Nichol Kessinger: 7 na bagay tungkol sa kabit ni Chris Watts

Nichol Kessinger: 7 na bagay tungkol sa kabit ni Chris Watts

Ang kabit ni Chris Watts na si Nichol Kessinger ang naging susi upang mabunyag ang mga sikreto ni Chris sa pagpatay niya sa kaniyang pamilya.

Hindi pa rin humuhupa ang interes ng mga tao sa malagim na kaso ni Chris Watts mula nang ipalabas ang American Murder: The Family Next Door sa Netflix. Palaisipan sa karamihan kung paano niyang nagawang patayin ang kaniyang asawang buntis na si Shanann at dalawang batang anak, si Celeste at Bella. Ngunit marami rin ang nagtatanong kung ano na ang nangyari sa kaniyang nobya na si Nichol Kessinger na naglaho na rin. Si Nichol ang naging susi para mahuli si Chris.

Narito ang ilang bagay tungkol kay Nichol Kessinger.

Nichol Kessinger

Nichol Kessinger: 7 na bagay tungkol sa kabit ni Chris Watts

1. Office love affair

Isang geologist si Nichol Kessinger at tubong Colorado. Nagkakilala sila ni Chris nang maging magkatrabaho sila sa Anadarko Petroleum. Ngunit ayon sa panayam sa boss ni Chris sa Netflix documentary, hindi siya aware na mayroong karelasyon si Chris.

2. Hindi niya alam na kabit siya

Ayon sa panayam kay Nichol Kessinger sa ng Denver Post noong November 2018, hindi niya alam na kasal pa si Chris. Ang alam daw nito ay hiwalay na ang kaniyang nobyo at inaayos na lang ang divorce. Sa katunayan pa raw ay nagpapatulong si Chris sa kaniya na maghanap ng bahay na lilipatan niya kapag naayos na ang hiwalayan.

Alam din nito na mayroong dalawang anak si Chris, ngunit hindi nito alam na buntis si Shanann. Nagulat na lang si Nichol nang mabalita sa news na nagdadalangtao ang asawa ni Chris.

3. Bago pa lang ang relasyon nila ni Chris

Nagkakilala si Chris at Nichol ng June 2018 at nagsimula ang kanilang relasyon nang sumunod na buwan.

Ayon sa documentary, nang magbakasyon si Shanann kasama ang mga bata sa kaniyang mga magulang sa North Carolina, naging cold at distant si Chris. Ito ang naibahagi niya sa kaniyang malapit na kaibigan. Sinabi nito na hindi raw kusang tumatawag o nagte-text si Chris sa kanila. May suspetya na siya na may mali sa kaniyang asawa.

Lingid sa kaalaman ni Shanann na magkasama noon si Chris at Nichol.

One month pa lang ang relasyon ni Nichol at Chris nang patayin ni Chris ang kaniyang buong pamilya.

Nichol Kessinger and Chris Watts

4. Ngunit mukhang seryoso sila sa isa't isa

Siyam na araw bago patayin ni Chris ang kaniyang pamilya, tumitingin na si Nichol ng mga wedding dresses sa Internet.

Nakita din sa kaniyang search history na nag-research siya ng: "Man I’m having affair with says he will leave his wife.” Naghahanap din siya ng impormasyon tungkol sa "marrying your mistress."

Matapos maaresto si Chris. Nag-search din si Nichol kung kinamumuhian ba si Amber Frey. Si Amber Frey ang kabit ni Scott Peterson, isang high-profile kaso rin ng pagpatay ng asawa sa kaniyang buntis na asawa.

Nagkaroon ng spekulasyon na nais ni Nichol na magsulat ng libro tungkol sa kaniyang involvement kay Chris.

5. Pinaghinalaan niya agad si Chris

Nang sumabog sa balita na nawawala si Shanann at ang mga bata, doon na nalaman ni Nichol Kessinger ang katotohanan. Nag-usap sila ni Chris tungkol sa pagsisinungaling nito. Kinumpronta nito ang nobyo sa mga sinabi nito na hiwalay na raw siya at ang hindi pagbunyag na buntis ang kaniyang asawa.

Habang nag-uusap sila, pinaghinalaan na niya si Chris dahil sa pagiging kalmado nito at tila walang emosyon sa pagkawala ng kaniyang pamilya.

"It got to a point that he was telling me so many lies that I eventually told him that I did not want to speak to him again until his family was found..."

Dito ay nagdesisyon si Nichol na ipaalam sa police ang kaniyang relasyon kay Chris.

6. Hindi na nagpakita si Nichol

Bagaman na isang malaking break para sa mga imbestigador ang impormasyon na ibinigay ni Nichol sa pulisya, hindi na ito naging testigo sa kaso. Hindi na rin ito pumayag na magpa-interview sa media matapos ang kaniyang pahayag sa Denver Post.

Ayon sa pag-uusap nila ng mga pulis, alam niyang pagpipiyestahan siya at kung anu-ano ang sasabihin tungkol sa kaniya.

"I would not be surprised if it's going to be hard to go out in public sometimes for a couple of years."

Napabalita na umalis na siya ng Colorado at nagpalit na ng pangalan.

chris watts

7. Hindi si Nichol ang huling babae na mahuhumaling kay Chris

Si Nichol ang naging kabit ni Chris bago niya patayin ang kaniyang pamilya. Ngunit kahit pa man nabunyag na sa publiko ang karumaldumal na pagpatay ni Chris sa kaniyang pamilya ay maraming naging fans ang convicted killer.

Sa katunayan, may mga babaeng nagsusulat ng love letters kay Chris kahit nasa bilangguan na ito. Nang maipalabas ang documentary, dumami ulit ang mga sulat para sa kaniya.

 

Sources: Washington Times, Marie Claire, The Tab

Photos: Screengrab from Netflix

Also read:

5 facts tungkol sa kaso ni Chris Watts na hindi naipalabas sa Netflix dokyu

Ama, idinetalye kung paano niya pinatay ang buntis na asawa at dalawang anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner