Sa pagdating ng mga bakuna kontra COVID-19 at pagbaba ng travel restrictions, maraming pamilya ang nagpatuloy na sa kanilang planong magbakasyon.
Mahirap bumiyahe kasama ang bagong panganak na sanggol. Gayunpaman, may mga pag-iingat na maaari mong gawin. Upang matiyak na ikaw at ang iyong baby ay magkaroon ng ligtas at kasiya-siyang paglalakbay.
Talaan ng Nilalaman
Kailan pwede ibyahe ang sanggol?
Kung ang paglalakbay ay isang malaking bahagi ng iyong buhay bago ka naging isang magulang, malamang na lubos mong inaasahan na maglakbay kasama ang iyong bagong silang na sanggol.
Ang paglalakbay kasama si baby ay tiyak na nakakabahala, ilan sa marahil sa inaalala ng magulang ay, kung safe na ba para kay baby ang pagbiyahe, kung ano pa ang dapat ikonsidera at alalahanin sa pagbibyahe at lalong lalo na siguro, kung kailan nga ba maaaring bumyahe kasama ang iyong sanggol.
Karaniwang ipinapayo ng mga doktor na ipagpaliban ang pagbyahe hanggang sa lumakas ang immune system ni baby. Para sa mga full-term na sanggol, maaari itong mangyari matapos ang isang buwan. Gayunpaman, karamihan sa mga doktor ay mas gusto ang tatlo hanggang animna buwan.
Dahil sa mababang pressure ng hangin sa eroplano, ang mga premature na sanggol o sanggol na mayroong sakit sa puso o sa baga ay maaaring mahirapang huminga. Kung ganito ang kaso ng iyong anak, magpakonsulta muna sa inyong pediatrician bago magplanong bumyahe.
Pero kung ang plano mo naman ay ang isama ang iyong baby sa isang road trip. Narito ang ilang mga gabay upang mapanatiling ligtas at kaaya-aya ang iyong baby sa buong byahe.
Kailan pwedeng ibyahe si baby gamit ang sasakyan?
Maliban sa babala tungkol sa immune system development ni baby, malamang naiuwi ninyo ang inyong sanggol gamit ang sasakyan. Wala namang limitasyon sa pagbyahe gamit ang sasakyan.
Gayunpaman, kinakailangan mo pa rin masigurado ang kaligtasan ni baby habang nasa loob ng sasakyan. Narito ang ilang mga tips para sa ligtas na paglalakbay:
-
Suriin ang car safety seat
Kung ang iyong plano ay isang mahabang byahe. Siguraduhin na ang car seat ng iyong baby ay maayos na naka-install. Ang car seat ay dapat naka-install ng nakaharap sa likuran at nasa tamang anggulo.
-
Samahan sa backseat ang iyong baby
Mas mainam na may kasamang matanda o responsableng nakakatandang kapatid sa likod na upuan kasama ang inyong baby. Upang mabilis na maibigay ang kanilang pangangailangan habang nasa byahe.
-
Dalasan ang paghinto
Upang maiwasan ang pagkapagod, matapos ang ilang oras, ikaw at ang iyong baby ay mainam na lumabas at mag-unat. Para sa isang araw na byahe, subukang himinto tuwing 2-3 oras at tuwing 4-6 na oras sa gabi.
Para magpalit ng diapers o maduming damit o upang pakainin si baby. Ang pagpapadede ay hindi dapat subukan sa loob ng umaandar na sasakyan.
-
Panatilihing malapit ang mga pangangailangan
Mag-pack ng diaper bag o isang cooler sa likod na upuan upang mapanatiling malapit ang mga gamit na kakailanganin. Ang ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng:
- Extra diapers, wipes, diaper cream, changing pad, damit, basurahan ng maduming diapers, at hand sanitizer
- Formula o gatas ng in ana nakalagay sa yelo o sa isang cooling bag, pati na rin ang mga bib
- Pacifiers, paboritong laruan, libro, o device kung saan maaaring makapagpatugtog
- Thermometer
Magdala din ng pagkain at inumin para sa iyong sarili. Kung kinakailangan na huminto sa isang coffee shop sa daan. Huwag iiwan ang iyong baby sa loob ng sasakyan. Kahit pa sa loob lamang ng ilang minuto. Sa sobrang init na mga sasakyan, mabilis ma-heat stroke ang mga baby.
-
Isaalang-alang ang kaginhawaan sa routine ng iyong sanggol ang pagbyahe
Kung kinakailangang bumyahe ng ilang oras, ikonsidera na umalis ng maaga habang natutulog pa ang iyong anak, o sa oras ng kanyang mahabang tulog. Ikonsiderang bumyahe sa gabi kung saan ang iyong anak ay kadalasang tulog, lalo na sa mahahabang byahe.
