Naglabas ng pagkadismaya si Karen Davila laban sa Plantation Bay shareholder na si Manny Gonzales. “Shame on you..” ito ang kaniyang paunang salita.
Mababasa sa artikulong ito:
- Plantation bay issue
- Pahayag ni Karen Davila sa nasabing issue
- Ano ang autism?
“We need a friendly and empathetic environment for kids and families with special needs.”
Karen Davila to Plantation Bay shareholder: “Shame on you…” | Image from Karen Davila’s Facebook
Nitong nakaraang mga araw lamang, agad na umagaw sa pansin ng publiko ang review ng isang customer sa kilalang resort sa Cebu—ang Plantation Bay.
Isang ina ang naglabas ng kaniyang hinanakit dahil sa diskriminasyon na naranasan nila sa nasabing resort. Ang kaniyang anak ay mayroong autism disorder, kaya naman espesyal ito sa kaniya. Normal na sa bata ang malayang ipahayag ang kaniyang sarili.
“When something excites him or when he is happy, he makes it known by squealing with delight. Fin is happy! That is what I always tell him every time he does that.”
“I thought that was okay until we were told from afar (a lifeguard). As a mother, your initial action would be directed to your child. So I told him not to squeal because it wasn’t allowed. Quite frankly it was a difficult moment. Another lifeguard came and told us the same thing. I had to explain that he is a child with needs.”
Alam niya sa sarili niyang hindi dapat siya humihingi ng tawad dahil walang mali sa kanilang dalawa ng anak niya.
BASAHIN:
Mom of special needs child to Cebu resort: “I just felt discriminated and excluded.”
5 early signs ng autism sa bata na kailangan mong bantayan
Impeksyon habang buntis, nagpapataas ng tiyansa ng autism at depression sa bata
Mabilis na kumalat ang balitang ito sa internet at marami rin ang nadismaya sa ipinakitang trato ng nasabing resort. Kasunod nito ang paglabas ng pahayag ng shareholder ng Plantation Bay.
Ang nasabing pahayag ay hindi nagustuhan ni Karen Davila, isang kilalang journalist at broadcaster sa bansa.
Karen Davila, dismayado sa ipinakitang asal ng Plantation Bay shareholder Cebu
Hindi napigilang ilabas ni Karen Davila ang kaniyang pagkadismaya dahil hindi nalalayo ang sitwasyon niya rito, may anak din siyang may autismo.
Ayon sa naging interview sa kaniya tungkol dito, tatlong taong gulang ang kaniyang anak na si David nang nalaman niya ang kondisyon nito. May bahagi sa kaniya na hinihiling niyang sana ay nalaman niya ng mas maaga ang kalagayan ng kaniyang anak. Hindi niya maitatanggi na nahirapan siya sa kaniyang pinagdaanan.
“I always thought David was a quiet child. Lolas would say maybe he would start speaking late. But at 3 1/2 years old he started throwing a lot of tantrums, lying on the floor, screaming everywhere. And every time there were other kids he was not interested to play.”
Dahil dito, piniling ipatingin niya ang kaniyang anak sa doktor para masuri kung ano ang kalagayan ni David. Nang malaman niya ito, ibinahagi niyang sinisi niya ang kaniyang sarili. “I cried. I blamed myself. And I asked God why him and not me. This must be because I did something wrong. We asked is there a cure, and the doctor said no. And it broke my heart.”
Karen Davila to Plantation Bay shareholder: “Shame on you…” | Image from Karen Davila’s Facebook
Ngunit paglipas ng panahon, mas tinatagan ni Karen ang kaniyang loob kasama ang asawa nito. Nagsimula silang mag-research at nalaman nilang may mga magulang na sumubok na isailalim ang kanilang anak na may autism sa biomedicine at Casein gluten-free diet. Tumagal ito ng siyam na taon. “We have been committed. I am very passionate about this. I am on an endless pursuit for David’s best.”
“Alam mo, the real one person who taught me how to love was David. You have to be so patient with children with autism. They don’t respond like regular children. Sometimes when the intervention is not full, they cannot show your love back. There were very painful times when David was around five, he was not hugging me, not saying I love you, he could not look me in the eye. And nothing is more painful to a mother.”
Kaya naman ganito ang kaniyang naging saloobin sa issue ng diskriminasyon sa nasabing resort sa Cebu. Alam niya ang pinagdaanan ng mga magulang na may anak na kondisyong autism.
“Shame on you Manny Gonzales of Plantation Bay for trying to school a parent of a child with autism on what the symptoms are.” Ito ay tumutukoy sa naunang pahayag na inalabas ni Manny Gonzales, sinasabi nitong hindi sintomas ng autism ang labis na pagsigaw.
“You are a disgrace to the tourism industry. Your words & heartlessness do not belong in the world today that seeks to include all persons with needs.”
Mababasa sa tweet ni Karen ang kaniyang pahayag. Ayon sa kaniya, walang sinumang magulang ang kailangang maranasan ang diskriminasyong katulad nito.
“I stand up for all parents of kids with special needs. I understand our responsibility to manage the behaviour of our children, no parent deserves to be treated in this manner. A non apology apology just hurts even more.”
Ang naunang post ng resort na “uncontrolled shouting is not a symptom of autism,” ay burado na. Samantala, kasunod nito ang pormal na pahayag ni Manny Gonzales na humihingi ng tawad sa maling ipinakita.
Dagdag pa ni Karen na napakasamang insultuhin ang magulang ata bata gayung hindi naman ito doktor o eksperto sa nasabing kondisyon.
Ano nga ba ang autismo o autism?
Ayon sa Standford Children Organization, ang autism o tinatawag ring Autism Spectrum Disorder ay isang developmental disorder. Isa itong kondisyon na nakakaapekto sa social interaction, communication at behavior ng isang bata.
Ang mga batang may kondisyon na ito’y nagpapakita ng sintomas sa mura nilang edad na maaaring magpatuloy sa kanilang pagtanda. Isa sa mga tinitingnang dahilan kung bakit nagde-develop ang kondisyon na ito’y dahil sa kombinasyon ng kanilang genes at sa environment na nag-tritrigger sa mga genes na ito.
Ayon sa CDC, isa sa kada 68 na bata ang nagkakaroon ng autism. Mas madalas na nagkakaroon nito ang mga batang lalaki kaysa mga babae.
Mga palatandaan ng pagkakaroon ng autismo
Hindi madaling matukoy kung ang isang bata’y may taglay ng kondisyon na ito. Subalit may mga tinatawag na hindi usual o normal na behavior ang sinasabing pangunahing palatandaan ng autismo. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Hirap na makipag-socialize o makipag-communicate sa ibang tao.
- Mayroon silang restricted interest o sa mga specific na bagay lang sila nagpapakita ng interes o reaksyon.
- Sensitive din ang kanilang pang-amoy, pandinig at paningin. Halimbawa may mga pagkaing ayaw nilang kainin dahil sa kulay nito.
- Mayroon silang repetitive behavior tulad ng pagpalakpak ng kamay o kaya pag-ikot-ikot.
- Labis na pagiging honest o pagsasalarawan sa itsura ng iba.
- Inappropriate touching o pag-invade ng space o lugar na kaniyang kapwa.
- Extreme display of affection o kasalungat nito.
- Hindi rin nila kayang kontrolin ang kanilang emosyon. Tulad ng pagsisigaw o pagtalon-talon dahil sa labis na kasiyahan. Madali rin silang magwala kahit na ito’y maliit o mababaw na dahilan lamang.
Karagdagang ulat mula kay Irish Manlapaz
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!