TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login / Signup
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Iyak ng iyak si baby sa gabi, dapat bang ikabahala?

4 min read
Iyak ng iyak si baby sa gabi, dapat bang ikabahala?

Narito ang limang dahilan kung bakit umiiyak sa gabi ang iyong anak. | Lead image from iStock

Pansin mo bang iyak ng iyak si baby sa gabi? Stress at hindi malaman ang gagawin, ano? Parents, narito ang paliwanag ng mga eksperto kung bakit aktibo ang pag-iyak ng iyong anak sa gabi. (Goodbye, sleepless nights na!)

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga dahilan ng pag-iyak ni baby
  • Paraan para patahanin ang iyak ng iyak na baby

Iyak ng iyak si baby sa gabi, dapat bang ikabahala?

Sa pagtunog ng alarm clock ni mommy, isa na itong hudyat na kailangan na niyang bumangon at punan ang panibagong araw ng pagiging nanay.

Paghahanda ng kape ni tatay, pagdidilig ng halaman, pagluluto ng umagahan pati na rin ang pagpapaligo kay bunso, lahat ito ay parte ng umaga ni nanay.

BASAHIN:

Madalas na pag-iyak ng baby, maaaring sanhi ng colic

10 dahilan kung bakit umiiyak si baby at kung paano siya mapapatahan

Sleep training: Okay lang bang hayaang umiyak ang baby sa gabi?

Siyempre, hindi mawawala ang pagpapadede kay baby na siyang dahilan kung bakit lagi kang puyat sa gabi. ‘Yung tipong kahit pinadede mo na si baby at alam mong wala itong ibang kailangan pero iyak ng iyak pa rin sila sa gabi.

Tanong ng ating moms, ano ba ang dahilan sa likod ng matinding pag-iyak ni baby sa gabi? Narito ang mga posibleng dahilan:

1. Napapagod din si baby

Kahit na buong araw na nakahiga si baby sa kaniyang crib, alam niyo bang napapagod din sila?

May sikat na paniniwala ang ilan na kapag nanatiling gising si baby sa araw ay magandang senyales ito dahil makakatulong siya ng mahimbing sa gabi. Subalit lingid sa kaalaman ng lahat, ito ay mali. Ang pagod na baby ay mahirap patahanin.

iyak ng iyak si baby sa gabi

Iyak ng iyak si baby sa gabi | Image from Unsplash

2. Gas? Gas!

Isa pang dahilan ng pag-iyak ni baby sa gabi, ay maaaring sobra-sobra ang gas sa kanilang tiyan. Sanhi ito ng matinding pressure, iniiyak na lamang nila ang pagiging uncomfortable ng hindi makalabas na gas!

3. Pagiging sensitibo

Subukan mong pumunta sa kuwarto ng iyong anak sa gabi. May napansin ka bang sobrang liwanag na ilaw? Mahina ngunit nakakairitang tunog ng aircon? Paano ang temperatura sa loob ng kaniyang kwarto, masyado bang mainit at malamig?

Parents, maaaring iyak ng iyak si baby sa gabi dahil sa mga pagbabago sa kaniyang paligid.

iyak ng iyak si baby sa gabi

Iyak ng iyak si baby sa gabi | Image from Unsplash

4. Gutom na sanggol

Sa patuloy na paglaki ni baby, tumataas din ang pangangailangan nito sa pagkain. Maaaring umiiyak sa gabi ang iyong anak dahil gutom ito o kulang ang nabigay mong gatas.

5. Colic

Sa apat na maaaring dahilan ng pag-iyak ni baby sa gabi na nabasa mo sa itaas, alin siya rito? Kung wala at patuloy na umiiyak si baby na umaabot ng ilang oras, ‘wag itong balewalain! Ipatingin agad ang iyong anak sa doktor upang masuri ang dahilan ng kaniyang pag-iyak.

Paano patahanin ang iyak ng iyak na baby?

iyak ng iyak si baby sa gabi

Iyak ng iyak si baby sa gabi | Image from Unsplash

Lahat ng nanay sa phase na ito ay nais magkaroon ng sapat na tulog. Kaya naman basahin ang ilang tips kung paano patahanin si baby!

  • Bigyan ng gatas. Ito naman at ang pinakakaraniwan na ginagawa ng magulang kapag nakitang umiiyak ang kanilang baby. Bigyan ito ng iyong gatas dahil baka gutom lang si baby!
  • Ilakad. Kung sakaling walang tigil sa pag-iyak si baby, kargahin ito at i-hele. Maaaring ilakad ng marahan sa loob ng bahay. Paniguradong makakatulog ito sa mahinang pag-alog ni mommy.
  • Pansinin ang paligid. Kung maingay ang tunog ng aircon, mabuting pahinaan ito. Masyado bang malamig o mainit sa loob ng kwarto? Gawing katamtaman ang temperatura. Baka naman distracted si baby sa nakakairitang ilaw sa kaniyang kwarto, mabuting patayin muna ang ilaw sa loob.
  • Magpatugtog ng music. Paniguradong relaxing ang pagtulog ni baby sa gabi kung bibigyan sila ng malumanay na musika habang natutulog.
  • Posisyon sa pagpapasuso. Isa ring factor na kailangang tandaan ni mommy ay ang tamang posisyon kapag pinapadede si baby. Madaling makatulog ang isang sanggol kuung komportable ito sa kaniyang pwesto.
  • Padighayin. Ugaliin din ang regular na pagpapadighay kay baby. Makakatulong ito para maalis ang gas sa kanilang katawan na siyang nagiging dahilan din ng pagiging hindi komportable nila sa pagtulog.

 

Source:

Healthline

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Partner Stories
Nourishing Language Development with Promil Gold
Nourishing Language Development with Promil Gold
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Iyak ng iyak si baby sa gabi, dapat bang ikabahala?
Share:
  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

  • Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

    Kailangan Pa Ba ng Milk ang Toddler? Gaano Karami at Ano ang Role ng Calcium?

  • What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

    What Are the Key Vitamins Toddlers Need for Healthy Growth?

  • Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

    Bagong Silang na Sanggol, Itinapon sa Gilid ng Bahay

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko