TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mothers need a break too! 5 benepisyo ng pagpapahinga

4 min read
Mothers need a break too! 5 benepisyo ng pagpapahinga

Kailangan mong magpahinga!

Ano ang kahalagahan ng pagpapahinga para sa mga ina at bakit mahalaga ito para mas magampanan nila ang kanilang tungkulin?

Kahalagahan ng pagpapahinga

Bilang ina, mayroon talagang mga pagkakataon na mapapagod ka. Hindi dahil ayaw mo na sa mga anak o asawa mo. Normal na pakiramdam ito dahil katulad nila, tao ka lang din. Kaya naman huwag kang ma-guilty, mommy, kung gusto mong magpahinga. Sa katunayan, makabubuti ito para sa iyo.

Smiling young woman relax lying on couch Free Photo

Bakit nga ba mahalaga ang magpahinga?

Una sa lahat, sa tuwing nagpapahinga ka ay makukuha mo pabalik ang iyong energy. Puwedeng makaramdam ka rin ng motivation pagkatapos mong makapahinga. Lumilinaw din ang iyong pag-iisip sa tuwing ikaw ay humihinto sa mga ginagawa mo.

Minsan, akala natin ay ang malaki ang problema at imposible itong maresolbahan, pero baka naman kasi nagkakasabay-sabay lang ang lahat. Maraming benepisyo ang pagpapahinga kaya naman take a break every time you need one.

Hindi ka dapat ma-guilty na mapapabayaan mo ang iyong pamilya, dahil isipin na ginagawa mo rin ito para sa kanila.

Isa pa, hindi nakakabawas ng pagka-ina kung aaminin mong napapagod ka. Sigurado kaming karamihan sa mga ina ay makaka-relate sa iyo dahil malaki talaga itong responsibilidad. Hindi naman ibig sabihin na napapagod ka ay hindi ka na nagpapasalamat sa biyaya na ang iyong pamilya.

5 na pwedeng gawin para makapagpahinga

1. Alagaan ang sarili

Charming is dreaming on sofa at home after classes Free Photo

Importante na hindi pabayaan ang sarili ngunit sa pagaalaga sa mga anak, sa asawa at sa kabahayam, madalas itong nalilimutan. Hayaan ang sarili na magpahinga rin at maglaan ng oras para sa sariling kapakanan.

Kung hindi makalabas para mamasyal, maaaring mag-meditate o mag-ehersisyo nang ilang minuto lamang. Isipin ang mga gagawin para sa araw at ipagpaliban muna ang mga hindi gaanong importante. Tandaan, mas-importanteng alagaan ang sarili para masmaayos na maalagaan ang mga mahal sa buhay.

2. Gumawa ng aktibidad

Ugaliing gumawa ng aktibidad na nakakapagtanggal sa parenting stress. Ito ang mga aktibidad na nakakapagklaro ng isip at nakakapag-parelax sa katawan. Nagdedepende ito sa bawat tao. Maaaring subukan ang mindfulness, muscle relaxation, yoga, ehersisyo, journaling, o iba pang aktibidad. Huwag kalimutan na ang layunin nito ay pabutihin ang pangkabuohang kalusugan.

3. Lumahok sa mga kinahihiligan

May mga kinahihiligan bang aktibidad bago maging magulang na kinalimutan na simula nagka-anak? Kung oo, maaaring balikan at lumahok sa mga aktibidad na ito. Hindi kailangang kalimutan ang personal na passion dahil lamang mayroon nang pamilya.

Tandaan, ang masasayang pamilya ay binubuo ng mga tao ay na binabalanse sa isa’t isa ang mga kagustuhan at hilig. Kung maaari, pwedeng isama ang anak sa aktibidad o kaya naman ay humanap ng ibang maaaring gawin kasama ang bata.

4. Sumama sa iba pang mga magulang

Mahalaga ito lalo na kung ang pakiramdam ay mag-isa ka sa iyong pinagdadaanan. Kadalasan, kapag ang pakiramdam ay napakabigat na ng pinagdadaanan, nalilimutan isipin ng tao na hindi siya nag-iisa.

Maaaring makipagkita sa mga kaibigan na may anak rin at makapag-usap habang naglalaro ang mga bata. Hindi ka lamang nito binibigyan ng mapaglalabasan ng mga stress sa buhay, mayroon ka ring nabigay na kalaro sa iyong anak.

Ang ibang mga magulang ay maaaring magsilbing support group para sa kalusugan ng iyong pag-iisip. At malay mo, makakuha ka rin ng ibang tips para mabawasan ang iyong parental stress.

5. Baguhin ang pag-iisip

Asian young happy family enjoy vacation on beach in the evening. dad, mom and kid relax playing together near sea when sunset while travel holiday. lifestyle travel holiday vacation summer concept. Free Photo

Kadalasan, sa pagtuon natin sa ating stress, nakikita natin ito bilang masmalaki kaysa sa kung ano talaga ito. Sa isang maliit na problema lamang, lumalaki ito dahil lamang sa stress na ikinakabit natin dito. Dahil dito, ang mga simpleng problema ay nagigign napakabigat na pinagdadaanan.

Baguhin ang ganitong pag-iisip at tignan ang mga bagay sa kung ano talaga ito. Sa susunod na may maisip na negatibong bagay, hamunin ang sarili na mag-isip ng bagay na mas positibo.

 

Source:

Psychology Today

Basahin:

Why you should have confidence in your parenting style

Partner Stories
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • Mothers need a break too! 5 benepisyo ng pagpapahinga
Share:
  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

    Let’s Not Fail Our Kids: An Open Letter to Corporations and Builders

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko