Naiinis ka ba sa pag-iyak at pagwawala ng iyong bulinggit at madalas mo nang natatanong sa iyong sarili kung paano patahanin ang baby?
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga kadalasang dahilan sap pag-yak ng bata
- Paano pakalmahin ang umiiyak na baby
- Paano patahimikin hanggang sa makatulog ang baby
Ang unang pag-iyak ng ating mga anak ay parang musika sa ating tenga. Dahil isa itong senyales na dumating na siya matapos ang ilang buwanng paghihintay, at mayroong magandang baga!
Pero habang dumadaan ang mga araw, ang kanilang pag-iyak at pagsigaw ay nagiging kabaha-bahala, at para sa ilang magulang ay nagreresulta ng pagkagalit at pagkabalisa.
Bilang isang magulang, paniguradong may mga gabing wala kang tulog. At hindi na rin bago ang nararamdamang frustration lalo na kapag umiiyak o nagsisisigaw ang iyong baby.
Pero kapag nalaman mo, hindi umiiyak ang iyong baby para inisin ka. Maaaring umiiyak siya upang makuha ang iyong atensyon, dahil wala naman silang ibang paraan upang maipaalam sa ‘yo.
Ang pag-iyak ang natatanging paraan ng pakikipag-usap ng mga sanggol. Kaya naman mabuting matugunan agad ang kanilang pangangailangan upang mapatigil ang kanilang pag-iyak at mapakalma ang sanggol.
Mga kadalasang dahilan ng pag-iyak ng baby
Nakakabahala talaga ang pag-iyak at pagsigaw ng mga baby natin lalo na kapag hindi natin alam kung ano ang dahilan ng kanilang pag-iyak.
Pero kahit gaano man ito kahirap, mayroon pa ring mga paraan upang malaman kung bakit sila umiiyak. Narito ang ilan sa mga kadalasang dahilan kung bakit sila umiiyak para rin malaman natin kung paano patahanin ang baby natin:
1. Gutom
Ang mga bagong silang na sanggol ay madalas kumakain sa umaga. Sapagkat maliit lamang ang kanilang mga tiyan at kaunti lamang ang gatas na kaya nito, madali nila itong nada-digest (lalo na kapag ito ay breast milk). Kaya naman bago mo pa ulit maisip, maaaring gutom na ito at pwede nang pakainin ulit.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-iyak ang isa sa mga huling senyales na gutom na ang baby, kaya naman mas mainam ng iba pang mas maagang senyales tulad ng lip-smacking, pagsubo ng kamay, at rooting o paghahanap ng masisipsip ng kanyang bibig.
2. Gas sa tiyan
Ang pag-inom ng maraming gatas ay maaaring mag-iwan ng hangin sa tiyan ng baby. Dahilan para hind imaging komportable at iritable. Maaaring dahil ito sa poor latch o hindi makasuso ng maayos.
Pwede ring hindi komportable ang posisyon ng pagdede, o kaya naman ay sadyang gutom ang baby dahilan para makainom ito ng maraming gatas kumpara sa normal na dami ng kanyang iniinom.
Larawan mula sa Pexels
3. Basa o maduming diapers
Sinomang maupo sa basa o maduming pantalon ay magiging iritable. Ang isang sanggol ay nakakagamit ng anim o mas marami pang basang diapers sa isang araw.
Kaya ang palagiang pag-check kung bas ana ito ay makakaiwas sap ag-iyak ng baby. May mga sanggol naman ang ugaling dumumi sa malinis na diaper, kaya minsan kailangan muna nilang linisan, bago dudumi.
4. Pagod
Kahit ang mga matatanda ay naiirita kapag nagkukulang ang tulog. Para sa unang tatlong buwan, ang mga sanggol ay natutulog ng 14 hanggang 17 na oras sa isang araw na may spurts ng dalawa hanggang apat na oras.
Kung kayo ay nasal abas o kaya’y may bisita at hindi nagkaroon ng pagkakataon na mapatulog ang baby. Asahan ang pagiging iritable nito.
Tulad ng pagkagutom, ang pag-iyak ang huling senyales na pagod na ang baby, kaya naman tignan ang iba pang maagang senyales tulad ng paghila sa tenga, pag-aalog ng kanilang braso at binti, at pagsubo ng kanilang daliri.
5. Colic
Matagal, hindi maintindihan, at sobrang pag-iiyak ay tinatawag na colic, na kadalasang nangyayari sa mga baby. Mangyaring magpakonsulta sa doktor kung sa iyong tingin ay umiiyak ng sobra ang iyong baby.
6. Overwhelmed o overstimulated
Nangyayari ito kapag masyadong maraming nangyayari sa paligid ng isang baby. Ang kanyang senses ay nakakakuha ng masyadong maraming stimulation na nagiging dahilan para mahirapan itong mag-focus sa isang bagay o kaya maging frustrateddahil doon. Maaaring pumunta sa tahimik o medyo madilim na kwarto.
Larawan mula sa Shutterstock
7. Mainit o malamig
Ang mga sanggol ay sensitibo sa init at lamig. Tayong mga magulang ay kadalasang nagkakamali dito kahit na tayo ay nasa tropikal na bansa.
Ang sobrang init ay isa sa mga nagiging dahilan ng sudden infant death syndrome o SIDS. Maaari rin itong maging dahilan ng pagiging iritable at pag-iyak ng baby.
Upang malaman kung ang iyong baby ay nakakaranas ng overheating, hawakan ang likod ng leeg kung ito ay mainit o nagpapawis.
Samantala, kung kayo ay nakatira sa malamig na lugar, o palaging nasa loob ng airconditioned room, maaari mo ring tignan ang kamay at paa ng baby upang malaman kung ito ay malamig, na nagiging dahilan din ng kanilang pagkairita.
8. May Sakit
Panghuli, ang pag-iyak ay isa ring indikasyon na ang sanggol ay may sakit. Kung sa tingin mo siya ay may lagnat (isang sensyales ng impeksyon), tignan agad ang kanyang termperatura. Huwag mag-alinlangan na tumawag ang inyong pediatrician kung sa tingin mo siya’y may sakit at sobrang irritable.
Mas maagang matukoy ang dahilan ng paagkairita, mas malalaman kung paano ito sosolusyunan. Normal lang na madismaya sa pag-iyak ng iyong baby, pero hindi rin okay na alog-alugin ang baby para tumigil sa pag-iyak.
Ano pa man, maaari itong magresulta sa abusive head trauma (AHT), o kilala rin sa tawag na shaken baby syndrome (SBS), na maaaring magdulot ng severe brain damage o pagkamatay, lalo na sa mga sanggol.
Kaya naman imbis na kagalitan, minsan nakatutulong na bumalik sa mga basikong paraan.
BASAHIN:
Iyak ng iyak si baby sa gabi, dapat bang ikabahala?
Does your baby have colic? What are the signs and how to provide relief
Madalas na pag-iyak ng baby, maaaring sanhi ng colic
Paano patahanin ang baby? 5 na paraan upang paklmahin ang iritableng baby
Bagama’t walang one-size-fits-all para pakalmahin ang isang umiiyak na baby, matutuklasan at masasanay ka rin kung ano ang tamang diskarte sa pagpapakalma na iyong anak. Narito ang ilan sa mga subok nang mga ideya kung paano pahatahanin ang baby.
-
Recreate the womb
Sa pamamagitan ng pag-indayog tulad ng mga panahon na ang iyong baby ay nasa iyong sapupunan pa. Binibigyan mo ang baby ng maginhawa at ligtas na pakiramdam na nakakapagpakalma sa kanila kapag sila ay hindi kompotable at irritable.
Maaaring i-sway ang baby ng kaliwa’t kanan o kaya ay maglakad-lakad habang nakabalot sa carrier ang iyong baby. Maaari rin silang iduyan habang nakalagay sa duyan o crib.
Nakakatulong din ang paghimas, na nakakapagparamdam sa kanila ng kaligtasan, katulad ng sinapupunan.
-
Palaging gumamit ng loving touch
Kangaroo care o skin-to-skin care contact ay hindi lamang para sa mga premature baby. Nkakatulong din ito sa pagpapakalma sa mga sanggol na may tantrums.
Kapag nararamdaman nila ang mainit na balat, ang temperature ng kanilang katawan, heart rate, at stress hormones ay kumakalma. Ang paghawak sa kanila ay nakakatukong sa pagtaas ng oxytocin, na kilala rin sa “love and bonding hormone.”
Nakonsidera mo na ba ang paghilot sa mga paa ng baby? Ayon sa mga eksperto sa reflexology, naniniwala sila na ang ilan sa mga bahagi ng paa ng baby ay konektado sa iba pang bahagi ng katawan, tulad din ng sa matatanda.
Tulad ng paglalagay ng kaunting diin sa hinlalaki ng paa ng baby upang mapaganda ang mood ng baby. Ang pagkuskos sa tuktok ng mga hinalalaki sa paa ng baby ay sinasabing nakakapagpagaan ng pakiramdam kapag ito ay tinutubuan ng ipin.
Ang paghilot sa gitna ng paa ng baby ay nakakatulong sasakit ng tiyan at pagganda ng kanilang paghinga. Huwag ding kalimutan na hindi pwedeng hilutin ang kanilang paa ng higit sa sampung minuto.
-
I-expose sila sa mga pamilya at nakakaaliw na tunog
Habang nasa sinapupunan, ang mga sanggol ay umaayon sa mga ritmo at banayad na tunog. Kaya ang pagpapatugtog ng mga malumanay na musika o kanta na pinapakingganmo habang buntis ay nakakapagpaalala sa kanila ng kanilang ligtas na espasyo sa iyong sinapupunan.
-
Subukang baguhin ang tanawin
Ilan sa mga magulang ay inilalabas ang kanilang baby o ipinapasyal ng panandalian upang hindi mairita ang baby. Ang malumanay at consistent o pare-parehong galaw ng sasakyan o stroller ay nakakatulong upang makatulog angbaby.
-
Harapin ang gutom at iwasan ang sobrang pagpapakain
Ang gutom ay nakakaoverwhelmed sa mga sanggol dahil ito ay isang bagong pakiramdam. Kahit sila ay pinapasuso o pinapagatas sa bote, ang pagbibigay sa kanila ng gatas kapag sila ay nagising sa gabi ay makakatulong upang makatulog sila ulit.
Ngunit mahalaga na huwag maparami ang mapainom na gatas sa baby. Sapagkat maaari itong magdulot ng hangin sa tiyan o kaya ay colic. Obserbahan kung may iba pang senyales ng pagkagutom bago mag-assume na kailangang pagatasin ang baby.
Minsan maaari ring bigyan ng pacifier ang baby sapagkat ang sensasyon sa pagsipsip nito ay nakakapagpakalma sa kanila. Pero dapat ay iwasan din na masanay ang baby sa pacifier.
Kung ikaw ay nagpapa-breastfeed, at mas mainam na magpabreastfeed na lamang. Ito ay nakapagbibigay ng ginhawa at ng magadang pagpapabreastfeed at priceless bonding.
Tandaan!
Kapag ikaw ay nasanay na sa tunog ng iyak ng iyong baby, madali mo nang malalaman kung ano ang dahilan ng kanyang pag-iyak.
Gayunpaman, ang matinding pag-iyak at pagsigaw ay maaaring magpahiwatig ng hindi pangkaraniwan na antas ng pag-iyak tulad ng pagiging colic o pagkakaroon ng iba pang medical condition.
Kaya naman kapag ito ay nangyari, ‘wag magdalawang-isip na magpakonsulta sa inyong pediatrician upang matignan ang kalagayan ng iyong baby.
At kung ang iyong baby ay nagsisimulang magpa-trigger ng negatibong emosyon tulad ng galitat pagkabalisa, huwag kakalimutang magpahinga rin.
Mahirap magpakalma ng iritableng sanggol, lalo na kung ikaw palagi ang nag-aasikaso na minsan ay kinukulang na sa tulog. Siguraduhin na ligtas ang iyong baby at makiusap sa iyong partner o kamag-anak na sila muna ang mag-asikaso sa baby.
Kapag ika’y nakapagpahinga na at nasa tamang disposisyon upang magpakalma ng bata, maaari mong subukan muli.
Additional information by Camille Eusebio
Isinalin sa wikang Filipino ni Shena Macapañas
Kung nais basahin ang English version ng artikulong ito, i-click dito!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!