Hindi lingid sa karamihan na ang pagbubuntis ng babae sa mas-matandang edad ay delikado sa kalusugan ng baby.
Ngayon, ayon sa pagsasaliksik ng Rutgers, ang mga lalaki rin ay may biological clock. Ang larangan ng medisina ay wala pang tiyak na edad para masabing advanced paternal age na ito.
Ganon pa man, ang kanilang kinonsidera na edad ay nasa 35 hanggang 45 na taong gulang. Patuloy na dumadami ang bilang ng mga batang pinanganak sa ama na nasa edad 45 taong gulang pataas. Sa taon na ito, tumaas ang bilang na ito nang 10% sa nakaraang 40 taon.
Pag-aaral ng Rutgers
Ang pag-aaral ay na-ipublish sa talaarawan na Maturitas. Ang mga impormasyon na ginamit dito ay ayon sa 40 taong pag-aaral. Sinuri ang epekto ng edad ng mga magulang sa fertility, pagbubuntis at kalusugan ng bata.
Ayon kay Gloria Bachmann, karamihan sa mga panganib na dulot nito ay dahil sa pagbaba ng testosterone ng kalalakihan habang nagkaka-edad. Kasama rin dito ang sperm degradation at poor semen quality.
Ang mga sperm ng kalalakihan ay hinalintulad sa paghina ng mga muscle at pagkawala ng flexibility sa pagtanda. Ang pinsala sa sperm dahil sa pagtanda ay maaaring magdulot ng pagababa ng bilang nito. Mayroon din itong dalang pagbabago sa sperm na nasasama sa DNA ng bata sa pagkabuo nito.
Ang hereditary mutations ay nauugnay sa advance paternal age sa pagkabuo ng bata.
Nakita na 1 sa 141 na batang may ama na edad 25 pababa ay nagkaroon ng schizophrenia. Kinumpara ito sa datos na 1 sa 47 na batang may ama na edad 50 pataas na nagkaroon ng schizophrenia.
Tumataas rin ang panganib ng autism sa mga batang may ama na edad 30 hanggang 50 na taong gulang. Kahit malinaw na may koneksyon ang autism at schizophrenia sa pagkakaroon ng mas matandang ama, hindi parin alam ng mga eksperto ang sanhi nito.
Mga panganib na dulot sa kalusugan ng baby at ng ina nito
Ayon sa pagsusuri, ang mga kalalakihang may edad 45 taon pataas ay maaaring makaranas ng problema sa fertility.
Maaari rin malagay sa panganib ang kalusugan ng asawa dahil sa mga problema na maaaring makuha sa pagbubuntis. Kabilang sa mga ito ang:
- Preeclampsia
- Gestational diabetes
- Preterm birth
Ang mga panganib naman sa kalusugan ng baby ay:
- Preterm birth
- Late still birth
- Mababang Apgar scores
- Mababang timbang sa kapanganakan
- Mas mataas na posibilidad ng newborn seizure
- Iba pang depekto sa kapanganakan tulad ng sakit sa puso at cleft palate
Sa pagtanda ng mga batang ito, nakitang masmataas ang posibilidad na magkaroon sila ng kanser sa bata, psychiatric at cognitive disorder, at autism.
Rekomendasyon
Inirerekomenda ni Gloria Bachmann na kausapin ng mga physician ang mga kalalakihan tungkol sa mga panganib na ito.
Kung ang mga kalalakihan ay balak iaantala ang pagpapamilya, dapat nilang i-konsidera ang sperm banking. Maganda itong gawin sa edad na 35 na taong gulang hanggang 45 na taong gulang.
Source: Rutgers Today
Photo by César Abner Martínez Aguilar on Unsplash
Basahin: Alam niyo ba na may tamang edad kung kailan dapag magkaanak ang mga lalaki?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!