-
Magplano ng mga bagay na hindi nangyayari ayon sa plano
Mahirap bumyahe na may kasamang sanggol. Mahalagang magpatuloy kahit mayroong maliliit na problema. Huwag masyadong mag-alala kung hindi umaayon sa plano ang ibang nangyayari.
Isaalang-alang ang inyong mga advantages: ang pagbyahe sa sasakyan ay nakapagbibigay-daan sa’yo na makahinto ng ilang beses kung kinakailangan, at sundin ang inyong sariling oras.
Kailan ligtas na ibyahe sa eroplano ang isang sanggol?
Bagaman ang mga sanggol ay maaaring ilipad pagkapanganak, dapat malaman ng mga magulang ang ilang problema sa kalusugan at kaligtasan ng kanilang anak.
Ayon kay Elizabeth Merger, M.D., karamihan sa mga pediatrician ay naniniwala na ang sanggol na nasa 4-6 linggo pa lamag ay kaya nang makasakay sa eroplano. Gayunpaman, ito ay para lamang sa mga malulusog na sanggol na nakatanggap ng go-signal mula sa kanilang mga doktor.
Ang mga premature babies, pati na rin ang mga sanggol na may problema sa baga o ano pa mang sakit, ay mas mainam na ibyahe sa lupa.
Dagdag pa rito, maaaring ipayo ng doktor sa mga nanay na nagdaan sa C-section o problema sa panganganak ang mas mahabang panahon ng pagpapahinga.
Palaging manghingi ng go signal mula sa inyong pediatrician bago magplanong bumyahe sa isang destinasyon sakay ng eroplano.
Bukod sa edad na 4-6 months old o linggong gulang ng iyong newborn baby sa pagbiyahe sa eroplano, mainam din na i-check at tignan ang mga policies o guidelines ng airlines na iyong napiling sakyan.
Mayroon itong mga minimum age na requirement bago ibyahe ang isang sanggol. Ang mga sanggol na 2 days old hanggang 2 weeks old ay kadalasang maaari at pinahihintulutan na bumyahe sa mga eroplano.
Sa ilang mga kaso, ang mga newborn baby ay hindi binibigyan ng pahintulot sa pagbiyahe ng walang doctor’s note. Kakailanganin din ang proof o patunay sa edad ng iyong sanggol.
Gayunpaman, kung hindi pa nailalabas o dumating ang opisyal na papeles mula sa gobyerno, maaaring gamitin muna ang anumang hospital forms na mayroon si baby at ito ang ipresenta sa airlines.
BASAHIN:
May tumutunog sa paghinga ng sanggol? Mga dahilan at posibleng gamot sa halak ng baby
Parent’s Guide: 5 paraan para mapatahan ang umiiyak na baby
Pagkapanganak, gaano kaaga pwedeng ibyahe ang sanggol?
Mga konsiderasyon sa pag-air travel kasama ang isang newborn
-
Mikrobyo at sakit
-
Pressure ng hangin at ang tenga
-
Problema sa paghinga
-
Makulit na pag-uugali
-
Ibang tao
Hindi lang dahil ligtas ibyahe ang karamihan sa mga sanggol, ang mas magandang balita ay ikaw at ang iyong pamilya ay hindi na kinakailangang ipagpaliban ang inyong travel goals.
Travel essentials ni baby
-
Passports at birth certificates
-
Sanitary items, tulad ng anti-bacterial baby wipes, changing pads, diapers, diaper cream at diapers bag.
-
Baby bottles at bottle brush, kung kakailanganin.
-
Changing clothes ni baby o burp clothes at bibs.
-
Mainam na magdala ng mga resealable bags upang may mapaglagyan ng maruruming damit ni baby.
-
Hand sanitizers, hand creams at baby wash
-
First aid kit
-
Huwag ding kalimutan ang sleeping gear ni baby, tulad ng swaddle sleep sack.
-
Baby carriers, bassine, baby clothes at strollers.
-
Nursing covers at ilang mga feeding equipment.
Ilang useful tips sa pagbabiyahe kasama si baby
- Magpahinga nang maayos bag pang nakalaang pagbabyahe. Makatutulong ito upang mapanatili ang katawan ng maayos at mahanda ang katawan sa anumang sitwasyon.
- Siguraduhin na maayos ang lagay ni baby bago bumyahe.
- Kung nasa byahe na, maglaan ng sapat na espasyo para kay baby.
- Mag-impake ng ekstrang blanket at mat para sa pagpapatulog kay baby kung by-air ang pagbabyahe.
- Lagi’t laging magkaroon ng planning list, upang organisado at maayos lamang ang daloy ng byahe.
Kung nais mong basahin ang English version ng article na ito, i-click dito!
Karagdagang ulat mula kay Jasmin Polmo
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.