat ay nakakaranas nito, tinanong namin ang dalawang pediatricians na makikita rin sa NYT Parenting sa susunod na mga buwan. Isa na rito si Dr. Nia Heard-Garris, pediatrician sa Ann & Robert H. Lurie Children’s Hospital of Chicago. Pangalawa ay si Dr. Aaron E. Carroll, professor ng pediatrics sa Indiana University School of Medicine. Nagbigay sila ng advice kung ano ang kahalagahan ng tamang pagdidisiplina sa anak at kung paano kalmahin ang sarili sa ganitong pagkakataon.

Maging Consistent

Kung marami ang nag-aalaga sa iyong anak, bantayan ng maigi ito. Ayon kay Dr Heard-Garris, “Discussing stable, consistent rules are the first step before you talk about the actual approaches to discipline,”. Kung si lol ay may ibang rules kay tatay, ang iyong 3-year-old baby ay maaaring malito.

Positive reinforcement

Makabubuti kung bigyan ng papuri ang iyong anak kung siya ay may ginawang tama, ayon kay Dr Carroll. “It’s more important to reward good behaviour than to come down on negative,” imbes na bigyan sila ng punishment.

‘Wag kakalimutan ang salitang time-out

Ayon sa dalawang paediatricians, hindi lahat ng tactic ay maaaring gumana sa lahat ng bata pero nandiyan ang timeouts na gumagana sa lahat ng pamilya. Kaya naman kapag ang iyong 2-year-old na anak ay walang tigil na tumatalon sa couch, kailangan niyang pumunta sa kaniyang room ng 2 minutes.“You didn’t stop jumping on the couch, so you are going to your room for a timeout.” ito ang halimbawa nito. Kung siya naman ay may ginawang mali sa school at binigyan mo siya ng 5 hours timeout, hindi ito gagana, ayon kay Dr. Heard-Garris.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ang anak mo ay nagpakita ng hindi katanggap-tanggap na ugali sa labas ng bahay, pilitin siyang tanggalin sa sitwasyon. “If you don’t stop pulling cans off the shelf, we’re leaving the store.” at saka umalis.

Kahalagahan ng pagdidisiplina sa anak | Image source: iStock

Kung hindi gumana ang timeouts

Mayroon pa ring alternatibong paraan kung hindi gumana ang timeout. Kung ang tantrum ay dahil sa isang bagay o laruan, ilayo ito sa kaniya at ‘wag pansinin ang pinapakitang asal ng iyong anak. “You can’t jump on the couch, kid, but you can jump on the floor.” Para sa mga batang 5 years old pataas, maaaring gumana ang role-playing. Tanungin ang iyong anak, “If you had another chance. How would you ask for what you want in a better way?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Timeout din para sa iyong sarili

Kung nauubos na ang iyong pasensya sa iyong anak, “Depending on a kid’s temperament, you may be at the brink every day.” ayon ito kay Dr Heard-Garris.

Humanap ng magiging katulong sa pag-aaalga ng iyong anak. Ito ang suggestion ni Dr. Carroll. “You have to handle this, I’m going to lose it.” hintayin ang iyong sarili na kumalma.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kahalagahan ng pagdidisiplina sa anak | Image source: iStock

Kung ikaw ay mag-isa, magpahinga pa rin. “I try to have the parents name their own feelings.” ito ang sabi ni Dr. Heard-Garris, kung saan malaki ang maitutulong sa ‘yo pati na rin sa iyong anak.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“How to Discipline Without Yelling or Spanking” By Jessica Grose © 2020 The New York Times Company

This story was originally published on 2 April 2019 in NYT Parenting.  

Translated in Filipino by Mach Marciano

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Pinapalo ko ang anak ko, ito nga ba ang tamang disiplina sa mga bata?

7 paraan kung paano disiplinahin ang batang ayaw sumunod

Iba’t ibang paraan ng pagdidisiplina sa bawat edad ng bata

Sinulat ni

NYT Parenting