STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

Ano nga ba ang epekto ng baby talk sa iyong anak? Isa sa rason nito ay ang pagkuha ng atensyon ng iyong baby gamit ang matinis at malilit na boses mo. | Lead image from iStock

Epekto ng baby talk

May nakapagsabi na ba sa’yo na “‘Wag mong i-baby talk ang anak mo.”? Kadalasan natin itong naririnig sa mga magulang kung saan payo raw sa kanila ng mga pamilya, kaibigan at health care professional na ‘wag sanayin ito.

Mababasa sa artikulong ito ang:

  • Mga pag-aaral para sa infant-directed speech
  • Pagbuo ng bod kay baby sa paggamit ng baby talks
  • Baby talks sa ibang bansa

Kabilang sa pag-aaral na ito ang mahigit 2,000 na infant sa 67 na laboratories sa 16 na mga bansa. Dahil rito, nakapagbigay sila ng dahilan na sumasalungat sa paniniwala na bawal mag-baby talk.

epekto ng baby talk

Epekto ng baby talk | Image from Unsplash

Para sa mga researcher, hilig na ng mga bata ang mag baby talk o mas kilala sa kanila bilang “infant-directed speech”. Mas gusto ng mga bata na makinig sa infant-directed speech, kaya naman makabubuti ang pagkausap sa kanila para mapabuti ang kanilang skills sa pagsasalita.

Ano ang infant-directed speech? Isipin mo kung paano sabihin ang “tignan mo ang bola” sa maliit at cute na 6-month-old. Ngayon, isipin mo kung paano sasabihin ang parehong mga salita sa iyong kaibigan o katrabaho.

Mapapansin mo na lumiliit at tumitinis ang iyong boses kapag kinakausap ang isang baby. Ito ay kumpara sa pagkausap sa matatanda. Ang ritmo rin ng boses natin ay may mahabang pause at nagiging “exaggerated” kapag kinakausap ang mga baby.

Ang mga taong kumakausap sa mga bata ay gumagamit ng simpleng salita, nagtatanong ng marami at pagbabago ng tunog ng ibang salitang sinasabi.

Pagbuo ng bond kay baby

Ano nga ba ang epekto ng baby talk sa iyong anak? Isa sa rason nito ay ang pagkuha ng atensyon ng iyong baby gamit ang matinis at malilit na boses mo. Mapapansin ka na agad ni baby!

epekto ng baby talk

Epekto ng baby talk | Image from Unsplash

Mas napapabilis na matutunan ni baby ang isang salita kapag paulit-ulit nila itong naririnig. Dagdag pa rito na ang infant-directed speech at kumokonekta sa emosyon ng mga bata. Dito nagkakaroon ng magandang bonding ang caregiver at sanggol. Iba pang benepisyo nito ay isang paraan para sa development ng kanilang pagsasalita. Mas madali itong intindihin kaysa sa salitang ginagamit ng mga matatanda.

Global variations?

Mahilig din bang mag baby talk ang mga sanggol sa ibang bahagi ng mundo? Sa isang pag-aaral, napagalaman na ang mga North American parents ang pinakagumagamit ng baby talk sa anim na iba’t ibang wika.

May ibang lugar na hindi guamgamit ng baby talk ang mga magulang sa pagkausap sa kanilang anak. Isa narito ang isang komunidad sa Bolivia at Mexico. Hindi nila kinakausap ng baby talk ang kanilang anak ngunit natututunan naman ng mga sanggol ang kanilang wika sa sariling kakayahan.

BASAHIN:

Baby talk, cries, at movement: Isang gabay para maintindihan ang gustong sabihin ni baby

#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom

Dapat bang mabahala kung hindi pa nagsasalita si baby?

Ang proyektong ito ay kinakabilangan ng mga researcher mula sa 16 na bansa. Bawat lab ay gumagamit ng parehong method para masukat ang preference ng mga sanggol.

Nadiskubre namin na mas gusto ng mga sanggol ang clips na kinakausap ang anak nila kumpara sa mga babaeng matanda ang kausap.

Isa ring pag-aaral na pinamunuan ni Krista Byers-Heinlein mula sa Concordia University ang nakadiskubre ng parehong resulta. Ang mga sanggol na nakakarinig ng iba’t ibang wika ay mas ninanais pa rin na pakinggan ang baby talk.

Kausapin ang iyong baby

Ibig bang sabihin nito na kailangang kausapin ng baby talk ang mga sanggol? Ang sagot ay oo! Mas gusto ng mga bata na makarinig ng baby talk base sa maraming komunidad na kabilang sa aming pag-aaral.

epekto ng baby talk

Epekto ng baby talk | Image from Unsplash

Marami pa ang maaaring magawa. Hindi namin magagawang i-test ang bawat baby sa komunidad. Hindi pinepresenta ng dalawang kontinente ang aming pag-aaral: South America at Africa. Kasalukuyan kaming gumagawa ng panibagong proyekto sa tulong ng ibang labs.

Napatunayan ng aming pag-aaral ang iba’t ibang salik na makakaapekto sa mga sanggol kapag kinakausap sila. Sa bawat komunidad, ang mga caregiver ay kinakausap ng iba ang kanilang alaga. Ang bawat bansa ay magkakaiba.

Walang “mali” na paraan sa pagkausap sa iyong baby. Siguraduhin lang na gawing positibo ang baby talk bilang pagsuporta sa speech development ng iyong anak.

 

“Why a Little Baby Talk is Good for Your Toddler”  by Melanie Soderstrom, University of Manitoba and Michael C. Frank, Stanford University

Melanie Soderstrom, Associate Professor in Psychology, University of Manitoba and Michael C. Frank, David and Lucile Packard Professor of Human Biology, Stanford University

This article is republished from The Conversation under a Creative Commons license. Read the original article.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Translated in Filipino by Mach Marciano

STUDY: Epekto ng baby talk sa mga sanggol, nakabubuti!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner