Wala na atang sasakit kapag nalaman mong nangangaliwa ang iyong asawa. Mapapatanong ka na lang sa iyong sarili kung ano ang kulang sa ‘yo dahil buong tiwala at pagmamahal mo naman ang inalay sa iyong partner.
Ngunit nangyayari talaga ang hindi dapat mangyari. May pagkakataon na kailangan mong putulin na ang tali na nag-uugnay sa iyong manglolokong asawa para na rin sa ikakabuti ng buhay mo. Pero paano kung nasa proseso na kayo ng paghihiwalay at biglang namatay ang iyong asawa? Hindi lang ‘yan, bigla na ring may kakatok sa inyong pinto at magpapakilalang kabit siya ng asawa mo at ang sadya? Sustento ng kanilang lumalaking anak sa tiyan nito.
Ano ang gagawin mo sa iniwan na problema sa’yo ng asawa mo?
Legal wife: “Hinihingian ako ng pera ng kabit ng namatay kong asawa…”
Isang babae ang nagbahagi ng kaniyang karanasan sa Reddit.
Ayon sa kaniya, hindi na maayos ang pagsasama nila ng kaniyang asawa at nagkasundong maghiwalay na lamang. Ngunit sa gitna ng pag-aasikaso nila ng kanilang divorce, namatay sa aksidente ang kaniyang asawa.
Mahigit limang taon na silang nagsasama ng asawa niya ngunit isang taon pa lang silang kasal. Ang ikinasama pa ng loob ng babae, apat na taon na pa lang kinakasama rin asawa niya ang kabit nito.
“We were in the process of filing for a divorce but we were still getting our stuff in order first. He moved in with the woman he’s been cheating on me with for past four years. I’ve been married to him for a year but we’ve been together for 5 years.”
Dalawang buwan na ang nakakaraan nang namatay sa aksidente ang asawa ng babae bago sila tuluyang maghiwalay.
Dahil nga hindi natuloy ang kanilang divorce, ang babae pa rin ang beneficiary ng life insurance ng asawa niya. Kasama na ang investment account at iba pang iniwan ng kaniyang asawa.
Ngunit isang araw, bigla na lamang may pumunta sa kanilang bahay at nagpakilalang siya ang ibang kinakasama ng asawa niya. Ayon pa sa kabit, kailangan siyang hatian sa iniwan ng asawa dahil ito ay buntis!
“The woman he’s been living with came wailing to my door saying she’s supposed to get his half. And that she’s expecting a baby with him.”
Laking gulat niya dahil hindi niya akalaing ito ay buntis. Hindi niya naman mapatunayan na buntis ito at ang asawa ang ama dahil cremated na ito.
Alam niya ang kaniyang karapatan at wala siyang pananagutan sa batang dinadala ng kabit niya. “I’m also not legally obligated to provide anything for this supposed child. I simply called the police after she refused to leave my doorstep.”
Karapatan ng illegitimate child
Ayon sa batas, ang isang illegitimate child ay dapat sundan ang apelyido ng kaniyang ina. Pero may pagkakataon din naman silang isunod ito sa apelyido ng tatay kung gugustuhin nila at lalo na kung ang tatay mismo ang pumirma sa likuran ng birth certificate. Kailangan itong maayos bago tuluyang mapunta sa Local Civil Registrar at ng NSO.
Nakapaloob sa R.A. 9255 na,
“Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. However, illegitimate children may use the surname of their father if their (relationship) has been expressly recognized by the father through the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father. Provided, the father has the right to institute an action before the regular courts to prove non-filiation during his lifetime. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child.”
Kung sakaling mahuli sa pagpapalit ng apelyido, at napangalan na ng tuluyan sa nanay, maaari naman itong maayos sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang birth record ng kanilang anak. Ang kailangan lang gawin ay mag file ng Affidavit to Use Surname of the Father (AUSF)
Kung walang expressed recognition ay makakapagpalit pa rin ng apelyido ang bata. Ipakita lang ang mga dokumentong ito na magpapatunay na anak niya ang bata tulad ng:
- Insurance
- Income Tax return
- Statement of assets anf liability
- Employment records
- Certificate of membership in any organization
- Social Security System/Government Service Insurance System records
Pagsapit ng 18 taong gulang ng bata ay maaari na siyang magdesisyong kung kaninong apelyido ang kaniyang gagamitin. Kadalasang pinapaboran ng korte ang kagustuhan ng isang bata.
Sa usaping mana naman, ayon sa Artikulo 887 ng New Civil Code of the Philippines, itinuturing ang isang illegitimate child na Compulsory Heir. May karapatan ka sa mana ng iyong tatay kung ikaw ay compulsory heir, kung saan legal kang kinikilala ng tatay mo bilang anak.
Ang isang Adopted Child naman ay kasing pareho lang ng karapatan ng Legitimate Child. May karapatan din itong magmana ng pag-aari ng mga umapon sa kaniya at maisunod ang apelyido sa kanyang pangalan.
Source:
BASAHIN:
Nichol Kessinger: 7 na bagay tungkol sa kabit ni Chris Watts
#AskAtty: Ano ang puwedeng ikaso sa kabit ng asawa ko?
Should illegitimate children take the surname of their dad or mom?